You are on page 1of 12

IKATLONG MARKAHANG (IKA-8 LINGGO)

Panglingguhang Layunin
Pag-unawa sa Napakinggan
Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto (FSPN – III – a-h-4)
Wikang Binibigkas
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita (FSPS – III –f – h – 6.6)
Gramatika
Nagagamit nang wasto at angkop ang pangatnig (F5WG – IIIh – II)
Pag-unlad ng Talasalitaan
Nagbibigay ng mga salitang magkakasalungat/magkakasingkahulugan (FSPT – IIIc –h – 10)
Pag-unawa sa Binasa
Nasusuri kung ang pahayag ay opinion o katotohanan (F5PB – IIIf – h – 19)
Estratehiya sa Pag-aaral
Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa (F5EP – IIIh – II)
Panonood
Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa napanood na maikling pelikula (F5PD – IIIC – I -16)
Unang Araw

I. Layunin
1. Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto ( F5 PN – IIIa – h – 4)
2. Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita.

II. a. Paksang – Aralin


Pag – uugnay ng sariling karanasan sa napakinggang teksto
Pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto gamit ang sariling salita
b. Sanggunian
F5 PN – IIIa – h – 4 , F5 PS – IIIf – h – 6.6
Diwang Makabansa, pahina 2-8
Pagdiriwang ng Wikang Filipino – pahina 4
c. Mga Kagamitang Pagbasa V, Pahina 2-8
tsart, aklat, kwento, teksto, voice recorder

III. Pamamaraan
1. Pagsasanay
Basahin ang bawat pangungusap. Hanapin sa loob ng panaklong ang
kasingkahulugan ng salita o pariralang nakalimbag ng pahilig.
1. Duyan ng magiting tulad nina Rizal, Mabini, at Bonifacio an gating bansa.
(Tahanan ng mga bayani, Tahanan ng mga mamamayan, Pugad ng
Mapupusok)
2. Perlas ng Silanganan ang nagging bansag sa Pilipinas. (Mayaman sa Perlas,
Hiyas ng Silanganan, Pang-akit ng Silanganan)
3. Kapag maganda ang panahon, nagniningning ang mga bituin sa langit.
(Nagtatago, Naglalaho, Kumikislap)
4. Luwalhati ng magulang ang mga anak na matatalino at mababait.
(Kayamanan, Kaligayahan, Katulong)
2. Balik-Aral
Magbigay ng salitang hiram at baybayin ito ng tama.
3. Mga Gawain
a. Pagganyak
Nabibigkas mo ba at naaawit ang Lupang Hinirang ng wasto?
b. Paglalahad
Babasahin natin ang tekstong may pamagat na “Ang Mali ni Mila”
(Ipabigay sa mga bata ang pamantayan sa pakikinig)
c. Pagtatalakay
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit pinagtawanan ni Pablito si Mila?
2. Bakit mali ang bigkas ni Mila sa titik ng Pambansang Awit?
3. Ayon kay Pablito, ano ang kahulugan ng manlulupig? Ng pasisiil?
4. Ano ang ginawa ni Pablito, upang maintindihan ni Mila ang kahulugan ng
titik ng Pambansang Awit?
d. Pagpapayamang Gawain
1. Isahang Gawain
Punan ng tamang salita ang bawat patlang.

Lupang Hinirang

Bayang Magiliw
Perlas ng ____________
Alab ng puso
Sa dibdib mo’y buhay
Lupang Hinirang
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
Di ka ________________
2. Pangkatang Gawain
Hatiin ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Ipasalaysay muli ang
teksto base sa pagkakaunawa ng mga bata.

e. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa teksto?

f. Paglalapat
.Katulad ni Mila, dumaan ka sa rin bas a karanasang hindi mo naawit ang
Lupang Hinirang na may wastong titik?
May tumulong bas a iyo upang maawit mo ito ng wasto?
Ano ang ginawa mo at naawit mo ito ng wasto? Naisalaysay mo ito gamit
ang ibang salita batay sa iyong pagkakaunawa

