You are on page 1of 5

BAHAGI I

BAHAGI 1: WIKA
WIKA: KASANGKAPAN
KASANGKAPAN SA KOMUNIKASYON
SA KOMUNIKASYON

Introduksyon

Aralin 1. Depinisyon ng Wika

Introduksyon

Ang wika ay kasangkapan ng pakikipagtalastasan.


Tunay ngunit hindi kasangkapang mekanikal at kagamitan ang
isang wika. Ito’y tagapagdala ng mga ideya.
Naiimpluwensiyahan nito ang ugali ng tao, ang isip at
damdamin. Ang wika’y instrumento ng paglikha ng
makabuluhan at malikhaing pag-iisip. Samakatuwid, upang
magamit sa sukdulang kagamitan ng wika, dapat itong
mahawakan nang buong husay, maangkin ng ganap. Ang
mahina at di ganap na bunga ng paggamit ng naturang wika.

Layunin:

1. Nakapagbibigay ng kahulugan ng wika


ayon sa iba’t ibang dalubhasa.

1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Ang wika ay isang
kodigo ng
pakikipagtalastasang
karaniwang ginagamit ng
ilang grupo ng taong
kumakatawan sa isang lahi o
bansa tungo sa pag-ukit ng
isang malaya at maunlad na
bansa o sa pagpapatatag
nito. Sa wika, nagkakaisa ang
kaisipan, damdamin at
adhikain ng bawat
mamamayan.

Sa pamamagitan ng wika, naitatala at naihahayag ng tao ang mga karanasan


at kasaysayan ng sinaunang panahon. Sa wika, nasasalamin ang mga pangyayari sa
lipunang kanyang ginagalawan. Naipapahayag ng tao ang kanyang malaon nang pag-
ibig o galit at pagkasuklam na nagiging daan ng paghihirap ng kanyang loob. Ang wika
ang siyang puno’t dulo ng mga pangyayaring kinasasangkutan ng tao sa lipunang
kanyang kinabibilangan. Sa pamamagitan ng wika, nakikipag-usap at napapalapit ang
tao sa kanyang kapwa, bayan at higit sa lahat, sa ating Poong Maykapal. Bihisan mo
man ng hiyas, ginto at palamuti ang isang tao ay mistula pa ring alipin o damong ligaw
kapag ito’y walang masasabing sariling wika.

2 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Para sa pananaw na istruktural, isang arbitraryong sistema ng mga anyong
linggwistik ang wika. Pinagsasama-sama ang mga sangkap o aytem nito sa
mga karaniwang paraan upang lumikha ng mga pangungusap. Gayon din,
salita o speech ang wika at wika ang salita, at isa lamang sekondaryong
representasyon ng wika ang pasulat na anyo nito (Fries, 1940).

Katuturan ng Wika Ayon sa Iba’t ibang


Dalubhasa

Inaakala ng mga
kognitivist na isang
prosesong mental ang Ayon naman
wika. May universal na kay Edgar Sturtevant,
gramatika at sa mataas ang wika ay isang
na abstrak na atas, may sistema ng mga
magkakatulad na arbitraryong simbolo
katangiang linggwistik ng mga tunog para sa
ang lahat ng mga wika komunikasyon ng mga
( Chomsky, 1957 ). tao.

Sa pananaw ang
teoryang sosyo-
linggwistik. Ayon sa mga
Ang wika ay isang siyentistang panlipunan o
sistema ng mga sagisag na social scientist, hindi
binubuo at tinatanggap ng lamang set ng mga
lipunan. Ito ay resulta ng unti- tuntunin ng pagbuo ng
unting paglilinang sa loob ng mga anyong linggwistik
maraming dantaon at ang wika kundi set o
pagbabago sa bawat kalipunan na rin ng mga
henerasyon, ngunit sa isang tuntunin ng paggamit ng
panahon ng kasaysayan, ito ay wika (Hymes, 1972).
tinutukoy na isang set ng mga
hulwaran ng gawi na pinag-
aaralan o natututunan at
ginagamit sa iba’t ibang antas ng
bawat kasapi ng pangkat o
komunidad (Caroll, 1964)

3 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Aralin 2. Katangian ng Wika

Mga Layunin at Inaasahang Bunga:


Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang katangian ng wika.

Anumang wika ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian.

