You are on page 1of 3

Ma. Bernadette C. Sibucao Ginoong Jackson Jake U.

Llames
BSOA 1-1N Filipinolohiya at Pambansang
Kaunlaran

Gawain 6:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1. Ano ang kahulugan ng Pambansang Industriyalisyon?
Ang Pambansang Industriyalisasyon (National Industrialization o NI) ay proseso ng pagtatatag, at
pagpapaunlad ng iba’t ibang antas, at uri ng mga industriya na siyang magpapasigla ng ekonomiya, at
tutustos sa mga pangekonomiyang pangangailangan ng isang bansa, tungo sa transpormasyon ng
ekonomiya nito mula sa pagiging agrarian patungong industriyal. Tawag din ito sa pagpapalit ng paraan
sa pagprodyus mula gawang-kamay tungo sa paggamit ng makinarya.

2. Magbigay ng mga halimbawa ng mga pangunahing industriya na mayroon sa Pilipinas. (a. Tukuyin ito
mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit.)
Unang halimbawa ay ang Manupaktyur/Pagawaan, ang tradisyunal na tungkulin ng
pagmamanupaktyur sa Pilipinas ay ang proseso ng pagkain. Ang makina na ginagawa ay upang
magproseso ng bigas, mais, asukal at iba pang mga pangunahing sangkap sa pagkain. Malaki ang
naitutulong ng pagmamanupaktura sa ating bansa. Unang-una na ang pagkakaroon ng trabaho ng mga
manggagawang Pilipino. Ilang pamilya ang natutulungan maisaayos ang pinansyal na pamumuhay. At
dahil dyan, marami ang nagagawa ng mga pamilya ng manggagawang Pilipino. Maaari nilang mapag-aral
ang kanilang mga anak, matustusan ang araw-araw na pangangailangan, at mabigyan ng tamang
tirahan. Napakaraming pwedeng magawa talaga kung merong mapagkaka-kitaan ang mga manggawa.
Hindi lang yan, malaki din ang benepisyo nito sa ating gobyerno. Ang mga tao ay nagbabayad ng buwis,
ang buwis na ito, ay malaki ang naitutulong sa pagpapa-ikot ng pinansyal na aktibidades ng bansa.
Pangalawang halimbawa ay ang Konstruksiyon o paggawa ng gusali, bahay, o tulay ay na siyang
prosesong binubuo ng paggawa, pagtatayo o pagbubuo ng imprastruktura. Ayon sa isang artikulo, naging
46% ang bahagi ng konstruksyon sa bansang Pilipinas, dahil sa pagdami ng mga malalaking gusali,
planta at pabrika. Malaking tulong ito para sa mga mamamayan na ngangailangan ng trabaho. Tulong din
ito sa ekonomiya ng bansa, anupat darami ang magtatrabaho sa loob mismo ng bansa, at hindi na
kailangan ng mga Pilipino na dumayo pa sa kabilang mga bansa para lamang makahanap ng
pagkakabuhayan. Nasusukat na ngayon ang estado ng bansa sa pamamagitan ng dami ng mga gusali o
konstruksyon. Kung patuloy na darami ito ay tiyak na uunlad ang bansa natin sa sektor ng industriya.
Pangatlong halimbawa ay ang Pagmimina, ang Pilipinas ay mayaman sa ibat-ibang uri ng
mineral at mapapakinabangan lamang ito sa pamamagitan ng pagmimina na isang napakalaking
industriya kung kaya’t umuunlad ang ating bansang Pilipinas. Nagbibigay ito ng trabaho sa mga tao, at
ayon pa nga sa komersyal ng Philex Mining, nakapagpagawa sila ng mga kalsada, tulay at mga silid-
aralan sa komunidad na malapit sa minahan. Libong tao ang nakikinabang at natutulungan ng
industriyang ito. Dumarami ang mga nagmiminahan dahil malaking pera ang naibibigay sa kanila nito at
ginagamit nila ito upang sila'y lalong yumaman ngunit malaki ang hatid nitong pinsala sa ating kalikasan.

