Professional Documents
Culture Documents
Unang Gawain - Panitikan NG Pilipinas - Surbano, Jhon Dave S. - Bsed-Science 2a
Unang Gawain - Panitikan NG Pilipinas - Surbano, Jhon Dave S. - Bsed-Science 2a
Mahalang pag-aralan ang pantikan sapagkat itoy kaugnay sa ating mga buhay dahil ito ang
naglalarawan sa mga karanasan, kultura, at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino. Maaari nating pag-
aralan ang mga pangyayari sa ating kasaysayan at magamit ang mga aral sa kasalukuyang buhay natin.
Dahil sa panitikan, ang mga tao ay nabibigyan ng tulay sa nakaraan na maaari ring isalamin sa
kasalukuyang panahon. Kaya, mas maiintindihan natin ang ating kultura at tradisyon at mas mabibigyan
ito nang halaga. At higut sa lahat ay upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at
makapagsanay upang maiwasto ang mga ito. At mas malibang Ang ating kaisipan sa mga pamana Ng
ating mga ninono na nagsisilbing kultura sa panahon natin ngayun. Bagkus, Ang panitikan ay dapat
bigyan pansin sa kasalukuyan sapagkat itoy nagtutuon ng ating mga pinagmulan at sumisimbulo ng ating
pagka mamayanang pilipino.
Habang binabasa ko ang tula ni Andres Bonifacio namulat ako sa mga katotohanan na ang isang
tao ay may labis na pagmamahal sa kanyang bayan. Wala itong kapantay. Handa tayong lumaban para
lang mapagtanggol nating ang mahal nating bayang sinilangan. Gaya nga ng pagmamahal ni Bonifacio sa
Pilipinas, ipinaglaban niya ito sa mga Kastila. Siguro sa panahon ngayon marami paring Pilipino ang
tatayo para sa kanyang bansa para lang ipaglaban ang karapatan ng Pilipinas na inaape ng ibang bansa.
Gaya ng hindi makatarungan pag-angkin ng China sa Spratlys. Pilit nila itong inaangkin kahit na malayo
sa kanilang teritoryo ang nasabeng isla.
May kasabihan nga tayo na “ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay walang
mapaparoonan” na nagsasabing ang bawat tao ay dapat tumanaw ng utang na loob sa bayang
sinilangan. At ang isang taong maka-Pilipino ay marunong lumingon sa pinanggalingan. Walang kayang
tumantay sa pagiging makabayan. Kahit na ginto pa ang itapat. Marami mang Pilipino ang nangibang
bansa pero ang kanilang puso at isip ay nakatuon sa Pilipinas. Kaya lamang sila napipilitan magtrabaho
sa ibang bansa sa dahilang mas maunlad ang ekonomiya ng ibang bansa kesa sa atin. Sa dami ng nanakot
sa bansa sa atin at sa dami ng naging utang natin sa ibang bansa naging mahirap para sa Pilipinas ang
bumangon. Nakakaraos na muli tayo sa paghihirap ngunit naging mabagal ang ating pag-unlad. Kahit na
sa ganitong lagay marami pa ring mga Pilipino ang naniniwala na balang araw magiging isa na tayo sa
pinaka maunlad na bansa sa mundo.
Sa lahat ng pagtitiyaga nating umulad at mapabuti ang ating bayan hanggang sa ating pagkamatay,
ang bayan pa din ang ating iniisip. Kahit na sa makabagong panahon marami pa din ang nagiging tapat sa
bayan. Gaya ng mga guro. Sila ang ating inaasahan para tayo’y matutong magbasa at magsulat. Sila ang
nagsisilbing gabay sa ating pag-unlad. Kung wala ang mga guro hindi na tayo magiging maunlad.
Source:
https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-during-the-spanish-regime-pag-ibig-sa-
tinubuang-lupa-tula-ni-andres-bonifacio_1108.html