Masistemang balangkas

Ang wika ay sinasalitang tunog

Ang wika ay pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary

Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon

Ang wika ay nakabatay sa kultura

Ang wika ay nagbabago

Natatangi

Masistemang balangkas. Kapag sinasabing masistema, ang ibig


ipakahulugan nito ay may kaayusan o order. Bawat wika kung ganoon ay may
kaayusan o order ang istruktura. May dalawang masistemang balangkas ang wika:
ang balangkas ng mga tunog at ang balangkas ng mga kahulugan. Ang wika ay may
tiyak na dami ng mga tunog na pinagsasama-sama sa isang sistematikong paraan
upang makabuo ng mga makahulugang yunit ng mga salita. Gayundin, ang mga salita
ay mapagsama-sama upang makabuo ng mga parirala at sugnay/pangungusap.

Sinasalitang Tunog. Maraming mga tunog sa paligid na makahulugan ngunit


hindi lahat ay maituturing na wika. Ilan sa mga halimbawa ay ang alarma ng orasan,
kulog sa kalangitan, wang wang ng patrol ng pulis, lagaslas ng tubig, sagitsit ng
pinipritong isda at napakarami pang iba na may kahulugan. Subalit ang mga ito ay
hindi nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap ng pananalita kaya hindi matatawag
na wika. Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa tulong ng iba’t ibang sangkap
ng pagsasalita tulad ng dila, labi, babagtingang tinig, ngalangala at iba pa.

4 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


Ang wika ay pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo. Ang kahulugan
ng arbitraryo ay napagkasunduan. Ang bawat wika ay pinipili at isinasaayos sa
paraang pinagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit nito. Ang mga tunog
na binibigkas ay pinili at isinaayos para sa layunin ng mga gumagamit.

Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon. Ang wika ay kasangkapan sa


komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong
ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi na ginagamit ay nawawalan ng saysay,
gayon din ang wika. Idagdag pa na kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti-
unting nawawala at tuluyang mamamatay.

Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay


paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng
pangungusap.Walang pangungusap kung walang salita. Sa pagsasama-sama ng mga
salita nabubuo ang pangungusap. Ginagamit ang wika bilang instrumento ng
pagkakaintindihan, pagkakaisa at pagpapalawak ng kaalaman.

Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkaiba-iba ang mga wika sa


daigdig? Ang sagot, dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga
pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang
katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon
ng isang wika. Pansinin natin ang pagkakaiba ng Ingles sa Filipino. Ano-ano ang iba’t
ibang anyo ng ice formations sa Ingles? Ano ang katumbas ng mga iyon sa Filipino?
Maaaring yelo at nyebe. Ngunit ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala, sapagkat
hindi naman bahagi ng ating kultura ang glacier, iceberg, frost, hailstorm at iba pa.
Samantala, ano naman ang katumbas sa Ingles ng ating palay, bigas, at kanin? Rice
lamang hindi ba? Bakit limitado ang bokabularyong Ingles sa pagtutumbas ng mga
salitang kargado ng kulturang agrikultura? Ang sagot, hindi iyon bahagi ng kanilang
kultura.

Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging
magbago. Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamamatay tulad ng hindi
paggamit niyon. Paano nagbabago ang wika? Ang isang wika ay maaaring
nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng tao,
maaari silang nakalilikha ng mga bagong salita. Ang pinakamahusay na halimbawa
nito ay ang mga salitang balbal at pangkabataan. Samantala, kailangan ding lapatan
ng mga katawagan ang mga produkto ng pag-unlad ng teknolohiya at syensya. Bunga
nito, ang ating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi umiiral noon. May
mga salita ring maaaring nawawala na sapagkat hindi na ginagamit. Samantala, may
mga salita naming nagkakaroon ng bagong kahulugan. Halimbawa, ano ang orihinal
na kahulugan ng salitang bata? Sa ngayon, ano-ano ang iba pa niyong bagong
kahulugan? Ang mga iyan ay patunay na ang wika ay nagbabago.

Natatangi. Ang bawat wika ay may kanyang sariling set ng mga tunog, mga
yunit panggramatika at kanyang sistema ng palaugnayan. Ang bawat wika ay may
katangiang pansarili na naiiba sa ibang wika. Walang dalawang wika na magkatulad.
Maaaring sabihin na may mga wikang magkakahawig dahil parte-parehong mayroon
ang mga ito ng sistema ng mga tunog, sistema ng pagbubuo ng mga salita at sistema
ng pag-uugnay ng mga pangungusap ang mga ito. Samakatwid, walang wikang
imperyor at superyor.

5 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan

You might also like