Voice 1: Wag ka maniwala dyan, nasa isip mo lang yan
Voice 2: Uy, napaka sensitive mo naman
Voice 1: Mas marami mas may mabigat pinagdadaanan kaysa sayo
Voice 2: Wala yan, wag mo kasing isipin
SFX: Breathing Heavily
SFX: Ambulance Siren SFX: Heart Monitor Flatline
ANNOUNCER: Wag mong hintayin mahuli ang lahat, huwag
ipagwalang-halaga ang nararamdaman ng iba.
(SOFT MUSIC) ANNOUNCER: Ang Mental illness ay hindi nasa isip lamang.
ANNOUNCER: Isang mahalagang paalala mula sa UP Atin to at DZUP
TITLE: First Aid LENGTH: 30 seconds
***
Voice 1: Aray! Natapilok ako!
Voice 2: Halika lagyan natin ng yelo as first aid tapos punta
tayo sa clinic para ma-check up ka.
Voice 1: (Sigh) Ilang linggo na akong balisa at di maka-focus,
sabi nila wala lang daw to at subukan ko lang wag isipin, pero nahihirapan na talaga ako.
Voice 2: Katulad nung natapilok ka o ibang pisikal na sakit,
may mga handa din tumulong para sa mental and emotional wellness natin. Halika sa Counseling and Guidance Office para matulungan ka nila.
(SOFT MUSIC)
ANNOUNCER: Ang mental health ay mahalagang bahagi ng
pangkabuuang kalusugan at kasing halaga ng physical health, dapat lamang na alagaan natin ito.
ANNOUNCER: Isang mahalagang paalala mula sa UP Atin to at DZUP
TITLE: Back to School LENGTH:30 seconds
***
ANNOUNCER: Ngayong nagbalik na ang pasukan at mayroon ng
limited face to face classes, alam kong marami na sa atin ang nasasabik at nag-aabang sa mga school activities, pero alam ko din na mayroon din tayong mga kamag aral na nakakaramdam ng pagkakaba at pag-aalala.
Ito ay normal na reaksyon sa mga sitwasyon na bago sayo.
Kung ikaw ay nakakaramdam nito, mahihiyang kumausap ng
mapagkakatiwalaang kaibigan, pamilya o maaring bisitahin ang Office of Counseling and Guidance at UPD PsycServ upang humingi ng tulong.
ANNOUNCER: Paalala na ang mental health ay mahalagang bahagi