You are on page 1of 3

Lesson 7

A. Lesson Program : Rounds


B. Item Program : SIP
C. Layunin/LC : Naisasagawa ang disiplinang pansarili sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga
tungkulin bilang kasapi ng komunidad.
AP2 PKK-IVf-5

D. Paghahanda:
1. Ihanda ang tsart na kinasusulatan ng items.
2. Ihanda rin ang mga larawam at ilagay sa pocket chart.
3. Gamitin ang mga larawan habang nagpapaliwanag tungkol sa aralin.
4. Basahin ko ang mga pangungusap na makikita sa bawat larawan. (PT)
5. Ipaalala ang mga pamantayan sa pakikinig sa mga bata.
6. Humingi ng tulong sa I.S kung kinakailangan.
7. Pasagutan ang mga tanong sa items.

1.
Sumunod sa mga batas-trapiko

2.
Gamitin nang maingat ang palaruan.
3.
Sumunod sa mga babala.

4.
Igalang ang mga kapitbahay

5.
Mag-alaga ng tanim sa tabing daan.

6.
Makiisa sa proyekto ng komunidad.
7.
Magtapon ng basura sa tamang basurahan.

Ref. Matapat na Pilipino. Sibika at Kultura 1


Ni: Lydia N. Agno Ed.D, Estelita B. Capiña, Celinia E. Balonso, Ph.D
Grace Estela C. Mateo, Ph.D, Rosita D. Tadena, Ph.D

E. Hakbang:
1. Gawain: Sagutin ito. (item)
Kung tama ang sagot ng bata, purihin siya. Sabihin: MAGALING! Kung
hindi, magpatuloy sa hakbang 2.
2. Turuan ang bata. Sabihin: BABASAHIN KO ULIT ANG MGA
PANGUNGUSAP. Kung tama na ang sagot ng bata, purihin din siya.
Sabihin: MAGALING! Balikan ang hakbang 1.

F. Items:
1. Ano-ano ang mga tuntunin na ipinakita sa mga larawan?
2. Sinunod ba ng mga tao sa larawan ang mga tuntunin bilang kasapi ng
komunidad?

G. Feedback:
1. a.Sumunod sa mga batas trapiko.
b. Gamitin nang maingat ang palaruan.
c. Sumunod sa mga babala.
d. Igalang ang mga kapitbahay.
e. Mag-alaga ng tanim sa tabing daan.
f.Makiisa sa proyekto ng komunidad.
g. Magtapon ng basura sa tamang basurahan.
2. Opo

You might also like