2. Pahambing – naghahambing sa magkatulad at hindi magkatulad na katangian.
a. Pahambing na Patulad – paghahambing ng
dalawang magkatulad na katangian. Naipakikita ito sa paggamit ng mga panlaping gaya ng sing-, kasing-, magsing-, at mga salitang pareho, kapwa Halimbawa: Parehong maalaga ang kanyang dalawang anak. b. Pahambing na Di Magkatulad
❖ Pasahol – Kulang sa katangian ang isa sa
dalawang pinaghahambing. Gumagamit ng di gaano, di gasino, di masyado.
Halimbawa: Di masyadong maalaga ang tatay
kaysa sa nanay. ❖ Palamang – nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing. Gumagamit ito ng higit, lalo, mas, di hamak.
Halimbawa: Higit na mapalad ang pamilya
niya ngayon kaysa noon. 4. Pasukdol – kapag ang paghahambing ay nakatuon sa higit sa dalawang bagay, lugar, pangyayari, o tao. Ang paglalarawan ay maaaring pinakamababa o pinakamataas. Ito ay masidhi kaya gumagamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan, hari ng _____, o pag-uulit ng pang-uri.