IV. Pagtataya
Pakinggan ang mga sumusunod na teksto. Ipaliwanag ang gagawin mo sa mga
sumusunod na sitwasyon base sa iyong sariling karanasan.
1. Nakapulot si Allan ng wallet habang naglilinis ng sild-aralan. Binuksan niya at
nakita ang perang nakasalid dito pati na ang pangalan ng may-ari.
2. Sumama si Arturo sa kanyang mga kamag-aaral sa pamimitas ng mangga
pagkagaling sa paaralan. Ginabi sila ng uwi sa bahay at nadatnan niya ang
kanyang ama. Tinanong siya kung saan galing.
3. Ianbutan ng halagang Php. 50.00 si Lucia ng babae sa pagsasauli niya sa
nahulog nitong pitaka.
4. Ang pagiging mataapt o pagsasauli ng mga bagay na napulot ay dapat bang
gawin ng bawat tao? Bigyang katwiran.
5. Magbabalik lang ba tayo ng mga bagay na napulot sa pag-asang bibigyan tayo
ng pabuya o kabayaran? Pangatwiranan.

V. Takdang – Aralin
Umisip ng isang sitwasyon kung saan maiuugnay ang sariling karanasan bataty sa
kwentong “Ang Mali ni Mila”.
Ikalawang Araw

I. Layunin
Nagagamit ng wasto at angkop ang pangatnig
II. A. Paksang Aralin
Gamit ng Pangatnig
B. Sanggunian
F5WG IIIh – II
Misosa 6 (Pangatnig)
C. Mga Kagamitan
Strips Manila Paper
Tsart Larawan
III. Pamamaraan
1. Pagsasanay
Aling bahagi ng pangungusap ang sugnay na nakapag-iisa?
1. Dapat nating gampanan an gating mga tungkulin upang maging maayos at
maunlad ang pamayanan.
2. Pangalagaan mo ang iyong kalusugan nang sa gayon lalo kang makatulong
sa bayan.
3. Si Aling Nina ay isang huwarang ina dahil totoo siyang masipag at mabait na
anak.

Aling bahagi ng pangungusap ang sugnay na di – makapag – iisa?


1. Nakapag – aral na ako bago namatay ang ilaw.
2. Habang ako’y nagluluto, alagaan mo ang iyong kapatid.
3. Itapon sa tamang lalagyan ang basura upang mapanatili ang kalinisan ng
paligid.
2. Balik – Aral
Pakinggang mabuti ang bawat pangungusap habang binibigkas.Piliin ang
dalawang salitang pinag-ugnay ng pang-angkop. y\tukuyin ang pang-angkop na
ginamit.
1. May dalawang anak si Ester.
2. Mabuting anak ang mga iyon.
3. Nakatapos ng pag-aaral ang mga anak nila.
4. Marunong ang mga bata.
5. Laging nangunguna sa klase ang mga ito.
3. Mga Gawain
 Pagganyak
Magpakita ng mga larawan tulad ng tahong, talaba, tulya at iba pa. Bukod sa
pagkain, may alam ka pa bang ibang gamit nito?anu – ano iyon?
 Paglalahad
Ipabasa ang sanaysay na may pamagat na “May Pera sa Balat ng
Talaba”(Pagdiriwang ng Wikang Pilipino (Wika) Pahina 192 – 196 )
 Pagtalakay
a. Pagsagot sa mga tanong sa Sagutin Natin
b. Pagbasa sa mga pangungusap. Bigyang pansin ang mga salitang may
salungguhit.
1. Dahilsa linamnam ng lasa, kinagigiliwan ito ng balana.
2. Kahit saang lugar, nagkalat ang taniman ng talaba.
3. Kung panahon ng bakasyon, naghihimay kami ng talaba.
4. Kapag malakas kang maghimay, marami kang perang kikitain.
Bigkasin ang mga salitang may salungguhit.
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
Ano ang pangatnig?
Bakit kailangang maging sanay ang bawat isa sa paggamit ng angkop
na pangatnig?

