You are on page 1of 3

Si Malakas at si Maganda

(myth)

Bago nagsimula ang panahon, ang tahanan ng Diyos ay di-


masukat na kalawakan. Naging malungkutin ang Diyos sapagkat
wala Siyang makita at marinig.

Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto at ang langit


ay napapalamutian ng mapuputing ulap. Sa malayo ay nakasilip
ang buwang kabilugan samantalang kukuti-kutitap ang libong
mga bituin.

Iniangat ng Diyos ang Kanyang kamay at ito'y itinurong pababa.


Sa isang iglap ay nalalang ang maundo. Ang mga lunting
kakahuyan ay sumibol, pati mga damo. Namukadkad at
humahalimuyak ang mga bulaklak.

Ang mga dagat ay umalon at ang mga ilog ay umagos.


Nagliparan ang mga ibon sa himpapawid at nag-awitan.
Nayari ng Diyos ang sanlibutan. Ito ay isang ginintuan at
mahiwagang paraiso.

Isang araw ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang


papawirin. Pagkatapos ikinampay ang matipunong mga pakpak at
paimbulog na pababa sa kakahuyan.

Mula sa malayo kanyang natanaw ang mataas na kawayang


yumuyukod sa mahinhing paspas ng hangin.

Kanyang binilisan ang paglipad pababa. Siya'y dumapo sa


naturang kawayan upang magpahinga.

Tok! Tok! Tok!

Nadama niya ang maririing katok na nagmumula sa loob ng


kawayan. May tinig siyang narinig!

"Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!" ang


hinaing. "Tuktukin ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban
ko. Hindi ako makahinga. Para itong karsel!"

"Baka ito'y patibong!" ang isip ng ibon. Kinamaya-maya'y may


butiking gumapang na paitaas sa kawayan. Ang ibon palibhasa'y
gutom, ito'y tinuka ngunit hindi nahuli.

Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan.

Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas.

"Salamat sa iyo,dakilang hari ng mga ibon! Ako'y si Malakas.


Tuktukin mong muli ang kawayan. Iyong palabasin ang aking
kasama!"

Tinuktok ng hari ng mga ibon ang isa pang kawayan.

Isang mahinhin at magandang babae ang lumabas. "Ito'y si


Maganda, ang aking asawa. Pinalaya mo kami, dakilang ibon.
Ikaw ay magiging kasama namin habang buhay!"

"Hindi maaari. Maraming salamat," sagot ng ibon. "Akoay ibon at


ang tahanan ko ay malawak na papawirin. Ako'y naglalayag sa
hangin. Ang aking bagwis ay sinadya sa paglipad. Subalit umasa
kayong lagi ko kayong aawitan. Pag ako'y wala na, ang maliliit
kong supling ang aawit sa inyo. Aawitin din nila ang mga awit na
inawit ko!"

"Hali kayo! Sumakay kayo sa aking bagwis. Kayo'y dadalhin ko at


ipakikita sa inyo ang Lupang Hinirang. Doon kayo maninirahan!"

Sina Malakas at Maganda ay dinala sa mga pulong luntian at


kumikinang sa sikat ng araw. Ang mga ito'y tulad ng tinuhog na
kuwintas na isang mahalagang hiyas!

Dito sa mga pulong ito, Perlas ng Dagat Silangan, nagsimulang


namuhay ang mag-asawang Malakas at Maganda-ama't inang
pinagmulan ng lahing kayumanggi.

You might also like