You are on page 1of 19

Department of Education

National Capital Region


S CHOOLS DIVIS ION OFFICE
MARIK INA CIT Y

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat

May – Akda: Jocelyn Javellana


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay inihanda upang mapalalim ang iyong pag-unawa sa
araling ito. Inaasahang maipamamalas mo ang kaalaman, kakayahan, at pag-
unawa batay sa sumusunod na kompetinsi:
● Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat

● Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang


panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan

Subukin
Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na talata. Piliin
ang titik na may tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong Journal.

1. Ang sumusunod ay mga elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:


A. Kapayapaan
B. Katiwasayan
C. Paggalang sa indibidwal na tao
D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

2. Ang buhay ng tao ay panlipunan.Ang pangungusap ay _________


A. Tama, dahil sa lipunan siya napapabilang
B. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at kinikilos ay nakatuon sa ating
kapuwa.
C. Mali, dahil may iba pang aspeto pa ang tao maliban ang tao maliban sa
panlipunan.
D. Mali, dahil may karapatan ang tao na makapag isa.

3. Ano ang tunay na tunguhin ng kabutihang panlahat?


A. Kabutihan ng lahat ng tao
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito

4. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat


indibidwal. Ang pangungusap ay:
A. Tama dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit
ang tunay na layunin ng lipunan
B. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning
itinalaga ng lipunan
C. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat
isang indibidwal
D. Mali, dahil may ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na
nagtatakda ng mga layunin

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan.
Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga
Karapatan ng tao.
B. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa likas na
Batas Moral
C. Mali, dahil sa Kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa
pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
D. Mali, dahil sa Kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa
pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat

Aralin Mga Elemento ng Kabutihang


1 Panlahat

Pagmasdan ang larawan.

Ano ang kaya mong gawin noong sanggol ka pa?

Parang kailan lamang, kalong-kalong ka pa na iyong mga magulang. Kain, tulog


at iyak lamang ang kaya mong gawin. Subukan mong humarap sa salamin,
pagmasdan ang iyong sarili (Self-Check) at magnilay. Anu-ano ang mga
pagbabago sa iyong sarili? Anu-ano ang mga pinahahalagahan mo ngayon? Ano
ang iyong pananaw sa mga isyung naririnig at nababalitaan ngayon?

Darating talaga sa buhay ng isang tao ang panahon na mayroon ng pakialam ka


na sa kinabibilangan mong lipunan. Nalaman mo na hindi ka lamang
nabubuhay para sa iyong sarili at para sa iyong pamilya, na mayroong mas
malawak na mundong iyong kinabibilangan at ikaw ay isang mahalagang bahagi
nito.( EsP 9 p. 1)

Sa modyul na ito, hayaan mong madagdagan ang iyong kamalayan kung ano
nga ba ang tunay na tunguhin ng isang lipunan. Maging layunin mo din ito
bilang kabahagi ng lipunan na iyong kinabibilangan.

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Balikan

Handa ka na ba?
Bago muna ang talakayan, alalahanin mo muna ang iyong mga
natutunan noong nasa ikawalong baitang ka lamang.

Kilalanin ang tinutukoy ng bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot


sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa iyong Journal.
Generation Gap Lewis(1998) Andrew Greeley
Pamilya Golden Rule Utos ng Diyos

____________1. Ano ang pinakamaliit na yunit ng lipunan.

____________2. Sino ang nagsabi ng "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong
gawin sa iyo"

____________3. Kanino nagmula ang prinsipyong ito? "Ang pinakamagaling na


lider ay mapagmalasakit, may integridad, at may kakayahang
maglingkod."

____________4. Sino ang nagsabi nito? "Ang epekto ng mabuting pagkakaibigan


ng taong naninirahan sa lipunan ay malaking impluwensya sa
pagtamo ng kapayapaan at kaayusan."

____________5. Ano ang tawag sa agwat sa pagitan ng magulang at kanilang


mga anak?

Tuklasin
Ang bawat tao ay may mga Karapatan na tinatamasa upang gumawa ng mga
bagay ng malaya.

