Sabado ng oktubre petsa 8 alas 1:00 ng hapon. Nagkita-kita kami sa
brgy hall at sabay-sabay na pumunta sa na assign namin na purok at ito ay purok 4. Naghahanap kami ng mga bahay na may puhunan katulad ng tindahan at mga nagbebenta ng ulam, Hanggang sa may nakita kaming tindahan sa purok 4 at ito’y pinuntahan namin at syempre nanghingi kami nang permiso kung pwede ba kami mag interview sa kanila para sa aming proyekto sa Aralin Panlipunan o AP.Nakapag interview na kami ng limang bahay at nagpasya na magpahinga muna. Bumili kami ng mga pagkain at mga inomin katulad ng ‘juicy lemon’,’coke’,’royal’. Kami ay napagod sa pagi-interview at sa pag-iikot, Alas 3:00 ng hapon ay nagpasya kami na mag ikot-ikot ulit at sa kalagitnaan nang pag-iikot namin ay nakasalubong namin silang shaidenhor,glenn, victor na kaklase namin. Sila din ay gumawa ng kanilang survey. Alas 5:00 ng hapon at nakapag interview na kami ng labing tatlong bahay. Kami ay pagod na pagod at gusto nang umuwi dahil maggagabi na at tinatawagan na kami ng mga magulang namin kaya nagpasya kami na umuwi na dahil kami ay hinahanap na ng magulang namin. Pagkauwi namin ay nagchat kami kaagad sa gc o group chat namin na kami ay nakauwi na, ng dahil sa pagi-interview namin ay mas naging close kami dahil sa proyekto nito. May mga nakakatawa na pangyayari nung kami ay nagsu-survey dahil kami ay hinabol ng aso at kami ay nagtatawanan na nagtatakbohan at itong si Ashley naman ay nakatamak ng tae sa aso.Halos d na kami makahinga dahil sa kakatawa namin.Kaya kaming lahat ay masayang umuwi sa aming mga bahay.