You are on page 1of 4

Ma. Bernadette C. Sibucao Ginoong Jackson Jake U.

Llames
BSOA 1-1N Filipinolohiya at Pambansang
Kaunlaran

Gawain 5:

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapaunlad ang [mga] industriya ng bansa? 
Ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng mga industriya ng bansa ay upang lalong malinang ang
kasanayan, at kakayahan ng bawat Pilipino. Ito rin ay magiging susi sa masiglang ekonomiya, at mas
makakalikha ang ekonomiya ng mga kapakipakinabang ng mga produkto at serbisyo para sa mga
mamamayan. Tanging pambansang industriyalisasyon lang ang tunay na makakapagresolba sa malaking
kakulangan sa trabaho at napakasahol na pasahod. Sa pagpapaunlad ng mga industriya ng bansa
maraming pagkakataon na makahanap ng trabaho ang mga mamamayan. Ang mga trabahong nalilikha
ng sektor ng industriya ay nakapagpapataas sa antas ng pambansang kita, at nakapag-aambag sa
kaunlaran ng bansa. Habang tumataas ang mga kita ng mga manggawang industriyal, ang merkado, at
iba't ibang klaseng mga serbisyo ay maaaring lumawig at magbigay ng kadaragdagang stimulus sa pang-
industriyang pamumuhunan at pag-unlad ng ekonomiya.
Sa pagpapaunlad ng mga industriya ng bansa ang siyang nagtutulak upang magkaroon ng mga
inobasyon upang makabangon mula sa malawakang epekto ng mga krisis pang ekonomiya. Halimbawa,
ang kompanya ng Apple ay hindi nag-imbento ng MP3 player, bagkus ay gumawa sila ng isang
produktong mas simple at madaling gamitin na tinawag nilang iPod-(Batungbakal, 2011). Sa tulong ng
teknolohiya, ang produktibo ay napagbubuti para sa higit na kapakinabangan ng buong bansa. Ito rin ang
nabanggit sa batayang aklat nina Balitao et al (2012), na sa pagpapaunlad ng mga industriya ng bansa,
higit na nagiging mahusay ang teknolohiya at nakabubuo ng mga kagamitan at makinang nakatutulong
nang malaki sa agrikultura. Ginamit nilang halimbawa ang traktora, mga makabagong pestisidyo, at iba
pa.

