You are on page 1of 1

Walang salita ang makakapagpaliwanag kung gaano kagaling ang mga gurong tinuturan

ang mga mag-aaral sa matuwid na daan tungo sa tagumpay na kanilang hinahangad.

Tinutulungan nila tayo sa lahat ng bagay bilang estudyante at ginagabayan upang di


matahak ang maling daan.

Hindi madali maging isang guro dahil ikaw ay pangalawang ina na ituturo ang tama
upang wala kang pagsisihan sa bandang huli. Palagi silang nagpapaalala sa atin
dahil ayaw nila na mapariwa ang ating buhay.

Sa kabila ng pagod na tinitiis nila. Ngumingiti padin sila na parang sinasabi nila
sa atin na kaya nating lagpasan ang pagsubok sa pag-aaral.

Kaya para sa lahat ng Guro na patuloy kaming tinutulungan mula elementarya hanggang
sa huling hagdan ng aming tagumpay. Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong
lahat sa kabutihan at pangaral na inyong binigay samin ng taos puso.

Ang mensaheng ito ay galing sa isang studyante na laking pasalamat sa inyo dahil sa
nagkaroon ako ng inspirasyong mas-igihan kong abutin ang aking pangarap.

You might also like