You are on page 1of 6

LABAN, PILIPINAS! LABAN!

Ang pandaigdigang pandemya na hatid ng Corona Virus Disease-19 ang problema

natin ngayon at ito rin ang dahilan ng mga pagbabago sa ating mga buhay. Mga pagbabago

na hindi na natin maaalis.

Isa, dalawa, tatlo... hindi! Milyon-milyong mga Pilipino, ang naapektuhan ng

pandemyang ito. Nakababahala at nakakatakot isipin na ang pag-asa ng ating bayan, ang

mga kabataan, ang pinakaapektado ng pagsubok na ito.

Naapektuhan ang mga karapatan ng kabataan. Karapatang maging malusong at

magkaroon ng aktibong katawan. Karapatang makapaglaro at makapaglibang. Ang

karapatang mabigyan ng sapat na edukasyon.

Hindi na makalabas ang mga kabataan. Tila isang ibong nakakulong ang mga bata

ngayong kasagsagan ng pandemya. Ibong nais makalipad ng malaya sa himpapawid. Ibong

hanggang tanaw na lamang sa labas ng kanilang mga kulungan. Ito na ang ating

kinakakatakutan, nagkaroon ito ng epekto sa kanilang kalusugan.

Ayon sa pag-aaral, nasa 54 porsyento ng kabataan ang nangangamba at natatakot

sa pandemya. Dahil sa takot na ito ay bumaba ang estado ng kalusugang pangkaisipan nila.

Umiiyak kahit hindi nadadapa. Nagtatago sa lahat kahit hindi naglalaro. Nilalamon ng isang

malaking pag-aalinlangan ang kanilang mga isipan. Marami na rin ang sumuko at nabawian

ng buhay dahil dito.

Hindi lamang kalusugang pangkaisipan ang naging problema. Problema rin ang

kalusungang pisikal ng kabataan. Isa sa mga pagbabago sa ating buhay na dala ng

pandemya ang hindi maaring paglabas ng mga bata edad 14 pababa. Kakain, matutulog,

kakain muli, at matutulog. Aminin man natin o hindi, ganyan ang nakasanayan ng mga bata

ngayong pandemya. Hindi nakakapag-ehersisyo dahil sila ay binigyang limitasyon sa


pagkakaroon ng interaksiyon na naging sanhi ng hindi pagkakaroon ng isang aktibong

katawan.

Patintero, tumbang preso, piko, luksong tinik, at iba pang mga laro. Alam pa ba ng

mga bata sa henerasyong ito ang mga larong kalye na dati nating nilalaro? Karamihan ay

hindi na alam laruin ang mga larong kalyeng ito dahil na rin sa pag-angat ng modernong

teknolohiya. Nasa loob lamang ng mga bahay. Wala nang mga batang naghihiyawan,

nagtatawanan, at nagtatabukhan. Lahat ay nasa bahay. Hindi nakakapaglaro. Hindi

nakakapaglibang.

Ang edukasyon sa gitna ng pandemya ay pansamantala ring natigil. Walang bagong

kaalaman ang kabataan sa loob ng ilang buwan. Iyan ang pinakabangungot sa karapatan ng

kabataan. Ayon kay Dr. Jose Rizal, “kabataan ang pag-asa ng bayan”. Pag-asa pa ba ang

mga kabataang panandaliang natigil sa pag-iipon ng karunungan?

Sa mga reyalisayong ito, parang wala nang solusyon. Wala nang solusyon sa

problema. Tila huli na para bumalik ang lahat sa normal. Wala nang pag-asa. Wala na nga

ba?

Nagkamali tayong lahat. Hindi pa huli ang lahat. Dahil sa paglilingkod ng mga

namumuno sa atin, nakabuo tayo ng solusyon. Ito ay ang New Normal.

Ang terminong “New Normal” ay umiral mula noong unang bahagi ng 2000s at

kadalasang ginagamit sa ibang bansa. Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Pilipinas

ang terminong ito, habang ang bansa ay humaharap sa pandemya ng COVID-19.

