You are on page 1of 1

Tayong lahat ay pantay-pantay, at lahat ng problema ay may solusyon.

Ani nga ni Albert Einstein


ang kapayapaan ay hindi makakamit sa pamamagitan ng puwersa, ito ay makakamit lamang sa
pamamagitan ng pag-unawa. Sa aking mga katunggali, kapita-pitagang inampalain, mga kapwa ko mag-
aaral. Marapatin niyo pong batiin ko muna kayo ng isang matiwasay at kaaya-ayang araw sainyong lahat.
Lubos ang aking kagalakan na mabigyang pagkakataong mapakinggan at makapagsalita sainyong
harapan.

Ako'y magsisimula sa isang katanungan, katanungan na kayhirap sagutin ng simpleng kasagutan.


Isang daan at dalawampu't apat na taon na ang nakalipas simula nang makalaya tayo sa hagupit ng
kolonyalismo, ngunit bakit hanggang ngayon ramdam pa rin ang karahasan na sintulad nito?
Kapayapaan? Napakasarap pakinggan at maramdaman. Yung pakiramdam na akala mo‘y hinehele ka ng
hangin. Nakakahinga ka ng maayos at walang iniisip na problema. Tahimik, payapa at puno ng pag-ibig.
Walang sakitan, iyakan, away, takot at karahasan. Ngunit nawala ang isang napakagandang imahinasyon
ng kapayapaan ng pumasok ang karahasan. Na lubos na kabaliktaran ng kapayapaan. Ano ba ang
nangyayari? Bakit ito nangyayari? Bakit ito nararanasan? Wala na ba itong katapusan? Mga tanong ng
mga taong nakakaranas ng karahasan. Mga taong pagod na at gusto ng sumuko. Mga taong napupuno
ng galit, sakit at takot ang puso. Kapayapaan, kapayapaan, paano ka gagawin? Lahat ay may ganitong
kagustuhan, ngunit aminin nating lahat ng ito ay talaga namang napakahirap makamtan

. Sa panahon ngayon, laganap na ang mga karahasang nangyayari sa ating paligid. Samu't saring
balitang naglalahad ng karahasan sa bata, kahirapan, patayan, gyera, diskriminasyon, at kung ano pa
mang karahasan na patuloy na magdudulot ng negatibong epekto sa mga mamamayan. Katulad na
lamang ng karahasan sa mga bata. Nakakalungkot lamang isipin na sa murang edad ay naramdaman na
agad nila ang karahasan. Kasama na dito ang kahirapan, dahil sa sobrang kahirapan ng buhay ay hindi na
sila nakapag-aral dahil sa kadahilanang walang pera pangtustos sa mga bata pati na rin ang pagkain na
kahit sa isang araw ay mahirap nila makamit. Kinakailangan pang mamasura para lamang may makain,
na ang kinikita ay hindi pa sapat para sa pagkain at gastusin. At hindi pa kasama rito ang patayan, gyera,
at diskriminasyon, na walang pinipiling kasarian upang masangkot sa mga kadilimang ito.

Sa aking mga kamag-aral, napakaswerte natin. Dahil isinilang tayo na hindi man ganoon kayaman,
ngunit nakakapag-aral at may nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Kaya’t kung mahal natin ang
ating kapwa, pamilya, at sariling buhay. Tayo'y magkaisa at maging responsable sa mga napapanah

You might also like