Ang Paglalakbay NG Di Pangkaraniwan Patungo Sa Kasaysayan NG Pilipinas

You might also like

You are on page 1of 4

Stella Maris College

Oroquieta City

College Department

Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikang Filipino

MAIKLING KWENTO

“ANG PAGLALAKBAY NG HINDI


PANGKARANIWAN PATUNGO SA
KASAYSAYAN NG PILIPINAS”
ng Pangkat Blg. 2

Bb. Chellerie Mae I. Pedida

Guro
Sa planetang Avada, mayroong mga hindi pangkaraniwang nilalang na
kung tawagin ay “Alien”. Sila ay may kakaibang mukha dahil sa pa oblong nitong
hugis na may malalaking mata, maliliit na ilong at tainga at maninipis na mga
labi. Sila ay kulay berde ngunit nakakapagpalit sila ng anyo sa kung ano man
ang naisin nilang kulay o hugis ng kanilang katawan at mukha. Nakakagaya rin
sila ng salita mula sa ibang planeta. Sila din ay may kapangyarihan na maaaring
maka-kontrol ng mga kagamitan.

Ang planetang Avada ay mayroong hari at reyna na sina haring Rava at


reyna Kedav. Sila ay mayroong nag-iisang tusong anak na ang pangalan ay
Kera. Si Kera ay dalawang pu’t isang taong gulang na at siya ay inihahalintulad
ng kanyang kapwa alien sa salitang pilyo. Dahil siya ang pinakapilyo sa lahat ng
pilyo, wala siyang ibang ginagawa kundi ang mang-inis, manakot, manggulat at
iba pang mga kalokohan sa kapwa niya alien gamit ang kaniyang kapangyarihan.
Bagama’t siya ang susunod na hari ay tila ba ang kaniyang kilos at inaasal ay
hindi nababagay upang mamuno ng kanilang planeta. Marami ang may ayaw sa
kaniya dahil siya ay tamad at puro lamang kalokohan ang nalalaman at tila
walang nagagawang tama sa paligid at sa kapwa nito.

Sa kabilang banda, ang pinsan naman nito na si Ridi na kaparehas lang


din ng edad ni Kera ay siyang kasalungat ng pag-uugali nito. Si Ridi ay
inihahalintulad ng mga alien bilang isang perpektong nilalang. Siya ay anak ng
kapatid ni Haring Rava na si Rami. Siya ay matalino, mabait, masipag, at halos
lahat ng magagandang katangian ay nasa sa kanya na. Minsan ay sinasabihan
siya ng ibang alien na mas karapat-dapat pa siya na mamuno at maging
susunod na hari ng planetang Avada. Marami ang may gusto sa kanya dahil sa
ipinapakita nitong kabutihan sa ibang alien.

Isang araw ay naisipan ni Kera na gumawa ng kalokohan sa kaniyang ina


na si reyna Kedav na kung saan habang ito ay kumakain ay hinagisan niya ng
insekto ang pagkain nito at pagkatapos ay kumaripas ng takbo palabas. Naging
matagumpay siya sa kaniyang kalokohan dahil nagalit at nagsisisigaw ang
kaniyang ina. Ngunit, nang dahil sa pangyayaring iyon, ay sobrang nagalit ang
reyna at naisip niyang bigyan na ng leksyon si Kera.

Nang gabing iyon ay pinatawag ng hari at reyna si Kera. Kinausap nila ito
at pinagsabihan sa mga kapilyuhang ginagawa nito. Sinabi rin nila na ipapadala
si Kera sa ibang planeta at doon maninirahan hanggang sa matuto na ito. Agad
namang humingi ng tawad si Kera at sinabing hindi na mauulit at huwag na
siyang ipadala sa ibang planeta. Alam ni Kera na sa ibang planeta ay hindi siya
maaaring gumawa ng kalokohan sapagkat tatanggalan siya ng kapangyarihan
kapag gumawa siya ng hindi kanais-nais. Ito ay ang tuntunin at kautusan sa
planetang Avada na hindi maaaring gumawa ng masama sa mga nakapaloob sa
ibang planeta kabilang na ang kapaligiran at ang mga naninirahan dito.

Napadaan si Ridi at narinig ang usapan ng tatlo. Siya ay magalang na


nagsalita at sinabing gusto niyang sumama kay Kera sa ibang planeta. Agad
namang pumayag ang hari at reyna dahil alam nila na matalino at mabuting bata
si Ridi. Nagpaalam din ang hari at reyna sa magulang ni Ridi na siya ay isasama
sa paglalakbay ni Kera sa ibang planeta. At agad naman silang pumayag dahil
kagustuhan rin naman ni Ridi na sumama kay Kera.