Tukuyin ang mga Karapatan ng tao na ipinakikita ng bawat larawan sa ibaba.

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sa iyong Journal, sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng bawat larawan?
Larawan A._______________________________________________________________
Larawan B._______________________________________________________________
Larawan C._______________________________________________________________
2. Ano ang kahalagahan nito sa lipunan?
___________________________________________________________________________
3. Paano ka nakikinabang sa mga karapatang ito?
___________________________________________________________________________
4. Ano ang maaaring maging epekto sa lipunan kung malalabag ang karapatan
ng bawat isa?
___________________________________________________________________________
5. Anu-ano ang mga karapatang pantao na iyong nalalaman maliban sa mga
sagot na iyong nabanggit mula sa mga naunang katanungan?
___________________________________________________________________________

Suriin
Mula sa iyong mga sagot sa itaas, masasabi mo bang ito ay nakabubuti para sa
lahat?
Ano nga ba ang kabutihang panlahat?
Ito ay tunay na tunguhin ng lipunan. Nararapat na tunguhin ng lipunan ay
kailangan pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pagbibigay ng halaga
sa karapatan at dignidad ng tao sa lipunan ay sumasalamin sa kabutihang
panlahat.

Gawin nating aral ang maikling kwento ni Jennifer Doroga, isang artikulo na
matatagpuan sa link na ito:
news.abs-cbn.com/currebt-affairs-programs/07/05/12/jennifer-doroga-
katapatan-sa-kabila-ng-pangangailangan.

Jennifer Doroga: Katapatan sa kabila ng pangangailangan

By Nadine Leoncio, Multimedia Producer, Ako Ang Simula Posted at Jul 05


2012 04:12 PM | Updated as of Jul 06 2012 12:35 AM

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Anong karangalan ang kapalit ng katapatan?
Para kay Jennifer Doroga, janitress sa NAIA Terminal
1, walang katumbas ang paggawa ng kabutihan.
Sa araw-araw na paglilinis ni Jennifer ay hindi
niya akalaing makakahanap siya ng wallet na may
P1.2 milyong piso. Nangibabaw ang prinsipyo ng
janitress na pinagkakasiya lang ang maliit na kinikita
para sa pamilya. Imbes na iuwi ang nawawalang pera
ay agad niya itong dinala sa airport administration.

Isa lang si Jennifer sa mga Pilipinong nagsusumikap para buhayin ang pamilya.
Bunso siya sa apat na magkakapatid. Pero kahit na may kanya-kanyang asawa’t
anak ang mga kapatid, tumutulong pa rin siya sa kanila. Sa kanyang isang
buwang sweldo na P5,000 ay nagagawa pa niyang pag-aralin ang pamangkin na
si Jonathan.

Second year college na sana siya, ngunit nahinto dahil sa problemang pinansyal.
Sa ngayon ay doble kayod sa pag-o-overtime si Jennifer para maibalik sa pag-
aaral ang pamangkin.

Tapos na sana ang problema ni Jennifer kung kinuha niya ang nakitang pera.
Pero para sa kanya, prinsipyo pa rin ang mas mahalaga.

Dahil sa kabutihang loob ni Jennifer ay tinulungan siya ng Ako ang Simula. Para
gamiting pangkabuhayan ng pamilya, binigyan sila ng tatlong sako ng bigas
mula sa Sunnywood Harvester’s Rice at mga paninda galing sa Ultramega. Ang
lalo pang ikinatuwa ni Jennifer at ng kanyang pamilya ay ang scholarship na
ibinigay ng STI sa pamangkin niyang si Jonathan.

Wala siyang pagsisisi sa pinanindigan niyang katapatan. Para sa kanya, hindi


mahalaga ang yaman kung wala ka namang busilak na kalooban.

