You are on page 1of 3

Ma. Bernadette C. Sibucao Ginoong Jackson Jake U.

Llames
BSOA 1-1N Filipinolohiya at Pambansang
Kaunlaran

Gawain 1:
Basahin ang Lisyang Edukasyon ng Pilipino ni Renato Constantino at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino?


Nagkaroon ng mabuti at hindi mabuting epekto ang edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga
Filipino. Ang mga mabuting epekto nito ay naging higit na masigasig ang mga Pilipinong tumuklas ng
karunungan at magpakadalubhasa sa iba't ibang larangan. Nakatulong din ang edukasyong kolonyal sa
pagbubukas ng mata ng mga Pilipino upang magising ang kanilang diwang nasyonalismo. Lumawak ang
kanilang kaisipan at pananaw di lamang para sa sarili kundi maging sa bayan. Ang mga katuruan ng
Simbahang Katoliko gaya ng kagandahang asal, pagsisimba, at pananampalataya sa Diyos ay higit na
naging katanggap-tanggap sa buhay ng mga Pilipino. Ang mga hindi mabuting epekto naman ay ibinigay
natin ang ating kaluluwa kapalit ng kaunting kaalaman sa Ingles. Natanim sa isipan ng mga Pilipino na
higit na maganda ang kulturang banyaga, kung saan naging mababa ang pagtingin ng marami sa sariling
kultura. Pinilit nilang pag-aralan ang wikang Espanyol at namuhay na parang mga Espanyol at ikinahiya
ang pagka-Pilipino. Ang damdaming ito'y lumikha ng takot, hiya at mababang pagtingin sa sarili lalo na sa
mga pangkaraniwang Pilipino. Bukod sa mga nabanggit ay Ingles ang naging wikang panturo at
awtomatikong naging wika ng kaalaman. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga libro at teksbuk sa
wikang Ingles, nagawa nitong bihagin ang pag-iisip ng mga Pilipino na natutunang sambahin ang kultura’t
pamumuhay ng mga Amerikano. Samantala, sinadya namang burahin sa alaala ng mga mag-aaral ang
maningning na kasaysayan ng pakikibaka ng mga Pilipinong bayani’t rebolusyonaryo.

2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sistemang pang-edukasyon mula sa kasalukuyang


panahon at ipaliwanag.
Usapin sa wika —Ingles ang naging wikang panturo at awtomatikong naging wika ng kaalaman.
Hanggang ngayon, patuloy ang mga eksperimento para matiyak kung higit na mahusay ang paggamit ng
wikang katutubo. Talagang masyado itong katawa-tawa dahil walang ibang wikang higit na gamay ng
isang tao maliban sa kanyang sariling wika. Sa alinmang malayang bansa, likas ang paggamit ng
katutubong wika sa edukasyon. Pero dito sa atin, masyadong malalim ang pagkagumon natin sa kolonyal
na edukasyon na hindi mapagkasunduan ang paggamit ng ating sariling wika na mas maraming Pilipino
ang tutol kaysa pabor na gamitin ito. Tulad ng pangkabuhayang pananaw na hindi mabubuhay ang mga
Pilipino kung wala ang Estados Unidos, gayundin ang pananaw sa edukasyon na hindi ito maaaring
maging tunay na edukasyon kung hindi ito nakabatay sa kahusayan sa paggamit ng Ingles. Dahil sa
problema ng wika, kontento na ang masa na ipaubaya sa mga lider ang pangangasiwa sa lahat ng
bagay. Ito ay isa sa mga ugat ng pagwawalang bahala, rehiyonalismo at parokyalismo ng masa. Kaya,
ang Ingles na tinitingnang wika ng demokrasya ay siya mismong hadlang sa pag-unlad ng demokrasya
sa ating bayan. Ang paggamit ng wikang banyaga ay sagabal sa pagtuturo, sa pagkatuto at sa pag-iisip
ng mga Pilipino. Hindi naman ibig sabihin na hindi dapat pag-aralan ang dayuhang wika. Pero, dapat
itong ituro matapos mabihasa sa sariling wika. Bibilis pa ang pagkatuto ng ibang wika. Ang wika ay
kasangkapan ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng wika ay umuunlad ang kaisipan. Sa pagunlad naman ng
kaisipan ay umuunlad ang wika. Ang malikhain, mapanuri at mapagbuod na kaisipan ay hindi uunlad
sapagkat ang mga mag-aaral ay nahihirati sa pagsasaulo ng dayuhang wika. Dahil sa mekanikal na
paraan ng pag-aaral, pangkalahatang ideya lamang ang natututuhan ng mga mag-aaral at hindi
nagkakaroon ng malalim na pag-unawa. Totoong napabayaan ang ating Surian ng Wikang Pambansa na
dapat sanang maging isang pangunahing haligi ng isang malayang bansa. Nagdadalawang-isip ang ating
mga guro na ipanukala ang kagyat na paggamit ng pambansang wika bilang wikang panturo dahil
ipinangangamba nila ang pagsalungat sa panukalang ito ng mga nangungusap sa ibang katutubong wika.
Ito ay malinaw na halimbawa ng pagkakaroon natin ng kolonyal na kaisipan.

3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang edukasyon ng mga
Filipino?
Aking minumungkahing solusyon ay ipakita natin na pinahahalagahan natin ang edukasyon ng
mga Filipino. Dapat ituon natin ang mga patakarang pang-edukasyon ng Pilipinas sa paghubog nating
mga Pilipino. Kailangan na natin ng agarang reporma sa sistema nang edukasyon lalo na nang tamang
suporta mula sa gobyerno. Una, magkatalog ng bilang ng mga guro ayon sa kanilang major at iangkop
ang asignaturang ituturo ayon dito. Pangalawa, palakasin ang incentives gaya ng scholarships sa mga
major na subjects na kung saan kulang ang supply ng guro upang mapunan ang kakulangan sa mga guro
at maiwasan ang mismatch na itinuturo. Pangatlo, mas accessible na edukasyon para sa lahat at iwasan
ang komersyalisadong edukasyon na pinanukala ng kolonyal na bansa sa atin. Panghuli, dagdag na
budget para sa mga pribadong paaralan tungo sa kalidad ng edukasyon. Sa bagay na ito, ang
pagtataguyod natin ng tunay na makabayang edukasyon at wikang Filipino, ang magsisilbing
pinakaepektibong daluyan ng mga makabayang damdami’t adhikain ng isang bansang matagal na
panahong alila ng dayuhang kaisipa’t interes. Ani nga ni Constantino sa kanyang sanaysay tungkol sa
makabayang edukasyon, “Dapat itong ibatay sa mga pangangailangan at adhikain ng bansa. Ang layunin
ng edukasyon ay hindi lamang ang makalikha ng mga lalake at babaeng marunong bumasa, at sumulat
at marunong magkuwenta. Pangunahing layunin nito ang mahubog ang isang mamamayang may
malasakit sa bayan, at nauunawaan ang kanilang pagiging bansa. Isang mamamayang binibigkis ng
layuning paunlarin ang buong lipunan hindi lamang ang kanikanilang mga sarili.” Hanggat hindi natin
inihahanda ang kaisipan sa pagpupunyaging ito, mananatili tayong mamamayang walang pakialam sa
ating bayan na walang tiyak na patutunguhan at hindi tiyak kung ano ang kasasapitan sa araw ng bukas.

You might also like