You are on page 1of 3

Aralin 3.

Ang Wika sa Lipunan

Mga Layunin at Inaasahang Bunga:


Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad nang mahusay ang ginawang pakikipanayam ng grupo
hinggil sa wika, kultura at lipunan ng iba’t ibang pangkat.

2. Nakapag-uulat hinggil sa wika, kultura at lipunan ng ilang pangkat sa


Pilipinas.

Sinasabi na Sa kabilang
ang wika ay sistema banda naman,
ng simbolo. Simbolo ito nabanggit ni
na may mga elemento Wardhaugh (2006) na
tulad ng ponolohiya, ang isang lipunan ay
morpolohiya, anumang grupo ng mga
sintaktika, tao na magkakasama
semantika/pragmatika, para sa isang tiyak na
at tuntunin gaya ng layunin o mga layunin.
gramatika. Bunga ang Komprehensibong
mga ito sa konsepto ang lipunan
napagkasunduang dito ngunit mahalaga
paggamit ng lipunan sa ang komprehensibong
isang wika. pananaw na ito dahil sa
iba’t ibang uri ng mga
lipunan na nagbibigay
ng direktang
impluwensya sa wika o
bise bersa.

Maaaring mahulma rito ang kabuluhan ng wika sa palibot: ang wika ay kung
ano ang sinasalita ng isang partikular na lipunan. Halimbawa, ang lipunan ng mga
bayot/bakla ay may sariling wika na sila-sila lamang ang nakapagsasalita at
nakauunawa. Kinikilala nila at ng ibang grupo ang wikang ito sa tawag na bekimon.
Gumagamit naman ng sarili nilang wika ang lipunan ng mga doktor na sila-sila lamang
ang maaaring makauunawa dahil sa teknikal nitong kahulugan at anyo.

1 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


3.1 Sosyolinggwistika

Ito ay pag-aaral ng wika


sa mga konteksto ng lipunan nito
at ng buhay panlipunan sa
pamamagitan ng linggwistika
(Coupland at Kaworkski, 1997).
Pagtatagpo ito ng wika at
impluwensya ng lipunan sa
isang tao. Siyentipiko na mapag-
aaralan ang wika bilang hiwalay
na bagay sa gumagamit nito. Ito
ang gawain ng mga linggwista.
Subalit, ang lipunan na
ginagamitan ng isang wika ay
lumilikha ng epekto sa huli. (sa
gumagamit nito)

3.2 Sosyolohiya ng Wika

Ang sosyolohiya ng wika ay


sumasaklaw sa mga paksa na may
kaugnayan sa panlipunang samahan ng
pag-uugali ng wika (social organization of
language behaviour), kabilang hindi lamang
ang paggamit ng wika sa bawat isa kundi
kasama rin ang mga saloobin sa wika
(language attitude) at mga pag-uugali ng
pag-uusap sa wika at sa mga gumagamit ng
wika. Masasabing lipunan ang tuon ng
sosyolohiya ng wika at ang relasyon ng wika
sa lipunan samantalang ang
sosyolinggwistika ay tungkol naman sa
relasyon ng wika sa lipunan.

2 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan


3.3 Antropolohikong Linggwistika

Tinitingnan sa
antropolohikal na linggwistika ang
wika sa pamamagitan ng lente ng
antropolohikal na konsepto-
kultura-upang makita ang
kahulugan sa likod ng paggamit,
maling paggamit o hindi paggamit
ng wika, ng iba’t ibang anyo nito,
mga rehistro at estilo.
Interpretatibong larang ito ng
paghihimay-himay sa wika upang
makahanap ng kultural na pag-
unawa.

Katulad ng sosyolohiya ng
wika, ito ay may kaugnayan din sa
sosyolinggwistika. Kung ang
hanap ng larang na ito ay
makahanap ng kultural na pag-
unawa sa likod ng pag-uugali sa
wika, ang sosyolinggwistika
naman ay tumitingin sa wika
bilang panlipunang institusyon na
nagdadala ng panlipunang
interaksyon (Foley, 1997).

3.5 Etnolinggwistika

Ayon kay Underhill (2012)


pag-aaral ito sa relasyon sa pagitan
ng wika at komunidad. Gayunpaman,
sa lente nito higit ang pagtingin sa
pag-aaral ng wika sapagkat ito ay
isang larang ng linggwistika na pag-
aaral ng ugnayan sa pagitan ng wika
at kultura, at ang paraan ng iba’t ibang
grupo ng etniko na makikita sa
mundo.

Ito ang kumbinasyon sa


pagitan ng etnolohiya at linggwistika.
Kinikilala rin ito bilang kultural na
linggwistika.

3 Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan

You might also like