Tandaan:
Karapatan ng bawat kasapi ng lipunan ang matugunan ang kanilang
pangangailangan upang mabuhay nang may dignidad.
Bilang kabahagi ng isang lipunan, tungkulin din ng bawat isa na matiyak
ang kaayusan sa pamamagitan ng pagtaguyod ng mga karapatang
nakabatay sa katarungan. Sa ganitong paraan maaaring makamit ang
kabutihang panlahat.
(EsP 9 p.11)

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mga Elemento ng kabutihang Panlahat (EsP 9 p. 11)

1. Ang paggalang sa indibidwal na tao.


Upang maging makatarungan ang isang lipunan, kailangang nasisiguro ng
namumuno na ang karapatan ng bawat tao ay:
✔ kinikilala
✔ iginagalang
✔ pinoprotektahan
✔ at pinapahalagahan

2. Ang tawag sa katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.


Ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang
maibigay sa mga tao. Halimbawa:
1. Mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan
2. Epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad
3. Kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo
4. Makatarungang sistemang legal at pampolitika
5. Malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang pang-ekonomiya
Ang mga nabanggit na halimbawa ay may malaking epekto sa kapakanan
ng bawat kasapi ng lipunan.

3. Ang kapayapaaan
Ang kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihan panlahat, ang
katatagan ng seguridad ng makatarungang kaayusan. Kailangang
mabibigyan ng seguridad ang lipunan at ang mga kasapi nito sa mabuti at
maayos na pamamaraan.

Ang nabanggit na mga elemento ng kabutihang panlahat ay hindi


magiging epektibo at iiral kung iilan lang ang kikilos. Gaano pa man kagaling,
katalino at kasipag ang isang lider kung ang kanyang mamamayan ay walang
pakialam; ganun din sa mga namumuno, kung sariling interes lang din ang
iniisip walang magaganap na kaunlaran sa isang lipunan. Nakataya ang
kabutihang panlahat sa bawat isa. At sa huli, kabutihang panlahat pa rin ang
siyang mananaig.

Bilang nasa ika-9 na baitang,pinahahalagahan mo ba ang mga nabanggit


na elemento ng kabutihang panlahat sa iyong buhay? Ipaliwanag. Isulat
ang sagot sa iyong Journal.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin
Isulat sa iyong Journal ang tinutukoy na elemento ng kabutihang
panlahat sa bawat larawan.

1. ___________________________________________

2. _________________________________________

3. __________________________________________

4. __________________________________________

5. __________________________________________

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip
Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa journal.

Ano-ano ang konsepto Ano ang aking Ano-anong hakbang ang


at kaalamang pumukaw pagkaunawa at aking gagawin upang
sa akin? reyalisasyon sa bawat mailapat ang mga pang-
konsepto at kaalamang unawa at reyalisasyong
ito? ito sa aking buhay?
Layunin ng lipunan
Kabutihang panlahat

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City: Kagawaran ng
Edukasyon, 2015), 6-16,18.

Isagawa
Paggawa ng Poster

Alin sa mga elemento ng kabutihang panlahat ang umiiral sa iyong komunidad


sa panahon ng pandemya dulot ng covid-19? Ilahad ito sa pamamagitan ng
isang poster.
Maging gabay mo ang rubriks upang makabuo nang maayos na poster. Gawin
ito sa Journal.
Rubriks sa paggawa ng Poster

Pamantayan Indikador Puntos Natamong


Puntos
Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang 5
maayos ang ugnayan ng lahat

Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang 5


Konsepto mensahe sa paglalarawan ng
konsepto

Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa ng 5


(Originality) Poster

Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyn 5


(Creativity) ng kulay upang maipahayag ang
nilalaman, konsepto, at mensahe

Kabuuang Malinis at Maayos ang kabuuang 5


Presentasyon presentasyon

Kabuuang puntos 25
5-lagpas sa istandard 4 - nakaabot sa istandard
3- kasiya-siya 2-1-gagalingan ko pa

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
A. Lagyan ng bituin ✰ sa nakalaang kahon kapag ang sumusunod na
pangungusap ay nagsasaad ng pagpapahalaga sa paggalang ng indibidwal
na tao.