Ang ibigsabihin ng New Normal ay pagsusuot ng face mask, social distancing, hindi

na pakikipagtagpo sa mga kaibigan sa pampublikong lugar, at pag-aaral mula sa bahay. Ito

na ang simula nang pagbabago. Ang simula ng bagong normal sa buhay ng mga tao.

Kinakailangan nating magsuot ng mask sa mga pampublikong lugar, tulad ng mga

tindahan at pagtitipon upang mapangalagaan ang karapatang maging malusog hindi lamang
ng kabataan, kung hindi lahat ng tao. Magbibigay ito ng karagdagang proteksiyon sa bawat

tao laban sa Corona Virus Disease-19.

Ang social distancing ay isang kasanayan sa kalusugan ng publiko na naglalayong

pigilan ang mga taong mayroong sakit na makalapit at makisalamuha sa mga malulusog na

tao upang mabawasan ang mga posibilidad na magkahawaan ng iba’t ibang uri ng sakit.

Maaaring maging dahilan ito ng pagkansela ng mga pagdiriwang ng grupo o pagsasara sa

mga pampublikong espasyo, pati na rin ang mga indibidwal na desisyon gaya ng pag-iwas

sa maraming tao.

Sa Corona Virus Disease-19, ang layunin ng social distancing ngayon ay pabagalin

ang pagsiklab upang mabawasan ang pagkakataon ng impeksiyon sa mga populasyon na

may mataas na panganib at upang mabawasan ang pasanin sa mga sistema ng

pangangalagang pangkalusugan at mga manggagawa.

Hindi na maaaring magkaroong ng pagsasama-sama ng grupo ng mga tao sa

pampublikong lugar. Kahit na mayroong social distancing ay may iba pa ring alternatibo

upang magkaroon ng interaksiyon sa ating mga kaibigan, mga mahal sa buhay, at pamilya.

Maaring gumamit ng iba-ibang mga aplikasyon kagaya ng Facebook Messenger, Zoom,

Telegram, at marami pang iba.

Muling nagsimula ang pag-aaral. Pag-aaral sa loob ng tahanan ng mga mag-aaral.

Umuunlad tayo sa larangan ng edukasyon. Hinihikayat nito ang mga mag-aaral at guro na

palawakin ang kanilang kaalaman sa teknolohiya upang matugunan ang mga

pangangailangan ng bawat isa sa pag-aaral. Ito ay mayroong layuning maipagpatuloy ang

edukasyon kahit na patuloy nating hinaharap ang pandemya. Sa pamamagitang ng

adaptasyon ng distance learning modalities tulad ng Modular Learning, Online Learning, at

TV/Radio-based Learning, napalawak ang interaksiyon at komunikasyon ng mga mag-aaral

at mga guro sa isa’t isa. Muling nagbalik ang sigla sa puso’t isip ng kabataan.
Dahil sa new normal, muling nabigyang importansya at natutukan ang mga

karapatang ng mga bata. Mula sa personal na kaligayahan, kalusugan, hanggang

edukasyon. Binigyan muli ng pag-asa ang mga bata. Ito ang nagpapatulay na kahit hindi

tayo malapit sa isa’t isa, tao pa rin ay nagkakaisa. Hindi pandemya ang o kahit anong

problema ang makapag-aalis ng karapatan sa mga pag-asa ng ating bayan.

Nagsimula ang lahat sa isang pandemya na sinundan ng napakaraming problema

ngunit dahil sa determinasyon ng mga Pilipino, tayo ay muling tumayo at bumangod.

Bumangon ng mas matatag.

Ang pagkakaroon ng vaccine para sa Corona Virus Disease-19 ay isang

napakahalagang bagay para sa lahat. Ito ang magsisilbing proteksiyon natin laban sa

nasabing sakit. Hindi ito ang gamut ngunit makatutulong ito para ating mapanatili ang

malusog na katawan ng bawat miyembro ng ating pamilya. Marami ang takot pa rin

magpabakuna ngunit mas marami ang ninanais na maprotektahan ang kanilang mga sarili,

mga taong nakapaligid sa kanila, at ang kanilang kapwa.

