naninirahan sa aming komunidad. Kami ay nakatira sa Brgy. Rizal Poblacion, Banga, South Cotabato. Pinamumunuan ito ni kapitan Ninfa D. Sinoy na dati ding guro sa aming komunidad. Ang aming komunidad ay tahimik at malayo sa syudad. Bawat pamayanan ay may maraming mga pananim. Kaya maraming mga puno at tanim ang iyong makikita. Preska ang hangin at sarap ng mga gulay at prutas dito. Mababait at matulungin din ang aming mga kapitbahay. Kaya marami akong mga kaibigan dito. Tuwing sabado naglalaro kami sa parke kasama ng aking mga kapatid at ng aking mga kaibigan. Sa lingo naman nagsisimba kami ng aking pamilya sa aming simbahan. At tuwing anibersaryo ng aming Barangay, kami ay nakikilahok sa bawat aktibidadis tulad ng sayaw ng kabataan at iba’t ibang palaro. Sa ngayon ito lang muna ang aking maambag at magawa sa aking pamayanan bilang kasapi dito.