You are on page 1of 2

Ma. Bernadette C. Sibucao Ginoong Jackson Jake U.

Llames
BSOA 1-1 N Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

Panimulang Gawain
Batay sa iyong mga dating napag-aralan, magbigay ng mga halimbawa ng impluwensya ng mga dayuhan
sa Kulturang Filipino. Magbigay rin ng isang maikling paliwanag hinggil sa nakikita mong pangkalahatang
epekto nito.

Mga halimbawa ng impluwensya ng mga dayuhan sa Kulturang Filipino:


1. Ating tinanggap ang paggamit ng paputok tuwing may pagdiriwang at paggamit ng kulay bilang tanda
ng estado sa buhay ng mga Tsino. 
2. Naimpluwensyahan din tayo ng mga Tsino sa mga salitang ate, ditse, diko, sanse, sangko, at ingkong.
3. Maging sa pagkain naimpluwensyahan tayo ng mga Tsino tulad ng pansit, lumpia, siopao, siomai,
taho, chopsuey, at iba pa.
4.  Namana naman natin sa mga Hindu ang pagbibigay ng dote sa magulang ng babaeng pakakasalan at
pagsaboy ng bigas kapag may kasal. 
5. Naimpluwensyahan tayo ng mga Arabe ng relihiyong Islam at sayaw gaya na singkil.
6. Kadalasan sa mga sikat na kanta sa panahon ngayon ay impluwensya ng mga Amerikano.
7. Ang mga Amerikano ang nag-impluwensya sa atin ng mga Classic, Jazz, R&B, Pop, Country, Rap
songs, at iba pa.
8. Ang mga Amerikano rin ang nag-impluwensya sa atin ng Edukasyon at tinuro nila sa atin ang pagsulat,
pagbasa, lalo na ang wikang Ingles at iba pa.  
9. Isa sa mahalagang impluwensya ng kulturang Espanyol ang paraan ng pananamit ng mga Pilipino.
Mula sa bahag ay natutong gumamit ng saya at barong ang mga Pilipino. Patunay dito ang ating
pambansang kasuotan, barong tagalog sa lalaki at baro't saya sa babae.
10. Katolisismo naman ang pinakamalaking imluwensya ng kulturang Espanyol sa kulturang Filipino.
Kilalang katolikong bansa ang Pilipinas sa buong Asya at halos lahat ng mga pamanang kultura ng
Espanya sa atin ay mula sa relihiyong Katolisismo.
Paliwanag:
Ang pangkalahatang epekto nito, ay ang mga kinagsinan nating impluwenysa ng mga dayuhan
sa Kulturang Filipino ang siyang sinasalamin sa kasalukuyang panahon. Ang mga impluwensyang
naibahagi nila ang naging susi sa kamalayan ng Kulturang Filipino na magpursige, maipaglaban, at
maisabuhay ang ating yaong kultura. Di natin maipagkakaila na karamiha’y gustong gayahin kung ano
mang mayroon ang mga kulturang dayuhan. Kung ating bibigyang kunklusyon, malaki ang pinagkaiba ng
mga kulturang dayuhan sa ating Kulturang Filipino, ngunit marami sa atin ang gustong tumangkilik sa
kinagisnan nilang kultura at sadyang ang buhay nating mga Pilipino ay tumatakbo kasama ang
impluwensya ng kulturang dayuhan. Kanais-nais man o hindi ang naidulot nila, hindi maikakailang
maraming naimpluwensya ang mga dayuhan sa ating kulturang Filipino. Sa huli't huli, aminin nating
malaki ang ambag nila sa kung ano ang bumubuo sa ating bansa at sa ating pagka-Pilipino.
Subalitdatapwat, tayo ay huwag basta-basta tumangkilik sa mga kagawian na di tayo pamilyar. Ating
tangkilikin pa rin ang sariling atin at ang sariling kulturang kinagisnan. Mabuting pamamaraan sa
pagtangkilik sa sariling atin ay ang pagpayaman sa kinalakihang kultura ng mamamayang Pilipino, at
siguraduhing umaapaw ang ating paniniwala sa sariling kulturang Filipino bago tumangkilik sa kultura ng
ibang dayuhan, maging bukas ang ating isipan sa pag-iintindi o pag-unawa sa mga epekto ng
pagtangkilik sa kultura ng mga dayuhan.

You might also like