1. Binibigyan ng pagkakataon ang iba tuwing may iminumungkahi o


opinyon

2. Hinahayaan ang iba na abusuhin dahil na rin sa kanilang


kapabayaan.

3. Malayang ginagampanan ang trabaho na may karampatang sahod.

4. Ipilit ang gustong mangyari para hindi masaktan.

5. Huwag maniwala sa mga tsismis tungkol sa isang tao.

B. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon.Lagyan ng tsek ( ✔ ) ang patlang


kung ito ay nagpapakita ng pag-iral ng kapayapaan at tumutugon sa tawag ng
katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.

_____1. Hindi maitatanggi ang pagiging palakaibigan ni Marlo sa kanyang lugar.


Tinatawag na nga siyang “KAP” dahil lahat ng kanyang
nakakasalamuha ay itinuturing niyang kapatid.

_____2. Mula sa isang kalsada na dinadaanan ng maraming pampubliko at


pribadong sasakyan, kapansin-pansin ang malakas na tagas ng tubig
na nagmumula sa isang sirang tubo. Walang sinumang nagtangkang
magkumpuni nito o mag report sa kinauukulan.

_____3. Namimigay ng libreng binhi ng palay at mais ang kawani ng agrikultura


para sa mga magsasakang naapektuhan ng bagyo.

_____4. Dahil sa kakulangan ng salaping panustos sa pang-araw araw ng


pangangailangan ng pamilya, Hinahayaan ng ibang mga magulang na
marinig at masaksihan ng kanilang mga anak ang kanilang madalas
na pagtatalo.

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Karagdagang Gawain
Ano-ano ang maaaring maging epekto ng pag-iral ng kabutihang panlahat?

Panuto: Bumuo ng sagot gamit ang bawat titik ng salitang KABUTIHAN. Isulat
ang sagot sa iyong Journal.

K-
A-
B-
U-
T-
I-
H-
A-
N-

Aralin Pagsusuri ng mga halimbawa ng


2 kabutihang panlahat

Ikaw ba ay mapanuring tao? Isinasaalang-alang mo ba ang kabutihang


panlahat?
Sa araling ito bigyang halaga na pag-aralan ang mga halimbawa ng kabutihang
panlahat na nangyayari sa iyong paligid. Kahit ikaw ay nasa ika-9 na baitang pa
lamang ay marapat ang ugaling mapagmasid kung pinaiiral nga ba ang
kabutihang panlahat sa loob ng tahanan, paaralan, pamayanan o lipunan.

Balikan
Tukuyin ang tatlong elemento ng kabutihang panlahat. Isulat ito sa iyong
Journal.

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Elemento ng Kabutihang Panlahat

Tuklasin

Pansariling Pagsusuri sa Pagsasaalang-alang ng kabutihang Panlahat


Tayain mo ang iyong sarili. Tingnan kung ito ba ay iyong ginawa upang
pairalin ang kabutihang panlahat sa inyong tahanan.

SUKATAN HINDI MINSAN PALAGI


1 2 3
1. Tumulong sa mga gawaing bahay
2. Sumusunod sa utos ng mga magulang
kahit mayroong pangkasalukuyang
pinagkakaabalahan
3. Inaayos ang higaan pagkagising sa umaga
4. Positibo ang pananaw kahit may krisis
5. Sumusunod sa mga payo ng magulang o
guardian
6. Ibinabalik ang gamit kung saan kinuha
7. Hindi nagrereklamo sa paulit-ulit na ulam
8. Iginagalang ang opinyon ng kapamilya at
kapuwa
9. Isinasabuhay ang pagiging magalang sa
lahat ng oras
10.Tumutulong sa mga kapatid sa anumang
pangangailangan

Pagkatapos mong sagutin kunin ang kabuuan ng iyong marka. Ang pinaka
mataas na maaari mong makuha ay 30 puntos.

11
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong Journal.
1. Ilan ang puntos na iyong nakuha?
2. Paano mo bibigyan ng kahulugan ang nakuha mong mataas na marka?
3. Paano mo naman bibigyan ng kahulugan kung ang nakuhang puntos ay
mas mababa sa 30?
4. Sapat na ba ang resultang ito upang mapabuti mo pa ang sarili na pairalin
ang kabutihang panlahat sa loob ng tahanan? Bakit?

