You are on page 1of 1

PANUKALA PARA SA PAGLALAGAY NG SAKONG BASURAHAN SA GILID

NG KALSADA NG BRGY. SAN ANTONIO PARA MAIWASAN ANG PAGDAMI


AT PAGKALAT NG MGA BASURA

Mula kay Cyrel Jade B. Oliva


Royal Goldcraft
Barangay San Antonio
San Pedro, Laguna
Ika-13 ng Oktubre, 2022
Haba ng Panahong Gugugulin: Isang linggo

I. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
Ang barangay ng San Antonio sa San Pedro Laguna ay maraming kalat ng basura sa gilid
ng kalsada. Isa sa mga suliranin dito ay ang pagbaha dahil nababarahan ng basura ang daluyan
ng tubig. Isa na rin sa dahilan ng pagbaha ay ang pag apaw ng ilog kung saan dito itinatapon ng
mga tao ang kanilang nga basura. Dahil dito ang barangay ay kailangan ng basurahan para hindi
na magtapon ang mga tao sa kalsasa at sa ilog.

II. LAYUNIN
Layunin nito maglagay ng mga basurahan kung san magtatapon ang mga tao, para na
rin maging malinis at maging ligtas sa dalang sakit ng nga basura. Layunin din nito ay ang
makatulong sa kalikasan

III. PLANO NG DAPAT GAWIN


• Pagpapasa, Pagpapaapruba, at Paglabas ng Pondo
• Pagpupilong ng mga Barangay Officials para sa paglalagay ng mga sakong basurahan
sa tabi ng kalsada.
• Paglalagay ng sakong basurahan sa ilalim ng pamamahala ng kapitan ng Barangay

IV. PONDO/BADYET
Mga Gastusin
Halaga

Halaga ng mga (2,000) sakong ilalagay sa gilid ng



₱10,000
kalsada
Gastusin para sa mga materyales na paglalagyan ng
mga sakong basurahan
₱35,000

Gastusin para sa meryenda ng mga tumulong sa


paglagay ng mga sakong basura sa gilid ng kalsada
₱5,000

Kabuuang Halaga = ₱50,000

V. BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA MAKIKINABANG NITO


Ang pagpapalagay ng mga sakong basurahan sa gilid ng kalsasa ay makakatulong sa
mga mamamayan ng Barangay San Antonio dahil ito ay malaking tulong para mabawasan ang
kalat sa lugar. Hindi na makakaranas ng pagbara sa daluyan ng tubig sa kalsada na syang
nagdudulot ng pag baha. Mababawasan na rin ang mga kalat sa ilog na syang tinatapunan ng
mga tao. Dahil sa paglalagay ng mga sakong basurahan ay magiging malinis at ligtas na rin ang
ating kapaligiran.

You might also like