You are on page 1of 1

Ma. Bernadette C. Sibucao Ginoong Jackson Jake U.

Llames
BSOA 1-1 N Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran

Gawain 2:
c. Pagmamahal sa sariling bayan

“Sariling Bayan ‘Wag Kalimutan Mahalin”

Isa akong kabataan na may pagmamahal sa sariling bayan


Tayong mga kabataan ang pag-asa nang ating bayan
Ako'y naniniwala sa sariling atin
Ako'y taas noong sasaludo sa watawat natin

Ating mga bayani ang nagturo upang lumaban


Nararapat pamarisan, walang katulad ang kanilang kagitingan
Nagbuwis ng buhay upang bayan ay lumaya
Sa mga taong ang puso'y walang awa

Si Jose Rizal ‘di lang bayani ng bayan


Siya ang pambihirang ama ng ating bayan
Sa kanyang taglay na tibay ng loob at pagmamahal sa sariling bayan
Siya’y nakipaglaban para sa karapatan nating mga pilipino at sa katotohanan

Nawa’y magkaroon din tayo ng kanyang tapang, at lakas para magsalita laban sa mga pang-aabuso, at
kawalang-katarungang kinakaharap pa rin natin ngayon
Gawin nating inspirasyon si Rizal upang tayong mga Pilipino ay hindi tumigil na makuha ang katarungan
Maliit man o malaking hakbang, lagi nating piliin ang landas ng katapangan, at kabayanihan
Gabayan nawa'y makita ng ating kapwang Pilipino ang totoong kalayaan, at pagmamahal sa sariling
bayan!

You might also like