2. Ipaliwanag ang pambansang industriyalisasyon at ang magagawa (mabuti at di-mabuti) nito sa bansa
lalo na sa mga lokal na industriya.
Ang pambansang industriyalisasyon ay hindi lamang nangangahulugan ng paggamit ng mga
makinarya at pag-unlad ng mga industriya. Higit sa lahat, tinutukoy nito ang pagbabagong teknolohikal na
sinasabayan ng mga pagbabagong pangkultura, panlipunan, at pansikolohiya. Nagpapakita ito ng
pagtanggap ng isang kaayusang teknolohikal sa halip na panatilihin ang isang kaayusang tradisyonal.
Ang mabuting magagawa nito sa bansa lalo na sa mga lokal na industriya ay makakapagbigay ito
ng mga produktong ating mapagpapakinabangan sa pang-araw araw na pangangailangan, at mas
magkakaroon ng magandang pagkakataon mabago at maitaas ang antas ng kabuhayan ng tao ngayon
kaysa dati. Lalo na para sa mga manggagawa, gaya ng mga magsasaka na mapapadali ang kanilang
pagtatanim hanggang sa pag-ani. Dahil na rin sa pagsulpot ng mga pabrika ay marami ang mabibigyan
ng mga trabaho, sapagkat sa mga makabagong makinarya na kanilang magagamit sa paglikha ng mga
produkto, ay mas magbibigay ito ng mataas na kalidad ng produkto. Makatutulong rin ito sa ekonomiya
ng bansa sa pamamagitan ng pag-export ng produkto at hindi na aasa pa ang ating bansa sa mga
imported. Ang mga istruktura na magiging dulot ng industriyalisasyon ay may hatid na kasiyahan sa mga
tao, at makakapgtaglay din ng malaking kapital, mataas na antas ng teknolohiya, matatag na negosyo,
modernong imprastruktura, makabagong teknolohiya, episyenteng serbisyo publiko, at iba pa. Higit sa
lahat ay malinang at mapaunlad ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa.
Subalit sa kabila ng mga mabubuting magagawa o dulot nito sa bansa lalo na sa mga local na
idustriya ay may kaakibat rin ito na di mabuting magagawa na maraming limitasyon at suliraning dulot
nito. Una, ang malawakang paggamit ng teknolohiya laban sa paggawa ay makakapagdulot ng
pagkawala ng mga hanapbuhay lalong lalo na ang mga manggagawang walang kasanayan. Ikalawa,
lalaki ang utang panlabas ng bansa bunga na rin ng paggasta na kailangan sa mga programang
industriyalisasyon. Ikatlo, ang pambansang industriyalisasyon ay maaari ring maging dahilan upang
bumaba ang bilang ng mga mag-aaral sa paaralan marahil sila ay mahihikayat na magtrabaho na lamang
sa halip na ipagpatuloy pa ang pag-aaral. Ikaapat, hindi pagkakapantay ng kalagayang pang-ekonomiko,
at ang pagbaba ng pagkakaisa sa mga miyembro ng komunidad dahil sa paglakas ng kumpetisyon.
Ikalima, ang higit na pagtuon sa pangangailangan ng pamilihang eksport, at hindi para sa lokal na
pagkonsumo. Ikahuli, magdudulot ito ng di makakabuting epekto sa ating kalikasan dahilan ng pagdami
ng ipinatatayong establisyimento sa mga lupain na dapat ay sakahan. Ang walang habas na pagputol ng
mga puno sa kagubatan upang pagtayuan ng mga bagong gusali na magiging sanhi lamang ay matinding
pagbaha, dahil sa kakulangan ng punong sisipsip sa tubig gaya na lang ng pinsalang iniwan ng bagyong
Ondoy at Ulysses. Dagdag pa ang polusyon sa tubig dahil sa mga basura, dumi, at kemikal na
dumadaloy dito mula sa mga pabrikang itatayo, polusyon sa hangin sanhi sa usok na mula sa mga
magiging pagawaan, at pagkasira ng kagubatan, at kapaligiran, sanhi ng masyadong mabilis na
pagsusulong ng pambansang industriyalisasyon. Hindi naman masama na umunlad, at maging
maginhawa ang ating pamumuhay, nararapat lang matuto tayong gumawa ng tama, magkaroon ng
disiplina at wag abusuhin lahat ng mayroon tayo.

3. Ibigay ang magagawa o ambag nito sa inyo mula sa (1) iyong kursong tinatahak, (2) magiging
propesyon, (3) lipunan. (20 puntos)
Ang magagawa o ambag ng industriyalisasyon sa aking kursong tinatahak ay magkakaroon na
ako ng sapat na ideya o kaalaman, at pamamaraan sa pangangasiwa, at panteknikal na pagsasanay ng
lakas-paggawa na may direktang ugnayan sa industriya upang magamit, maisagawa, o mailapat ang
aking mga natutuhang kasanayan para sa pagpapaunlad ng sektor ng industriya.
Ang magagawa o ambag ng industriyalisasyon sa aking magiging propesyon ay maraming
trabaho ang magbubukas na maaari kong pagpilian para sa mga katulad kong empleyado o
manggagawa at mas mataas na pasahod.
Ang magagawa o ambag ng industriyalisasyon sa lipunan ay magkakaroon ng mas magandang
ugnayan sa pagitan ng sektor ng agrikultura dahil sa pagiging malapit o ‘accessible’ ng kailangang hilaw
na sangkap sa industriyang lilinang o magpoproseso nito ; Makatitipid ng dolyar ang bansa dahil
mababawasan ang pag-angkat nito ng produkto mula sa ibayong dagat ; Nakakatulong sa pagpasok ng
dolyar na siyang nakakatulong sa ekonomiya ng bansa ; Nagpapalaki ng produksiyon ; Nagpapataas ng
kalidad ng produkto; Makapagluluwas na rin ang bansa ng mga produktong dati ay inaangkat lamang nito
; Mas magiging makabayan tayong mga mamamayan ; at Mapabubuti nito ang antas ng teknolohiya at
paraan o estilo ng paggawa sa industriya.

