You are on page 1of 1

JIBC CHILDREN MINISTRY

Minutes of the Meeting – October 2022


Attendance: Marilou Santiaguel, Benjamina Reyes, Samantha Monzon, Alexander Onting, Jessie Ann Jaucalan, John
Kenneth Cerbo, Jazelyn Bautista, Iris Celine Voluntate, Yoni Emmanoelle Fabro

Opening Prayer: Iris Celine Voluntate Devotion: Acts 1:8 led by Yoni Emmanoelle Fabro
PROCEEDS:
I. Sunday Junior Worship
• Nursery Level room – ang mga batang nasa Nursery Level ay maayos nang nakakapag-aral ng Salita ng
Diyos sa opisina ng JIBC Annex Building dahil ito ay nalagyan na ng aircon, at sila ay may maayos nang
classroom.
• New lessons – sa pakikipagtulungan ng Child Evangelism Fellowship, magkakaroon ng mga bagong lessons
at materials na magagamit sa pagtuturo sa mga bata.
• Teachers’ calendar of trainings – upang ang mga kasalukuyang guro at ang mga magiging guro pa sa
hinaharap ay patuloy pang lumago at ma-equip sa pagabot ng maraming mga bata at kabataan. Inihahanda
na ang mga sumusunod na trainings na magagamit din sa mga small groups na naaayon sa edad ng mga
bata at kabataang aabutin.
o Good News Club Training – ito ay para sa pagabot ng mga batang edad 11 years old pababa.
o Junior Youth Challenge Training – ito ay para sa pagabot ng mga batang edad 12 to 16 years old.
o Teaching Children Effectively Training – ito ay para sa evangelistic na pamamaraan ng pagtuturo.
Kaakibat nito ang iba’t ibang level na magbubukas sa puso ng mga guro sa gawaing pang-misyon.

II. Teacher’s Training – naging matagumpay ang nasabing gawain at maraming mga bagong guro ang nasimulan nang
pagturuin sa mga bata, habang ang ilan naman ay nagsisimula muna sa pagiging assistant teacher.
• Bilang ng mga dumalo: 38 participants

III. Children Intercessors


• Monthly Prayer Meeting – upang ang mga bata ay masanay sa paglalaan ng oras at puso sa pananalangin,
pasisimulan sa Nobyembre ang Monthly Prayer Meeting tuwing ikalawang Sabado ng buwan. Sasanaying
manalangin ang mga bata para sa iglesia, sa komunidad, sa iba’t ibang mga bansa at sa mga gawain ng Diyos.

IV. Children’s Worship – Ang Children Ministry ay inaasahang magkaroon ng dance workshop (tambourine, flag & veil
dance at basic ballet) upang ang mga bata at young teens ay masanay sa tunay na pagsamba sa Panginoon, magamit
ang kanilang mga talento para sa Panginoon at ma-improve ang pagsamba, hindi lamang tuwing Linggo at sa tuwing
may mga gawain kundi maging sa kanilang mga personal na paglagong espiritual.

V. Mighty God Worship Team (MGWT) – ito ay ang praise & worship team ng mga bata na patuloy sinasanay upang
maging mga manunugtog, mangaawit at mananayaw ng Panginoon. Gayundin upang sila rin ay makapag-turo rin
sa kapwa nila bata at kabataan. Sila rin ay may sariling uniporme (MGWT Shirt) na isinusuot tuwing 3rd Sunday.

VI. Fellowship – simula sa buwan ng Nobyembre, ang mga bata at young teens at mga guro ay magkakaroon ng
fellowship upang makapagpalakasan at sama-samang mag-apoy at lumago sa Panginoon.
• Junior Fellowship – ito ay gagawin monthly tuwing ika-apat na Sabado
• Teachers’ Fellowship – ito ay gagawin quarterly

VII. Other Matters


• Speaker – ang speaker ng Children Ministry ay ginagamit din sa mga funeral service, subalit nagkaroon ng
problema ang wire nito, kaya inaasahan po namin na uugaling i-check ito ng mga gumagamit.

You might also like