Professional Documents
Culture Documents
Esp7 Q3 Week5 Las1.
Esp7 Q3 Week5 Las1.
Sa aklat ng edukasyon sa pagpapakatao 7, para kay Aviva (1993) ang pagpapahalaga ang
humuhubog sa kakayahan ng tao na piliin ang tama at mali. Ito rin ang nagdidikta kung ano ang ang
maganda, mahusay at kaibig-ibig na mga bagay sa buhay. Ang pagpapahalagang ito ay bunga ng mga
karanasan. Ayon din kay Sta. Maria(2006) ang pagpapahalaga ay may mga uri tulad na lamang sa mga
paapapahalagang may kaugnayan sa paggawa(work values) ang pagkakaroon ng kahusayan sa paggawa,
pagtanggap sa mga pagbabago, pagharap sa publiko at pagtanggap sa pagkakaiba-iba,at iba pa. Mayroon
ding pagpapahalaga kaugnay sa pagpapaunlad ng karera(career values) ang pagkakaroon ng pansariling pag-
unlad, pag-angat, pagkilala, at iba pa. Ang mga pansariling salik tulad ng pagpapahalaga, interes o hilig at
kakayahan ay nakakatulong upang lubos na maunawaan at magkaroon ng tamang gabay ang isang mag-aral
sa kanyang pagpili ng kurso, negosyo o anumang pangarap ang nais niyang makamit sa buhay sa hinaharap.
Gawain 1: Ngayon ay hinahamon ka na gumawa ng plano o pasya sa kung ano ang gusto mong
mangyari sa iyong buhay sa hinaharap
Panuto: Itala o isulat kung ano ang kursong pinapangarap mo sa buhay at kung paano mo ito
makamit.