4. Magbigay ng rekomendasyon na maaari pang gawin ng pamahalaan para sa pagpapayabong ng


industriya ng bansa.
Narito ang mga rekomendasyon na maaari pang gawin ng pamahalaan para sa pagpapayabong
ng industriya ng bansa:
 Pagsusog (amendments) sa Executive Order (EO) No. 226 o ang Omnibus Investment Code of
1987 upang mapalakas ang pagtataguyod sa pamumuhunan at paglinang ng mga bagong
industriya ng Board of Investment (B0I).
 Mapaghusay ang promosyon sa pamumuhunan at estratehiya sa paglinang ng industriya sa
pamamagitan ng mga inisyatibo at programa ng pamahalaan kasama ang pribadong sektor,
upang magamit nang husto ang mga likas na yaman.
 Mapalawak ang kaunlaran sa iba pang mga lungsod, katuwang ang pribadong sektor, upang
mapalawak pa ang pagbibigay ng pagkakataon sa maraming Pilipino sa iba’t ibang dako ng
bansa.
 Pagprayoridad ng pamahalaan sa patuloy na pagsasaayos ng imprastruktura ng bansa. Ang
pagsasaayos ng mga kalsada, tulay, pagtatayo ng mga bagong paliparan at daungan, at iba pa
ay isang patunay kung gaano kaseryoso ang pamahalaan sa pagpapatatag ng ekonomiya.
 Pagsusulong ng tunay na reporma sa lupa sapagkat mahalagang salik ito sa pagsasakatuparan
ng pambansang industriyalisasyon. Matitiyak ang maayos na kabuhayan at makataong
kalagayan ng mga magsasaka, manggagawa at buong mamamayang Pilipino.
 Ang pagtataguyod ng isang malawakang kampanya na magtutulak sa paggawa at pagtangkilik
ng mga lokal na produkto. Kung saan hatid nitong makabuo ng isang maka-Pilipinong ekonomiya
sa pagtutulungan ng mga Pilipinong prodyuser at konsiyumer at makapagpatibay sa makabayang
kultura at ‘economic patriotism’ ng bansa.
 Taasan ang ‘Subsidy’ o pondo na inilalaan ng pamahalaan sa mga pampublikong kolehiyo na
may mga kursong may kaugnayan sa pagpapaunlad ng industriya.
 Pag-aralan ng mabuti at suriin ang mga kirikulum at kursong pang kolehiyo upang matiyak na
ang kaalaman at kasanayang nalilinang ay may industriyang tatanggap o mapapasukan.
 Ipatupad nang mahigpit ang batas sa intellectual Property Rights (IPR) upang maproteksiyunan
ang mga karapatang- ari ng mga imbentor.
 Suportahan ang mga Pilipinong imbentor upang higit na umunlad ang katayuan ng pananaliksik
sa bansa.
 Bigyang-diin ang papel ng mga pamantasan sa pagtugon sa matinding pangangailangan ng
ekonomiya sa teknikal at teknolohikal na kasanayan.
 Sa pambansang industriyalisasyon, nangangailangang paglaanan ng pondo at bigyan ng suporta
ng gobyerno ang pagpapaunlad ng batayang mga industriya tulad ng langis, kemikal, at bakal —
mula sa pagkuha nito sa lupa hanggang sa pagpoproseso nito para magamit sa iba pang
industriya. Higit na kailangan ang bakal kahit saan. Ito ang ina ng lahat ng industriya at ang
pundasyon ng industriyalisasyon na magbibigay sa atin ng kakayahang bumuo ng ating mga
pangangailangan tulad ng sasakyan at armas. Napakayaman ng Pilipinas kung mga Pilipino ang
gagamit nito, tiyak lahat ay may trabaho at may maayos na pamumuhay.

Mga Pinaghanguan para sa mga patotoo:


https://www.slideshare.net/dionesioable/modyul-12-sektor-ng-agrikultuta-industriya-at-pangangalak
https://francinepastorfide.blogspot.com/2019/09/epekto-ng-industriyalisasyon.html
https://www.slideshare.net/jaredram55/ekonomiks-lm-yunit-4-2
https://www.slideshare.net/rickmarl05/aralin-27-papel-ng-sektor-ng-industriya

You might also like