You are on page 1of 3

Kapatagan National High School

Kapatagan, Lanao del Norte


Unang Markahang Eksaminasyon
FILIPINO 11

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ito ay mahalagang instrumento ng komunikasyon, ito’y makatutulong sa pagkakaroon ng mabungang interaskyon.


a. Kultura b. Wika c. Lipunan d. Pananaliksik
2. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitaryo
na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.
a. Gleason b. Sapiro c. Hemphill d. Romero
3. Ang wikang itinalaga ng DepEd upang magamit bilang wikang panturo mula kindergarten hanggang Grade 3.
a. Filipino b. Mother Tongue c. Ingles d. Tagalog
4. Ano ang ating wikang Pambansa?
a. Ingles b. Ilocano c. Tagalog d. Filipino
5. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
a. Filipino b. Ilokano c. Bisaya d.Waray
6. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may iba’t ibang Unang wikang kinagisnan. Ang
Filipino rito ay ginagamit bilang ______.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal c. Lingua Franca d.Wikang Panturo
7. Ang mga sumusunod ay mga wastong kahulugan ng wika MALIBAN sa
a. binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa pakikipagkomunikasyon upang magkaunawaan.
b. isang bahagi ng pakikipagtalastasan.
c. lengguwahe
d. hindi bahagi ng kultura
8. Ito ay pinagtibay ng pambansang pamahalaan at ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayan.
a. Wikang Opisyal b. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa d. Wikang Kinagisnan
9. Ang prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa pamahalaan, sa politika,sa komersiyo at industriya.
a. Wikang Opisyal b. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa d. Wikang Kinagisnan
10. Gagamitin ito upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon.
a. Wikang Opisyal b. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa d. Wikang Kinagisnan
11. Ilang wika ang umiiral sa ating bansa?
a. mahigit 150 b. mahigit 130 c. mahigit 140 d. mahigit 120
12. Ano ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa?
a. Monolingguwalismo b. Bilingguwalismo c. Multilingguwalismo d. Trilingguwalismo
13. Ang sumusunod na bansa ay ang nagpapatupad ng Monolingguwalismo MALIBAN sa _____.
a. Pilipinas b. Pransya c. Japan d. England
14. Paano mo makikilala ang isang taong bilingguwal?
a. May sapat siyang kakayahan sa apat na makrong pangkasanayang pangwika.
b. Magaling siya sa paggamit ng dalawang wika at tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika.
c. Magaling siya sa kasanayang pagkanta at pag-awit.
d. Nakatuon siya sa pagsasanay ng dalawang makrong kasanayang pangwika, ang pagbasa at pagsulat.
15. Ang tawag sa wikang nakagisnan mula sa pagsilang ay ___.
a. Unang wika b. Pangalawang wika c. Tagalog d. Pangatlong wika
16. Alin sa mga pahayag ang nagpapaliwanag tungkol sa Edukasyong Bilingguwalismo?
a. Ito ay tumatalakay sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa dalawang wika.
b.Ito ay ang magkahiwalay na paggamit ng Filipino at Ingles bilang mga wikang panturo mula Grade 1 pataas.
c. Ito ay pagpapatupad ng Filipino bilang pangalawang wika at ang Ingles naman bilang pangtlong wika
d. Ito ay pagtuturo sa mga asignatura gamit ang una at pangalawang wika.
17. Bakit ang bansang Pilipinas ay napabilang sa mga bansang nagpapatupad ng Multilingguwalismo?
a. dahil sa tatlong napiling katawagan ng wikang pambansa nito
b. dahil sa dami ng lahi at tribong kinalakihan ng mga Pilipino
c. dahil sa paggamit ng mother tongue bilang isa sa mga wikang panturo ng bansa
d. dahil sa mahigit 150 wika ang ginagamit nga mga taong naninirahan dito
18. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?
a. Pareho lang sila
b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal ay para sa tao
c. Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo ay para sa matanda
d. Wala sa nabanggit
