You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IKALIMANG BAITANG

Date: ______________
I. LAYUNIN:
 Nagagamit ang iba't ibang antas ng pang-uri sa paghuhubog ng katangian ng
tao, bagay, pook at
pangyayari.
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa kapwa
II. PAKSANG-ARALIN:
A. Deskripsyon:
1. Kasanayan: Paggamit ng iba't ibang antas, ng pang-uri sa paghuhubog ng
katangian ng tao,

bagay, pook at pangyayari.


2. Nilalaman: tsart ng kuwento
Sanggunian: BEC-PELC; Pagdiriwang ng Wikang Filipino d. 151-158
Kagamitan: tsart ng kuwento
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Piliin sa mga sumusunod na pangungusap ang mga pang-uri.
a. Masyadong maharot si Felimon
b. Mas mataas ang boses ni Mila kaysa kay Norma
c. May napili ka na bang mahusay na bata?
2. Pagganyak
Kilala ba ninyo si Ernie Baron? Ano ang kanyang ibinabalita?

B. Paglalahad
1. Paglalahad ng isang pagbabalita ni Ernie Baron. “Ulat sa Panahon”
2. Itanong:
a. Ano ang inilalarawan ni Ernie Baron?
b. Paano niya ito inilarawan?
c. Anu-anong mga pang-uri ang kanyang ginamit?
C. Pagtalakay
1. Angkop ba ang pamagat sa paksang tinatalakay? Bigyang katwiran.
2. Ano ang paliwanag ni Menandro kung bakit ang araw ang pinakamaganda para sa
kanya?
3. Sino ang nagbigay-katwiran sa kahalagahan ng kanyang ama?
D. Panglinang na Kasanayan
Pumili sa mga sumusunod na paksa at ilarawan ito sa harap ng klase.
1. Ang Aking Kalaro
2. Ang Nagdaang Araw ng Kalayaan
3. Uri ng Panahong Gusto Ko
E. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa mga panguring nasa iba't ibang kaantasan?

F. Paglalapat:
Ilarawan ang alinmang sa sumusunod na paksa:
1. Ang Pagputok ng Mt. Pinatubo
2. Ang Ating Kalawakan
3. Ang Kakaibang Mayor
G. Pagpapahalaga:
Paano ninyo pakikitunguhan ang inyong kapwa?

IV. PAGTATAYA:
Piliin ang wastong pang-uri sa panaklong:
1. Nakabubuhat ng dalawang kabang bigas si Tata Berto dahil sila ay(malakas, mas
malakas,
pinakamalakas)
2. (Maningning, Mas Maningning, Pinakamaningning) ang kanyang mga mata.
3. Mataas at Mabilog ang pangangatawan ni Lucas kaya siya ay (mabigat, mas
mabigat,
pinakamabigat) sa buong klase.
V. TAKDANG-ARALIN:
Ilarawan ang inyong unang pagpasok sa paaralan. Gumamit ng mga pang-uring nasa
iba’t- ibang kaantasan.

You might also like