You are on page 1of 1

Ang hustisya nang mga anak ni Bayawak

Makalipas ang ilang taon, nakalabas na


ng selda ang Bayawak at nagkita sila ni Usa
matapos ang mahabang panahon. Hindi naging
maayos ang pagpapalitan nila nang salita sa
isa’t-isa.Nagtatanong-tanong si Bayawak sa mga
nangyari noong wala pa sya sa bukid. Nalaman nya
na magkasabwat sila Usa, ang Datu, at ang
Amaemaeyatok sa pagpatay sa mga anak nya.
Ginawa nila ito dahil ang mga anak ni Bayawak
ang mga tagapagmana ng trono sa kabilang
kaharian. Binigyan ng datu si Usa at si
Amaemaeyatok ng tatlong sako ng ginto bilang
gantimpala nito.
Hindi makapaniwala si Bayawak. Naiisip nyang
tawagin ang kanyang mga kamaganak na
pinamumunuan ang kabilang kaharian. Nagtipon-
tipon sila at sumugod sila sa palasyo ng datu
upang mabigyan ng hustisya ang kanyang mga anak.
Ipinakulong sila Usa at ang Datu sa isang
malaking selda sa ilalim ng lupa na kahit anong
sigaw nila ay hindi sila maririnig. Si Bayawak
ang itinanghal na bagong Datu nang dalawang
kaharian na muling pinagisa.Sa wakas, nakamit
nya ang nararapat para sa kanya.

You might also like