d. Pagpapayamang Gawain
Pakinggang mabuti ang bawat pangungusap na babasahin ng guro. Tukuyin
ang pangatnig na ginamit.
1. Aalis kami kung iyong mamarapatin.
2. Kung gabing tahimik, makakarinig ka ng huni ng kuliglig.
3. Dahil sa katahimikan, madaling makatulog ang may sakit.
4. Mabubuhay tayo sa bukid kahit wala tayong pera.
5. Nang sila’y dumating, tulog na kami.

e. Paglalahat
Ano ang nalaman mo tungkol sa pangatnig?
Magbigay ng halimbawa ng pangatnig at gamitin ito sa pangungusap.

f. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. (Gagamit ng activity sheets)

Gumamit ng angkop na pangatnig upang mapag-isa ang mga pangungusap.


Isulat na muli ang pangungusap sa manila paper.

1. Nahuli ang dating ni Perla. Nakagalitan siya ng kanyang ina.


2. Matutuloy ang parada. Kailangan ay maganda ang panahon.
3. Umuwi si Ben nang maaga. Masakit ang kanyang ulo.
4. Matagal na kaming hindi nagkita ng aking kaibigan. Nagpalitan kami ng balita
sa liham.
5. Maasikaso sa aming pag-aaral ang aking ina. Mahal na mahal naming siya.

IV. Pagtataya
Punan ng angkop na pangatnig ang bawat patlang. Piliin sa loob ng panaklong
ang tamang sagot.
1. Nagbabasa siya __________ maghihintay. (upang, ngunit, habang, datapwat)
2. Kumakain tayo __________ mabuhay.(ngunit, datapwat, upang, habang)
3. Marahil naiinip ka na __________ ika’y umalis. (ngunit, kaya, upang, dahil)
4. Nakatulog siya __________ nagbabasa ng aklat. (dahil, upang, ngunit, samantalang)
5. Umalis sila ng maaga __________ hindi nahuli. (habang, kanya, dahil, ngunit)

V. Takdang – Aralin
Sumulat ng talata tungkol sa mga Gawain kung bakasyon. Gumamit ng mga
pangatnig sa iyong mga pangungusap. Salungguhitan ang mga pangatnig na
ginamit.
Ikatlong Araw

I. Layunin
Nagbibigay ng mga salitang magkakasalungat / magkakasingkahulugan

II. a. Paksang Aralin


Salitang Magkakasalungat / Magkakasingkahulugan
b. Sanggunian
F5PT – Iic – h – 10
c. Mga Kagamitan
tsart manila paper plaskard
kwento pentel pen

III. Pamamaraan
1. Pagsasanay
Basahin ang mga bugtong at piliin ang magkakatugmang salita.
a. Malayo pa ang sibat, Nganga na ang sugat
b. Umulan man o umaraw, Hanggang tuhod ang salawal
c. Dalawang biyas ng kawayan, Unahan ng unahan
d. Bahay ni Ka Doro, Punung – puno ng bato
e. Baby ko sa kaingin, Tumataba’y walang pakain

2. Balik Aral
Ipabasa ang salitang nakasulat sa plaskard

upang habang subalit datapwat

Ano ang tawag sa mga salitang ito?


Ano ang muli ang pangatnig?

3. Mga Gawain
a. Pagganyak
Patayuin ang dalawang bata sa unahan. Hayaang pagmasdang mabuti ng mga
mag-aaral at ipabigay ang nakikita nilang pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawa.
b. Paglalahad
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba.

