You are on page 1of 1

Sacdalan, Gilbert M.

October 7, 2022
BT302 Readings in Philippine History

Ill-gotten wealth ng mga Marcos: Totoo ba?

Mula sa aking Nakita at nabasa sa patungkol sa ill gotten wealth ng mga Marcos is pawang
katotohanan at madaming pruweba unang una nung kanyang unang taon sa termino na
pagiging pangulo ng pilipinas nung December 30, 1965 ay nagbukas sya ng bank accounts sa
ibang bansa in Switzerland na nagngangalang SWISS CREDIT BANK at pinangalan kay
William saunders, na kung saan nagpasok at naglagak ng malaking pera na nagkakahalagang
950,000 US Dollars pero ang buong kanyang maging sahod bilang pinaka mataas na opisyal
ng pilipinas ay nasa 5,600 Dollars at dyan palang nagsisimula ang lahat ng ill gotten wealth
ng mga marcos.
Mula sa sumunod na taon na panunungkulan ni Ferdinand marcos muling nagnakaw ng
public funds o pera ng bayan sa nagkakahalangang Billions at nung nagkaroon ng pag aaklas
sa pilipinas at kinailangan umalis ng bansa ang kanyang pamilya papunta sa Hawaii, may
nagpapatunay na kung saan nagdala sila ng mahigit 400 daang jewelry and 27 million php at
mga ginto .
At isa sa malaking patunay na totoo ang ill gotten wealth ng mga marcos ay yung mismong
pagsooli ng perang iniimbak ng mga marcos sa Switzerland sa nagkakahalagang 683 Million
USD sa taong 2003 na kung saan si former ruben Carranza na PCGG Commissioner , 2001-
2004 na kung saan pumunta sa ministry of justice sa Switzerland at nagpirmahan sila upang
maibalik ung perang naimbak at taong 1989 namatay si Ferdinand marcos at may batas sa
pilipinas na kung saan pede mo bawiin ung nakaw na yaman ng isang opisyal ng gobyerno
kung maipapakita na ung kanilang perang natanggap o nakuha ay lubhang apaka lake kesa sa
tamang sahod na dapat nilang makuha sa lehitimong buong termino ng panunungkulan.
At apaka daming pag mamay-ari nilang mga establisyamento sa new York at madaming art
masterpiece ng mga kilalang pintor at mga jewelry na nagkakahalangang 10 billion dollars
na ill gotten wealth nila.
Kayat ako bilang studyante ay nagpapatunay na ang ill gotten wealth ng mga marcos ay totoo
sapagkat apaka daming luho,perang iniimbak sa ibang bansa at gumamit pa ng ibang
pangalan para lamang ito ay takpan, at idagdag ko narin ung mga perang ibinalik ng ibang
bansa dahil may patunay na ito ay nakaw mula sa pera ng bayan ng pilipinas noon.
Ang kasaysayan ng pilipinas ay hindi na mababago ngunit itoy mas maiintindihan sa bawat
taon at henerasyon na dumaan, at lahat ng mga bagay katulad ng mga ill gotten wealth ng
mga marcos ay itoy maibabalik sa atin.
At kahit ngayon nanalo ang kanyang anak na si Ferdinand Marcos jr at lumabas na ang tunay
na katotohanan patungkol sa kanyang pamilya na madaming pera ang kanyang ama na
ninakaw ay itoy padin nanalo sa pagiging pangulo.
Sapagkat iniisip ng mga tao na ang kasalanan ng ama ay hinding hindi maipapasa sa anak,
dahil kung iisipin nyo naman ano puwang ng anak sa pagkakamali ng kanilang ama.
Pero kung ako ang tatanungin baket hindi pa nila ayusin ung gusot sa kanilang pamilya
patungkol dyan dahil hinding hindi sila titigilan ng taong bayan sapagkat walang hustisyang
nangyare sa pera ng bayan na dapat ang bayan makinabang at hindi sila.

You might also like