3. Batay sa talakay sa itaas, sa iyong palagay bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang
industriya sa ekonomiya ng bansa?
Mahalaga ang pagkakaroon ng pambansang industriya sa ekonomiya ng bansa sapagkat
dito nagmumula ang mga kasangkapan, at makinarya na ginagamit sa produksyon. Kapag napaunlad
kapwa ang kagamitan sa produksyon, maging ang proseso ng paglikha ng mga ito ay napapataas ang
produktibidad ng mga sakahan, at pagawaan. Ito ay susi sa paghuhubog ng isang moderno at
dibersipikado na ekonomiya. Sa industriya rin nagmumula ang mga kagamitang kinakailangan ng
mamamayan - kabilang dito ang ‘public utilities’ gaya ng kuryente at tubig, obras publikos para sa
transportasyon, at komunikasyon, at mga kagamitan para sa araw-araw na konsumo gaya ng damit,
gamit sa bahay, at iba pa. Ang pera na umiikot mula sa pagbenta at pagbili ng mga produkto ng
industriya ang siya ring bumubuhay se ekonomiya. Ang pagtatayo rin ng mga industriya sa Pilipinas ang
magbibigay ng batayang pangangailangan at sapat na trabaho para sa mga mamamayan. Milyun-milyon
ang maaaring magkaroon ng disenteng trabaho sa mga empresa sa manupaktura. Bilang nakakawing
ang industriyalisasyon sa pag-unlad ng agrikultura, lilikha din ito ng kondisyon na magpapataas sa
kakayahang bumili ng mga magsasaka—ang mayorya ng ating populasyon. Kasabay ng pagtatag ng
mga industriya sa bansa ay yayabong din ang ating agham, at teknolohiya. Ang pag-unlad ng kaalaman
at teknolohiyang mayroon tayo ay magpapabilis pang lalo sa pag-unlad ng produksyon. Tatapusin nito
ang pag-asa ng ating bansa sa dayuhang teknolohiya at sa halip ay itataguyod ang lokal na pag-akumula
ng kaalaman at teknolohiya. Makakatulong din ang ‘NI’ para lumikha ng soberanong ekonomiya dahil ang
lokal na manupaktura na ang tutugon sa pangangailangan ng lokal na konsyumer, hindi na aasa ang
bansa sa mga likhang produktong imported. Kaya ang Pambansang Industriya ay may malaking papel na
ginagampanan patungkol sa ekonomiya. Isa ito sa dahilan at kailangan sa pag-unlad ng ekonomiya ng
isang bansa. 

4. Ano pa ang mga industriya sa bansa ang dapat paunlarin?


Ang isa pa sa mga industriya sa bansa na dapat paunlarin ay ang Serbisyo/Utilidad. Ito ay
mahalagang sektor ng industriya na may kinalaman sa pangunahing serbisyo na kailangan sa bawat
proseso o produksyon. Mayroong mga pangunahing oportunidad para mapalawak ang serbisyo/utilidad.
Una, pagpapalawak sa laki at saklaw ng pang-export para sa modernong serbisyo. Ikalawa,
pagpapalawak ng turismo para sa pagunlad ng ekonomiya ng bansa. Ikatlo, pinapaunlad nito ang mga
gawain upang ang mga Pilipino ay hindi na magtrabaho sa ibang bansa at manatili na lamang dito. Malaki
rin ang kontribusyon nito sa bansa dahil natutugunan nito ang pangunahing pangangailangan ng mga
mamamayan, tulad na lamang ng tubig, pagkain, gasolina, elektrisidad, at pangangailangan sa
kalusugan. Kinakailangan lamang pagtuunan ng pansin ng Gobyerno ang industriyalisasyon ng Pilipinas.
Mas pagbutihin ang paggawa ng mga imprastruktura, paramihin ang teknikal na edukasyon, at
pageensayo nito – upang mas magkaroon ng kaalaman ang mga mangagawa ukol sa produksiyon sa
industriya. Lalo na ang pagbibigay ng subsidy at insentibo sa maliit na kompanya at pagbibigay
prayoridad sa pangangailangan ng industriya. Tanging mga programa at solusyon ang sagot, tungo sa
ating pambansang kaunlaran kung kaya’t mahalaga na unti-untiin natin paunlarin ang pagkakaroon ng
pambansang industriya sa ekonomiya ng ating bansa.

You might also like