Unang Kolum Ikalawang Kolum


1. Maligayang – maligaya sina Clara at Jana 1. Ibig na ibig na nilang makarating agad sa
ng Sabadong yaon. Ngunit pagkatapos ng bukid. Gustong – gustona ni Joel na
isang oras ay lungkot na lungkot sila dahil mamitas ng mga bungang – kahoy.
hindi sila maaaring maligo at mamingwit sa
ilog.
2. Si Clara ay maliligo sa malinis na ilog. Hindi 2. Hindi maaaring mabuhay ang mga gulay sa
siya nakapaligo dahil sa marumi at lupangtigang. Maaaring lagyan ng pataba
mababaw na tubig. angtuyot na lupa upang mapagtamnan ito.
c. Pagtatalakay
Pag – aralan ang mga pangungusap sa Unang Kolum. Ikalawang Kolum.
Anu – ano ang mga salitang may salungguhit sa Unang Kolum? Sa ikalawang
Kolum?
Magbigay ka nga ng halimbawa ng salitang magkasalungat?
Magkasingkahulugan?
d. Pagpapayamang Gawain
a. Sagutan ang Talasalitaan sa Pahina 37, Pagdiriwang ng Wikang Filipino,
Pagbasa.
b. Sagutan ang Talasalitaan, Pahina 63, Pagdiriwang ng Wikang Filipino,
Pagbasa
e. Paglalahat
Ano ang tawag sa mga salitang magkatulad ng kahulugan?
Ano naman ang tawag sa mga salitang magkaiba/magkabaligtad ang
kahulugan?
Magbigay ng mga halimbawa sa bawat isa.
f. Paglalapat
Ibigay ang kasalungat / kasingkahulugan ng mga salita sa ibaba.

Kasingkahulugan Kasalungat
1. madami
2. kilala
3. mabango
4. payat
5. mainit

IV. Pagtataya
a. Hanapin ang kasalungat ng mga salita sa Hanay A sa Hanay b.

Hanay A Hanay B
1. minamaliit a. mapagbigay
2. gahaman b. tamnan
3. nakatiwangwang c. tinitingala
4. hawanin d. kagustuhan ng isa
5. kasunduan e. ginagamit
f. sakim
b. Pagtambalin ang salita sa Hanay A at ang kasingkahulugan nito sa Hanay B.

Hanay A at ang kasingkahulugan nito sa Hanay B.

Hanay A Hanay B
1. talian a. kayurin ng kutsilyo
2. namataan b. bigkasin
3. nakasalansan c. matanda
4. kayanin d. nakita
5. magulang e. nakapatong
f. bata

V. Takdang – Aralin
Sumulat ng tatlong (3) pares ng magkasalungat at tatlong (3) pares ng salitang
magkasingkahulugan at gamitin ang mga ito sa pangungusap.
Ikaapat na Araw

I. Layunin
1. Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan.
2. Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa.

II. a. Paksang – Aralin


- Opinyon at katotohanan
-Pagkuha ng Impormasyon sa Pamamagitan ng Pahapyaw na Pagbasa
b. Sanggunian
F5PB – IIIf – h – 19 , F5EP – III – h – II
Filipino ng Bagong Salinlahi, pahina 71 – 72,
MISOSA 5, Bilang 15
c. Mga Kagamitan
Kwento Manila Paper
Tsart

III. Pamamaraan
1. Pagsasanay
Bumuo ng 5 maikling salita mula sa salitang impormasyon.
2. Balik – Aral
Salitang Magkasalungat / Magkasingkahulugan
3. Mga Gawain
a. Pagganyak
Mayroon ba kayong matalik na kaibigan? Ilarawan mo nga siya.
b. Paglalahad
Basahin ang kwentong “Bandila:Sagisag ng Bansa” (Filipino ng Bagong
Salinlahi), pahina 71 – 72
c. Pagtalakay
a. Pasagutan ang Sagutin Natin (Filipinong Bagong Salinlahi pahina 71-72)
b. Mula sa kwentong binasa, pumili ng mga pangyayari na nangyayari sa tunay
na buhay at mga pangyayaring hindi mangyayari sa totoong buhay.

Kalian sinasabi na ang isang pahayag / pangyayari ay opinyon? Katotohanan?

d. Pagpapayamang Gawain
a. Isahang Gawain
Talakayin, Filipino ng Bagong Salinlahi, pahina 71 – 72
b. Pangkatang Gawain
Hatiin sa 2 pangkat ang klase. Sumulat ng 5 pangungusap na nagsasaad
ng katotohanan. (Unang Pangkat)
Sumulat ng 5 pangungusap na nagsasaad ng opinion.
e. Paglalahat
Ano ang isinasaad ng opinion?Katotohanan?
f. Paglalapat
Basahin ang balita sa ibaba.