19. Kung ang isang indibiduwal ay bihasa sa paggamit ng iba’t ibang wika maaari siyang ituring na isang
a. poliglot b. bilingguwal c. monolingguwal d. mullingguwalismo
20. Kapag ang Presidente ng Pilipinas ay nagpapatupad ng batas na, Filipino lamang ang gamitin na wika sa kahit saan mang
sulok ng bansa, maituturing ba na monolingguwalismo ang Pilipinas?
a. Oo b. Hindi c. Pareho lang d. Pwedeng hindi, pwedeng Oo
21. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan. Narinig niya sa usapan
ang mga salitang lesson plan, quiz, essay at grading sheets. Mula ritoy alam niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap
niya.
a. Idyolek b. Sosyolek c. Creole d. Etnolek
22. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na kapag sinasabi niya ang
pamoso niyang linyang “ Magandang Gabi, Bayan!
a. Dayalek b. Etnolek c. Pidgin d. Idyolek
23. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.k.a. “ Dana” ang mga salitang charot,
bigalou at iba pa.
a. Idyolek b. Sosyolek c. Etnolek d. Pidgin
24. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa Batanes.
Tumutukoy ito sa gamit nilang pananggalang sa init ng ulan.
a. Etnolek b. Pidgin c. Sosyolek d. Idyolek
25. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang programang Rated K.
a. Sosyolek b. Dayalek c. Idyolek d. Creole
26. Marami ang dumalo sa panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang layuning masugpo ang kriminalidad sa
bansa kamakailan lamang.
a. Heuristiko b. Impormatibo c. Personal d. Instrumental
27. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa pagkakaroon ng kasunduan upang malutas ang
sigalot sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.
a. Personal b. Heuristiko c. Regulatoryo d. Interaksyonal
28. Litong-lito si Gabrielle sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya naisipan na lamang niyang pumunta sa silid-aklatan
upang magsaliksik.
a. Heuristiko b. Instrumental c. Impomatibo d. Personal
29. Bagaman unang subok ni Mika na magluto ng cake naging masarap ang kinalabasan ng kanyang luto dahil matamang
sinunod niya ang pamaraan ng pagluto nito.
a. Interaksyonal b. Impormatibo c. Regulatoryo d. Instrumental
30. Nahirapan si Caeli sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman nagsimula siyang magsulat ng mga
saloobin niya sa kanyang talaarawan.
a. Personal b. Instrumental c. Impormatibo d. Heuristiko
31. Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa wika. Naliklikha ng tao ang mga bagay-bagay upang
maipahayag niya ang kangyang mga kathang-isip.
a. Imahinatibo b. Instrumental c. Impomatibo d. Personal
32. Sa panahon ng pagsasarili, ano naging wikang opisyal?
a. Tagalog at Ingles b. Filipino c. Taglish d. Cebuano
33. Sa panahong ito ipinaturo ang Nihonggo at inalis ang Ingles.
a. Rebolusyunaryo b. Hapon c. Amerikano d. Pagsasarili
34. Sa anong panahon naipatupad ng Patakarang Bilingguwal?
a. Kasalukuyan b. Panahon ng Hapones c. Panahon ng mga Amerikano d. Pagsasarili
35. Kinilalang si _________, Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon sa taong ito, ang PILIPINO ating wikang pambansa.
a. Manuel L. Quezon b. Ramon Magsaysay c. Jose E. Romero d. Juan L. Manuel
36. Sa panahong ito ay walang isang wikang pinairal noon, sapagkat sa halip ituro ang Wikang Espanyol.
a. Kastila b. Hapon c. Amerikano d. Pagsasarili
37. Sa panahon ng Kasalukuyan, ano ang lumaganap na wika sa pag-aaral ng wika at nagkaroon ng intelektuwalisasyon,
estandardisasyon at elaborasyon ng wikang Filipino.
a. Filipino b. Tagalog c. Espanyol d. Nihongo
38. Ano ang katutubong wika na ginamit sa Pilipinas bilang wika ng komunikasyon?
a. Ingles b. Filipino c. Taglish d. Cebuano

II. Panuto: Ibigay ang mga hinihinging sagot sa bawat bilang.

39.
40. Ibigay ang limang Barayti ng Wika?
41.
42.
43.

44.
45.
46. Ibigay ang pitong Gamit ng Wika sa Lipunan.
47.
48.
49.
50.

You might also like