You are on page 1of 2

Ekonomiks-Isang sangay ng agham panlipunan na nakatuon kung paano matutugunan ang walang

katapusang pangangailangan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman ng bansa.

Gresya-Bansa sa Europa kung saan unang umusbong at umunlad ang kaisipan ng ekonomiks.

Kakapusan-Hindi kasapatan ng pinagkukunang yaman upang matugunan ang pangangailangan at


kagustuhan ng tao.

Opportunity cost -Tumutukoy sa halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon.

Nakakatulong sa paggawa ng matalinong desisyon ang konsepto ng Opportunity Cost, Trade Off,
Incentives at Marginal Thinking.

ANTAS NG EDUKASYON-Ang taong may mataas na pinag-aralan ay karaniwang mas malaki ang
posibilidad na mas mapanuri sa kanyang pangangailangan at kagustuhan.

TRADISYUNAL NA EKONOMIYA-Ang mekanismo ng alokasyon ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at


paniniwala.

PAGKONSUMO-Tumutukoy sa pagbili at paggamit ng mga produkto upang matugunan ang mga


pangangailangan at matamo ng tao ang kasiyahan.

Direct consumption-Ang mamimili ay may tahasan o direktang kapakinabangan.

MAKATWIRAN - Ang isang mamimili ay makatwirang kung ang mga importanteng bagay ang una niyang
bibilihin kesa sa mga luho lamang.

Karapatan sa Patalastasan-May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at


mapanligaw na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain.

Produksiyon-Isang proseso ng pagsasama sama ng mga salik tulad ng lupa,paggawa,capital at


entrepreneurship upang makabuo ng produkto.

Ang Ekonomiks-mula sa salitang Griyego na Oikonomia na ibig sabihin ay “pamamahala sa pamamahay.”

KAKAPUSAN -umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusang pangangailangan


at kagustuhan ng tao kagayan ng kakapusan sa supply ng yamang mineral at iba pang non-renewable
resources dahil sa likas ng kalikasan.

KAGUSTUHAN-ang mga bagay na mas mataas sa batayang pangangailangan na ninanais ng tao upang
matugunan ng kasiyahan

PANGANGAILANGANG PISYOLOHIKAL-Nakapaloob dito ang pangangailangan ng tao sa pagkain, tubig,


hangin, pagtulog, kasuotan at tirahan

Ang tamang pamamahagi ng pinagkukunang yaman ang sagot sa suliranin na kakapusan


COMMAND ECONOMY-Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan.

MARKET ECONOMY-Malayang pamilihan

Mga Inaasahan- Ang inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakakaapekto sa pagkonsumo sa


kasalukuyan.

Salik ng Produksiyon-Lupa,paggawa,capital,entrepeneurship

ENTREPRENEURSHIP- gumaganap bilang tagapag-ugnay sa ibang naunang salik ng produksyon

Ekonomiks- Nakakatulong sa paggawa ng matalinong desisyon

-TEORYA NG PANGANGAILANGAN-

1. PANGANGAILANGANG PISYOLOHIKAL
2. PANGANGAILANGAN NG SEGURIDAD AT KALIGTASAN
3. PANGANGAILANGANG PANLIPUNAN
4. PAGKAMIT NG RESPETO SA SARILI AT RESPETO NG IBANG TAO
5. KAGANAPAN NG PAGKATAO

KAGANAPAN NG PAGKATAO-Malikain, interesadong malunasan ang suliranin, mapagpahalaga sa buhay,


malapit na ugnayan sa ibang tao

Salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan - Edad,Antas ng Edukasyon,Katayuan sa


Lipunan,Panlasa,Kita,Kapaligiran at Klima.

ALOKASYON-isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-


yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan.

Karapatang mangatwiran-Hindi nagpapakita ng karapatan ng mga mamimili.

Tamang impormasyon- mga sangkap ng mga produktong iyong bibilhin gayon din ang presyo, timbang at
maging ang pagkakagawa nito

PRODUKSIYON-Ay isang proseso ng pagpapalit-anyo ng mga input upang makalikha ng mga output.

You might also like