“Union Bank sa Pasay, hinoldap.


(Tingnan ang MISOSA, Filipino 5, bilang 15)

A. Narito ang ilang impormasyon na nasipi mula sa balita. Kilalanin kung ito ay
opinion o katotohanan.

1. Patuloy ang pagdami ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa


kahusayan ng buhay sa Pilipinas.
2. Patuloy ang pagbaba ng palitan ng piso laban sa dolyar.
3. Dumarami ang mga kabataang nalululong sa droga.
4. Hindi kailangan ng mga kabataan ang suporta ng mga magulang.
5. Sa panahon ngayon, maipagkakaloob sa kabataan ang mga karapatang dapat
ba nilang tamasahin.

V. Takdang – Aralin

Magsaliksik ng isang kwento na may pangyayaring nagsasaad ng opinion at


katotohanan.
Ikalimang Araw

I. Layunin
Nasusuri ang mga tauhan / tagpuan at mga pangyayari sa napanood na maikling
pelikula.

II. a. Paksang Aralin


Pagsusuri sa mga tauhan / tagpuan at mga pangyayari sa napanood na Maikling
Pelikula
b. Sanggunian
F5PD – c – 1 – 16
c. Kagamitan
CD ( pelikulang nais panoorin )

III. Pamamaraan
1. Pagsasanay
Hanapin sa puzzle ang mga salitang maaaring maglarawan sa tau
han / tagpuan at
mga pangyayari sa kwento.

M A S U N U R I N
A O P A A S Y B W
L U M A L A B A N
A L A M I N B I E
P A L A A S A S I
I N A K I T S S S
T A K O T P U P P

2. Balik – Aral
Anu – ano ang mga bagay na dapat tandaan sa panonood ng pelikula?

3. Mga Gawain
1. Pagganyak
Sino sa inyo ang mahilig manood ng pelikula? Anong uri ng pelikula ang
gustong – gusto ninyong panoorin?
2. Paglalahad
Panonood ng mga bata sa isang pelikula na kapupulutan nila ng aral.
3. Pagpapayamang Gawain
a. Pagtatalakay
1. Ano ang pamagat ng pelikulang inyong pinanood?
2. Sinu – sino ang tauhan?
3. Ilarawan ang tagpuan ng pelikulang napanood.
4. Anong pangyayari ang naibigan mong lubos?
5. Alin naman ang hindi mo naibigan? Bakit?

b. Paglalahat
Anu – ano ang hakbang sa pagsusuri sa mga tauhan / tagpuan at pangyayari
sa napanood na pelikula?
c. Paglalapat (Pangkatang Gawain)
Panonood ng pelikula.
Sagutin ang mga sumusunod na pagsasanay.

Pangkat I – Itala ang pangalan ng bawat tauhan at ibigay ang katangian ng bawat isa.

Pangkat II – Ilarawan ang tagpuan sa pelikulang napanood.

Pangkat III – Itala ang mga pangyayaring naibigan ninyo at ipaliwanag kung bakit
ninyo ito naibigan.

Pangkat IV – Itala ang di – kanais – nais na pangyayari sa pelikulang napanood at


ipaliwanag kung bakit.

IV. Pagtataya
Panuto: Panoorin ang maikling pelikula. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Ano ang pamagat ng pelikulang inyong pinanood?


2. Sinu – sino ang tauhan?
3. Ilarawan ang tagpuan ng pelikulang napanood.
4. Anong pangyayari ang naibigan mong lubos?
5. Alin naman ang hindi mo naibigan? Bakit?
V. Takdang – Aralin
Manood ng isang pelikula. Itala ang pangalan ng mga tauhan, ilarawan ang tagpuan
at itala ang mga pangyayaring kanais – nais at di kanais-nais.

You might also like