Upang mahikayat ang mga may takot sa bakuna, pinapaintindi ng ating healthcare

workers ang kahalagahan nito. Napakaganda at isa sa napakalaking hakbang ito para

tuluyan ng matapos ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng Corona Virus Disease-19.

Nakita ang bunga ng kabutihan ng mga Pilipino. Unti unti tayong nakakatayo dahil

kahit sa maliliit na bagay ay mas pinipili pa rin nating tumulong. Pang nag-iipon ang mga

Pilipino, nagiipon ng kabutihan sa puso na nagiging resulta ng napakaraming barya ng

pagmamahalan at pagkakaisa. Ani nga ni Todd Smith, “Little things matter”.

Isang halimbawa ng kabutihan ng mga Pilipino ang Community Pantry. Ito ay isang

lugar kung saan binibigyan ng pagkain ang mga taong walang sapat na pera para makabili

nito. Ang ideya sa likod ng Community Pantry ay ang mga tao ay maaaring kumuha ng

kanilang kailangan at magbigay hangga’t kaya nila.


Sa simpleng pagtulong ng mga mamamayan sa kanilang pamayanan ay maraming

gutom ang napakain. Maraming mga tao ang muling naniwala sa kabutihan natin. Sa

bayanihan ng mga Pilipino.

Bilang isa sa mga kabataan, nagsilbi itong ilaw sa amin. Ilaw sa pinakamadilim na

panahon. Ilaw na gumabay sa amin patungo sa tamang landas. Ang landas ng tagumpay.

Natuto muli kaming mangarap. Mangarap na hindi pa tayo talo. Mangarap na may

kinabukasan pa kaming haharapin. Mangarap na aming matutupad ang aming mga

pangarap.

Hindi pa nagtatapos ang laban ngunit alam naming na mananalo tayo dito. Mananalo

tayo dahil gumagabay ang mga pinakamagagaling nating mga pinuno. Lahat ay nahihirapan

pero kahit kalian ay hindi sila sumuko. Hindi sila sumukong ipaglaban ang karapatan ng

kanilang naasakupan. Hindi lamang karapatan ng mga kabataan kung hindi kaapatang ng

bawat mamamayan.

Karapatan ng mga manggagawa. Isa rito ang karapatang magkaroon ng sapat na

sweldo. Karapatan ng mga matatanda na mabigyan nang galang at respeto. Karapatan ng

mga bata na magkaroon ng maayos na pamumuhay. Karapatan ng tao na magkaroon ng

pantay-pantay na tingin sa bawat isa. Lahat yan ay patuloy nilang pinaglalaban kaya

salamat. Maraming salamat sa mga tumulong at tumutulong para sa ikabubuti nating lahat.

Ang mga tunay na bayani sa panahon ngayon.

Ang paglilingkod ng ating mga pinuno ay hindi sapat para tuluyan tayong manalo

kaya salamat dahil ginagabayan tayo ng Panginoon. Noong una, akala ng lahat ay Kanya na

Niya tayong tinalikuran dahil sa mga sunod-sunod na mga problemang ating kinakaharap.

Mas pinatatag ng pandemyang ito ang pakikitungo natin sa Kanya. Ating nakita ang kamay

Niyang handang tumulong. Hindi Niya tayo iniwan at iiwan.


Nasa puso na ng mga Pilipino ang kalakasan ng loob. Kahit anong pagsubok ay

kinakaharap natin ng matapang. Tapang na may halong paniniwala na kaya natin maipanalo

ito. Ngayong pandemya, nandito pa rin sa ating mga puso ang paniniwalang iyon.

Ngayon, ang lahat ay muling nakatayo. Nakatayo upang muling makita ang tunay na

kahalagahan ng kapangyarihan ng pagkakaisa at pagtutulungan. Kapangyarihang gumawa

ng isang matagumpay at napakagandang pamayanan. Kapangyarihang humubong ng isang

magandang kinabukasan.

Walang maiiwan ngayong may kinakahaharap tayong pagsubok. Lahat ay

magkakasama sa paglaban sa hindi nakikitang kalaban. Magkakasama sa pagtutulungan.

Magkakasama para sa kinabukasan ng ating pinakamamahal na bayan.

You might also like