Kinaumagahan ay naghahanda na sina Kera at Ridi upang magtungo sa


ibang planeta. Sa isang malaking kompyuter ay ipinakita muna ng hari at reyna
ang planetang kanilang patutunguhan na nagngangalang Earth at ang mga
taong nakapaloob dito upang kanilang masuri at magaya ang anyo ng mga tao.
Pinapili din sila kung saang lugar nila gustong magtungo at pikit-matang itinuro ni
Kera ang lugar. Ang kanyang naituro ay ang lugar na nagngangalang Pilipinas.
Ito ay isang bansa na napapaligiran ng iba’t-ibang dagat at ang Karagatang
Pasipiko at mayroon itong pulo pulong isla. Inalam nila ang lengguwahe ng
bansang ito at agad naman nila itong ginaya. Tinignan nila ang mga larawan
mula sa kompyuter at nakita ang mga magagandang tanawin ng bansang
Pilipinas at ang kaugalian ng mga tao dito.

Sa huling pagkakataon ay pinagsabihan si Kera ng hari at reyna na huwag


gumawa ng kalokohan at pinayuhan na kung gusto ni Kera na bumalik agad sa
planetang Avada ay dapat makagawa siya ng kabutihan sa mga tao doon upang
makapunta sa kasalukuyang panahon. Ipinaliwanag ng hari at reyna na si Kera
at Ridi ay mapupunta sa anumang panahon ng Pilipinas at kung si Kera ay
makagawa ng kabutihan ay mapupunta ulit sila sa ibang panahon ngunit ito ay
pausad patungo sa kasalukuyan. Nakadepende ang kanilang pag-usad sa kung
gaano kabigat ang pagtulong ni Kera sa mga tao.

Sila ay nagpalit anyo na at binigyan din ng mga kagamitan na maaari


nilang magamit sa paglalakbay nila sa Pilipinas. May dala-dala rin silang mapa
na kung saan makikita dito kung anong panahon ang kanilang kinalalagyan at
nagsisilbing gabay nila ito sa kanilang paglalakbay. Pumasok na sila sa isang
portal at isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong kay Kera at Ridi
paglabas nila sa kabilang dako ng portal. Habang nasa portal ay nakatulog silang
dalawa. Nanaginip si Kera.
Sa kabilang banda, sa kasalukuyang panahon, sa mundong Earth ay may
naninirahang isang dalaga na nagngangalang Zehannah. Si Zehannah ay
palaging nagsisimba sa Quiapo palagi niyang pinagdadasal na sana'y
makatagpo sya ng lalaking magmamahal sa kanya ng lubusan. Sa kanyang pag-
alis sa simbahan ay may matandang babae siyang nakasalubong. Tinanong siya
ng matanda kung bakit siya palaging pumupunta sa Quiapo. Sinabi naman ni
Zehannah ang kanyang dahilan kung bakit siya nagsisimba. May binigay sa
kanya ang matanda at kabilin-bilin nito na sa kanyang patulog ay dapat katabi
niya ito. "Kung ano ang iyong hiling ay syang mapapaginipan mo". Agad na
naniwala si Zehannah sa sabi ng matanda at kinagabihan sa kanyang pagtulog
humiling sya na sanay mapaginipan niya ang lalaking para sa kanya.

Sa panaginip...

Nagising si Zehannah sa gitna ng gubat, palinga-linga siya at nakita niya ang


isang imahe ng lalaki. Nang kanyang usisain, makikita itong maganda ang tindig
at naka-uniporming pangsundalo. "Excuse me, kuya maaari po bang
magtanong? Anong lugar po ito?", tanong ni Zehannah. Paglingon ng lalaki ay
parang may kakaibang naramdaman si Zehannah habang nakatitig dito. Hindi
man niya gaanong maaninag ang mukha ng lalaki ay hindi niya mawari ang
kaniyang nararamdaman. Sasagot na sana ang lalaki ngunit may tinig na narinig
si Zehannah. Pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay nakita ang anino ng
kaniyang kaibigan na ginigising sya. Agad na bumangon si Zehannah at
pabirong hinampas ang kaniyang kaibigan na si Vana. Ani ni Zehannah "Ano ba
yan Vana! Nakakainis ka naman eh!". Nagtaka si Vana at nagtanong "Huh? Hoy!
Malelate kana sa klase natin. Aba aba! Mabuti nga at ginising kita eh!" dagdag
pa nito "Kakain na gaga, bumangon kana diyan at mahuhuli tayo sa klase natin".
Agad namang inayos si Zehannah ang kanyang sarili at pumunta na sa
hapagkainan. Pagkatapos nilang kumain ay sabay silang lumabas ng bahay-
pangasirahan at pumasok sa paaralan.

Sa panahon naman kung nasaan sila Kera at Ridi, sa panahon bago


dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ay nagising mula sa pagkakatulog si Kera
dahil ginising ito ng kaniyang pinsan na si Ridi, ani nito "Kera gising na,
nakarating na tayo sa ating destinasyon".

You might also like