You are on page 1of 2

Ma. Bernadette C. Sibucao Ginoong Jackson Jake U.

Llames
BSOA 1-1N Filipinolohiya at Pambansang
Kaunlaran

Gawain 3:
Bigyan ng maayos pagpapakahulugan ang mga sumusunod na kaisipan:

1. Pilipinolohiya
Ang Pilipinolohiya ay binubuo ng dalawang salita: Pilipino at lohiya (logos), na ang ibig sabihin ay
sistematikong pag-aaral. Ang Pilipinolohiya ay isang diskursong nagmumula sa naratibo ng
indihenisasyon na naglalayong maging isang disiplinang nanggagaling at kumikilala sa
pambansa/panloob/pansariling talino at karanasan. Ito ay naghahain ng pagpapa-unlad ng isang
kamalayang nagmumula sa loob bilang isang paraan ng pagtingin, at pag-unawa sa mga kaalaman sa
Pilipinas, na taliwas sa pagbasa ng mga kanluranin na mula sa labas. Katulad ng Sikolohiyang Pilipino,
tinatapyas nito ang kolonyal na kamalayan at naghahain ng alternatibong daan sa pag-unawa ng bansa.
Ang layunin ng Pilipinolohiya ay palabasin o palitawin ang pagka-Pilipino ng iba’t ibang larangan na
meron ang kultura ng Pilipinas.

2. Pantayong Pananaw
Ayon kay Dr. Zeus Salazar, ang Pantayong Pananaw ay isang paraan ng pag-aaral ng
sikolohiyang nakaugat at kumikilala sa karanasang pambansa, isang kamalayang naglalayong
dumiskurso mula sa pagka-Filipino at para sa mga Filipino. Ito rin ay panloob na ugnayan ng katangian,
halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang
pangkalinangan na ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika. Ang “Pantayong Pananaw” ay mula sa
salitang “tayo” na sa madaling salita, ito ay mga kwento at kasaysayan ng Pilipino, na isinasalaysay ng
mga Pilipino, para sa mga Pilipino. Ang Pantayong Pananaw ay nagsisimbolo ng sariling atin, kung saan
ito ang naging daan para mas makilala pa natin ang ating sariling wika, sariling kultura, kasaysayan at iba
pa. Pantayong Pananaw na nagpapakilala ng bansang meron tayo; Pilipinas, na nagsisilbing tulay para
matuto ang mga banyaga sa paggamit ng ating sariling wika, sapagkat karamihan sa mga dayuhan ay
hindi nakakaintindi ng salita natin.

3. Sikolohiyang Pilipino
Ang Sikolohiyang Pilipino ay ang pag-aaral ng diwa at mayroong papel sa dekolonisasyon ng
kamalayan ng mga Filipino. Ayon kay Prof. Virgilio Gaspar Enriquez Ph.D, ang Sikolohiyang Pilipino ay
masaklaw, tinitingnan nito kapwa ang loob ng kaisipan ng tao , at ang labas o ang pakikitungo niya sa
lipunan. Ito rin ay ipinanganak mula sa karanasan, kamalayan, at oryentasyon ng mga Filipino na
nakabatay, nakakabit sa pagkakaugat sa wika, at kulturang Filipino. Masasabing ang Sikolohiyang
Pilipino ay kahalintulad sa taong bahay, sapagkat dapat na kusang tanggapin muna o pag-isipan upang
mabuo o malinang ang mga aspetong teoretikal, metodolohikal, at empirikal ng nasabing sikolohiya (sa
maikling salita: maybahay). Ayon naman kay Rober E. Javier ang Sikolohiyang Pilipino ay siyentipikong
pag-aaral ng ethnisidad, social at kultural na aspeto ng buhay ng tao.

4. Filipinolohiya
Ang Filipinolohiya ay isang disiplinang nakalapat sa karunungang Filipino na nagpapahalaga sa
konsepto ng kamalayang makabansa, at bilang suhay sa paglinang ng talino sa pag-unawa sa iba’t-ibang
kaalaman na nagsusulong ng Pilosopiyang Filipino, at kahalagahan ng Wikang Filipino. Ito rin ay
yumayakap sa kaisipang mapagpalaya gamit ang karunungan na bunga ng talino sa maagham na
pagtuklas, at pagtukoy ng katotohanan sa kalagayan ng Lipunang Filipino, tungo sa kaunlarang
pangkabuhayan, pampulitka, at pangkultura. Para sa kabuuan, ang Filipinolohiya ang nagsisilbing
pangunahing kasangkapang sagisag ng pagkakakilanlang Filipino, at isang sistematikong pag-aaral ng
kaisipan, kultura at lipunang Filipino ng mga Pilipino sa Wikang Filipino, na tumutugon sa
pangangailangan mismo natin bilang mga Pilipino, upang palitawin ang ating pagka-Pilipino sa bawat
larangan. Ayon naman kay Prop. Gandhi G. Cardenas, ang Filipinolohiya ay isang disiplina ng
karunungan na nakasalig sa maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan, kaisipan, kalikasan at ugnayan
ng wika, panitikan, kultura, tao, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang batis ng karunungang
Pilipino, gayundin ay nililinang nito ang mga karunungang ambag ng mga Pilipino sa daigdig ng mga
karunungan. Ito rin ay nagtataglay ng makamasa, siyentipiko, at makabayang edukasyon.

You might also like