You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa


ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng
sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag - aaral ay malalim na nakapag-uugnay-
ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at
tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagkatuto: Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran
sa paghubog ng Kabihasnang Asyano. (AP7HAS-
Ia-1)
Markahan: Unang Markahan Linggo: 1 Araw: 3
I. Layunin:
Sa katapusan ng 60 minuto, 80 % sa mga mag-aaral ay inaasahang:
1. natatalakay ang iba’t-ibang katangiang pisikal ng Asya,
2. nakagagawa ng sariling paglalarawan sa mga katangiang pisikal ng isang lugar, at
2. napapahalagahan ang mga katangiang pisikal ng Asya at ng kanilang lugar na
kinabibilangan.
II. Paksang Aralin:
Paksa: Heograpiya ng Asya (Katangiang Pisikal ng Asya)
Integrasiyon:
Agham: Nasusuri ang ibat-ibang pisikal na anyo ng Asya.
EsP: Pagpapahalaga sa ating kapaligiran bilang isang Asyano.
Filipino: Nakakagawa ng sanaysay.

Stratehiya: Collaborative Learning, Individualized Instruction, Brainstorming


Kagamitan: Telebisyon, Laptop, Aklat, Larawan
Batayang Aklat: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Pahina 11-14)

III. Pamamaraan:
Panimulang Gawain:
1.1 Pagdarasal
1.2 Pagsasaayos ng mga upuan
1.3 Pagtala ng mga lumiban

A. Balik-aral (Elicit): Larawan- suri


 Magpapakita ang guro ng mga larawan upang masimulan ang panibagong
talakayan.
 Ang mga larawang ipapakita ay tungkol sa heograpiya sa Asya. Magtatanong ang
guro kung ano ang kanilang nalalaman tungkol sa heograpiya ng Asya.
 Ano-ano ang inyong nalalaman tungkol sa Asya?
 Meron ba kayong napuntahang mga lugar sa Asya, maliban sa Pilipinas?
 Ano ba ang inyong napapansin sa katangiang pisikal ng inyong lugar?
 Marami ba itong lupain?
 Napapalibutan ba ito ng katubigan?

B. Pangganyak (Engagement): Larawan-suri


a. Bawat larawan ay magkakaroon ng kasagutan sa mga katanungang naibigay.
b. Hahabiin kung ang mga kasagutang naibigay ng mga mag-aaral ay tumpak o
magkapareho sa mga larawang naipakita ng guro sa pisara.
c. Ganito rin kaya ang heograpiya ng kanilang mga lokasyon na napuntahan?
d. Kung hindi, ano ang kanilang kaibahan?
e. Ano ang kanilang pagkakatulad?

C. Pagtuklas (Exploration):
a. Ang mga larawang naipakita ay tungkol sa heograpiya ng Asya
b. Ilalahad ang mga paksang tatalakayin para sa araw na iyon.

D. Pagtatalakay (Explanation):
 Ilalahad kung ano ang ibig sabihin ng heograpiya.
 Ang heograpiya ay ang pisikal na katangian ng kapaligiran na
nakakaimpluwensiya sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnan ng mga Asyano
at ito ay patuloy na humuhubog sa kultura at kabuhayan nila.
 Magpapakita ng mga larawan tungkol sa iba’t-ibang heograpiya na makikita
sa Asya.
 Papaano nakaaapekto ang heograpiya ng isang lugar sa pag-unlad ng kanilang
kultura at kabihasnan.
1. Ano ano ang mga salik na nakaaapekto sa heograpiya ng isang
lugar.
2. Papaano naapektuhan ng mga salik na ito ang pag unlad ng
lugar?
3. Ano ang iba’t-ibang katangiang pisikal ng isang lugar
a. Anyong lupa
i. Mga halimbawa ng anyong lupa
b. Anyong tubig
i. Mga halimbawa ng anyong tubig

E. Pagpapalalim (Elaboration): Iguhit Mo!


 Base sa mga impormasyon na natutunan ng mga mag-aaral tungkol sa
heograpiya ng Asya ay guguhit ang mga mag-aaral ng sariling paglalarawan sa
mga nakita nilang pisikal na katangian na makikita sa kanilang lugar. Pipili ang
guro ng limang mag-aaral na magbahagi ng kanilang output sa klase.
IV. Pagtataya sa Aralin (Evaluation): Sanaysay
Sa isang buong papel, ang mga mag-aaral ay susulat ng isang sanaysay tungkol sa kung
papaano papahalagahan ang mga katangiang pisikal ng isang lugar upang mapanatili ito
at magamit sa pagpapaunlad ng isang lugar.

Rubriks sa Pagbibigay Puntos


Pamantayan Puntos
Nilalaman 10
Organisasyon sa Paksa 8
Kaayusan at Kalinisan sa Pagsulat 7
Kabuuan 25

V. Takdang Aralin (Enrichment):


 Magsaliksik at ilista ang mga bansa na kabilang sa limang rehiyon ng Asya.

Pagninilay:
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80%
sa pagatataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang Gawain para sa remediation
C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa
leksyon
E. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa
remediation
F. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakakatulong?
G. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyon sa tulong ng aking punung-guro at
superbisor?
H. Anong motibasyon o lokal na materyalis
ang aking ginamit o nadiskubri na gusto kong
ibahagi sa ibang guro?

You might also like