Niyebeng Itim – ni Liu Heng – Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra
1. Tauhan – Li Huiquan, Tiya Lou
2. Tagpuan – Timong Silangang Tulay
Lugar – Red Palace Photo Studio
Panahon – gabi, malamig
3. Paksa/Tema – Ang paksa/tema ng Nyebeng Itim ay ang paniniwala, tradisyon, at pananaw sa
buhay ng nga tsino. 4. Banghay - Panimula: Bisperas ng bagong taon ng nagpakuha ng litrato si Huiquan sa Red Palace Photo Studio na kanyang gagamitin para sa pagkuha niya ng lisensya para sa pagkakariton at pagtitinda ng prutas. Suliranin: Naaprubahan ang pagkuha niya ng kariton ngunit sa pagtitinda ng prutas ay hindi. Ang tanging lisensyang naroon ay para sa tindahan ng damit, sumbrero at sapatos. Reaksyon: Ngunit hindi na ininda ni Huiquan ang problema at hindi na pinakaelaman ang mga pwedeng lamang itinda. Ang mahalaga ay may gawin kahit pa mas mahirap itinda ang damit kaysa prutas. Siya rin ay inimbitahan ng kanyang tiya na manuod ng magandang palabas ngunit siya ay tumanggi dahil madami pa daw siyang gagawin. Layunin: Hinahangad niya na makabenta ng marami at makapagipon upang maranasan niya naman ang masaganang buhay. Ginawa: Nagbenta siya sa araw araw ngunit walang bumibili sa kanya. Pero isang araw, may mga karpintero na naninigas na sa lamig, pero nadaanan nila ang tindahan ni Huiquan sa timog silangang tulay. Kinalabasan: Dahil sa damit na pang army na ibinibenta ni Huiquan, sila’y naligtas. 5. Wakas: Bago magtinda sa araw araw ay matamlay na hinarap ni Huiquan ang negosyo. Ngunit naging inspirasyon sa kanya ang pagbili ng mga karpintero.