You are on page 1of 2

Lesson 6

A. Lesson Program : Rounds


B. Item Program : SIP
C. Layunin/LC : Naipaliliwanag na ang mga karapatang
tinatamasa ay may katumbas na tungkulin
bilang kasapi ng komunidad. AP2PKK –
IVe-4

D. Paghahanda:
1. Ihanda ang tsart na kinasusulatan ng items.
2. Ihand rin ang larawan at ipaskil sa pisara.
3. Pag-aralang basahin ang talata.
4. Ipaalala ang mga pamantayan sa pakikinig sa bata.
5. Pag-usapan ang mga tungkulin na ipinapakita sa larawan.
6. Humingi ng tulong sa I.S kung kinakailangan.
7. Pasagutan ang mga tanong sa items.

E. Hakbang:
1. Gawain: Sabihin. Sagutan ito. (item)
Kung tama ang sagot ng bata, purihin siya. Sabihin: MAGALING!
Kung hindi, magpatuloy sa hakbang 2.
2. Turuan ang bata. Kung tama na ang sagot ng bata, purihin din siya.
Sabihin: MAGALING! Balikan ang hakbang 1.

F. Itmems:
1. Ano-ano ang ginagawa ng mga tao sa larawan? Ano-ano ang ginagawa ng
mga bata sa loob ng silid-aralan?
2. Ginagawa ba nila ang kanilang tungkulin sa komunidad?

G. Feedback:
1. a. May mga tao na nagsasabong, nagtatambay sa tindahan, pinababayaan
lamang ang mga aso na magkalat ng basura.
b. Ang mga bata ay nagbabatuhan, nagsisigawan, at nagkukulitan sa loob
ng silid-aralan.
2. Hindi ginagampanan ng mga tao sa larawan ang kanilang tungkulin sa
komunidad. Hindi rin ginagampanan ng mga bata ang kanilang tungkulin
sa paaralan.
Ref. Pilipinas Ang Ating Bansa
Nina: Eleonor D. Antonio, Emilia L. Banlaygas. Alegria S. Flora, Rosalinda R.
Belarde, Leonora L. Oriondo

May tungkulin tayo sa tahanan. Mayroon din sa paaralan. Gayun din sa ating
komunidad. Ang ating komunidad ay tumutulong sa ating mga
karapatan. Dahil dito, may mga tungkulin tayo sa komunidad. Kung
gagawin natin ito, bubuti ang ating pamumuhay.

You might also like