O anak kumusta? Nasagutan mo ba nang maayos ang mga gawain?


Mabuti na rin at nabigyan ka ng pagkakataon na suriin ang iyong
kakayahan sa paggawa ng kabutihan sa loob ng iyong tahanan.
Pagyamanin mo pa ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa lahat ng
oras. Mas makatutulong kung ito ay patuloy na ipamamalas sa iyong
kapwa.

Suriin
Sa labas ng tahanan, magiging malawak ang iyong pagkakataon na
makipag kapwa. Kaya bigyang halaga na mapagbuti mo pa ito sa abot na iyong
makakaya habang kasama ang pamilya at mga taong nakapaligid sa iyo.
Halika! basahin at alamin mo ang ipinamalas na kabutihan ng dalawang tao sa
ibaba.
Siya ay si Mother Teresa, isang maawain at may
malasakit sa kapwa. Isang madreng nakilala bilang isang
“buhay na santo”. Ipinanganak siya sa Hilagang
Macedonia. Nakapagtapos ng pag-aaral at nakapagturo
sa Kolkata, Indiya.
Isang gabi habang nakasakay sa isang tren, narinig
niya ang isang tinig na nagsabing iwanan niya ang
kanyang kinaroroonan kumbento upang tulungan ang
mga maralita. Nagtayo siya ng isang samahan ng mga madre na kinikilalang
“Missionary of Charity”, Sa loob ng 30 na taon, kasama ng kanyang mga madre,
nakapagsagip sila ng mga sanggol mula sa mga basurahan, nag-alaga ng mga
ketongin, mga may kapansanan, mga pulubi at nag-alaga ng may karamdaman
at malapit ng mamatay. Dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang kapwa,
biniyayaan siya ng Gantimpalang Nobel para sa kapayapaan.

12
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alam ko kilala mo ang nasa larawan. Ang
tinaguriang “ Tunay na Darna!”
Isang Aktres at pilanthropo. Dahil sa
kanyang walang sawang pagtulong sa mga
Pilipino, siya ay hinirang bilang ambassador
sa kapayapaan at makataong
tagapagtaguyod ng Gawad Filipino Awards
noong Disyembre 5. Binigyan din siya ng
pagkilala ng Forbes Asia bilang “Heroes of Philanthropy” para sa kanyang mga
kawanggawa noong Disyembre 4. Kung saan siya ay nag-donate ng higit sa 15
milyon sa mga nakaraang dekada upang pondohan ang mga kawanggawa sa
sakuna, edukasyon, mga karapatang pampulitika ng mga indigenous people.
Tignan ang artikulo sa link na ito:
https://entertainment.inquirer.net/355095/p2fb-look-angel-locsins-
appointment-as-peace-ambassador-by-gawad-filipino-earns-praise
Hindi tumigil si Angel na pairalin ang kabutihang panlahat sa kasalukuyang
krisis na nararanasan ng ating bansa. Bilang kaisa sa pagsugpo ng covid-19,
muli niyang ipinaramdam ang malasakit sa pamamagitan ng pamimigay ng
pagkain, pag-donate ng PPE’s at mga sanitation tents para mga frontliners.
Tunay ngang isinasabuhay nina Mother Teresa at Angel Locsin ang makibahagi
sa layunin ng lipunan: ang kabutihang panlahat. Ang kanilang natatanging
pagkilos ay pumukaw sa mga tao na makilahok sa paglaganap ng kabutihang
panlahat.
May iba ka pa bang halimbawa ng paggawa ng kabutihan alang-alang sa
lahat?
Kamusta? Ang dalawang personalidad na itinampok ay naging huwaran sa
paggawa ng kabutihan sa kapwa na walang hinihinging kapalit. Ang iyong
simpleng kawanggawa ay mahalaga. Umpisahan mo sa iyong pamilya,
kapitbahay, sa paaralan at sa iyong kinabibilangang lipunan.

13
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin

Lagyan ng tsek ang bilog kung ang pangungusap ay nagsasaad ng halimbawa


ng kabutihang ginawa nina Mother Teresa at Angel Locsin. Isulat ang sagot
sa iyong Journal.

1. Pinamunuan ni Mother Teresa ang pamimigay ng PPE’s sa mga


pilipinong frontliner.

2. Ibinigay kay Angel Locsin ang Gantimpalang Nobel para sa


kapayapaan dahil sa kaniyang mga naiambag na kawanggawa sa
lipunan.

3. Nagtayo ng samahan ng mga madre si Mother Teresa na ang layunin


nito ay kupkopin at alagaan ang mga bata, at may kapansanan.

4. Isa sa mga kabutihang ginawa ni Angel Locsin ay ang namahagi ng


PPE’s at sanitation tent sa mga frontliners sa ating bansa.

5. Napagtanto ni Mother Teresa pagkatapos marinig isang tinig na


kailangang tulangan ang mga maralita gaya ng may ketong at mga
malapit ng mamatay sa lugar ng Kalkota.

Isaisip
Ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili ang kabutihang
panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga
puwersang magpapatatag sa lipunan.
Sa mapanghamong panahon na ating kinakaharap sa kasalukuyan,
magbigay ng limang paraan upang maipakita ang kabutihang panlahat. Gawin
ito sa iyong Journal.

14
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Pag-aralan ang bawat sitwasyon at isulat sa iyong Journal ang iyong
gagawin bilang halimbawa sa pagpapahalaga ng kabutihang panlahat.

1. Napansin mong pagod na ang iyong kapatid na maglinis ng sala ngunit biglang
tinawag siya ng iyong ina upang iabot ang palanggana na nakalagay sa banyo.

2. Nakasunod ka sa batang ito na naglalakad sa kalsada. May dinukot ito sa


bulsa at biglang tinapon ang pinagbalatan ng kanyang kinain sa kalsada.

3. Nagtataka ka kung bakit nagmamadaling lumabas ang kamag-aral mo na


hawak ang pentel pen. Nakita mong maraming mga sulat ang pader ng C.R. ng
inyong paaralan.

15
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang isinasaalang-alang ang


kabutihang panlahat sa loob ng tahanan, paaralan at lipunan? Isulat ang sagot
sa iyong Journal.

_____1. Pag-usapan ang mga hindi pagkakaunawaan kesa sigawan at saktan


ang kapamilya.

_____2. Pinapalampas ang mga nasaksihang pambu-bully sa kapwa kamag-


aral upang walang gulo.

_____3. Minumura ang ang mga kawani ng gobyerno dahil sa pakiramdam na


mabagal umaksiyon sa isyung kinakaharap.

_____4. Iniingatan ang aklat na ipinahiram ng gobyerno upang


mapakinabangan sa susunod na gagamit nito.

_____5. I-report kaagad sa kinauukulan ang anumang nasaksihang pang-


aabuso.

Karagdagang Gawain

Magtala ng tatlong halimbawa ng kabutihang panlahat na


pangkasalukuyang umiiral sa inyong lugar. Isulat ito sa bawat bilang.

Sitwasyon Kabutihang ginawa Epekto

16
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sanggunian

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul


para sa Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.
Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa
Pagpapakatao Baitang 1-10. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon,2016.
Rubric Para Sa Poster slide pdf.com https://dokumen.tips/documents/rubric-
para-sa-poster.html
https://en.wikipedia.org/wiki/MotherTeresa

https://news.abs-cbn.com/current-affairs-programs/07/05/12/jennifer-
doroga-katapatan-sa-kabila-ng-pangangailangan?fbclid

https://www.google.com/search?q=jennifer+doroga

17
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Jocelyn Javellana (Guro, Parang High School)


Mga Tagasuri: Juan Fabon (Guro, Parang High School)
Jeanette J. Coroza (Principal, Tanong High School)
Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva (Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao)
Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (JDPNHS)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like