You are on page 1of 10

1

MGA PANALANGIN SA PAGTATANOD NG KABANAL-BANALANG


KATAWAN AT DUGO NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO

(CORPUS CHRISTI)

Matapos ang Misa at susunduin ng Pari ang Banal na Sakramento sa Adoration


Chapel at Ipruprusisyon patungo sa altar, Aawit ang Koro ng O Salutaris Hostia,
mangunguna ang ceriales na susundan ng kubol ng Banal na Sakramento. Marapat
na patunugin ang kampana habang lumalakad ang prusisyon. Pagdating sa Altar ay
iinsensuhan ang Santissimo at matapos ang pagtatanghal ay sisimulan na ang banal
na pagtatanod sa Santissimo Sakramento, mananahimik ng ilang sandali upang ang
lahat ng mga makikibahagi sa pagdiriwang na ito ay makapghanda ng kanilang
sarili bago umpisahan ang mga panalangin. Kapag ang lahat ay nakaupo na ng
maayos, babanggitin na ng tagapagdaloy ang pambungad na pananalita.

NAMUMUNO:

Pambungad:

Bilang mga Kristiyanong alagad ni Hesus sa pamamagitan ng pagdarasal at


pagninilay sa naging paghihirap at pagpapakasakit ni Hesus hanggang sa kanyang
muling pagkabuhay. Sa ating pagpapasya na makiisa ngayon sa pananalangin at
pananahimik ay isang malaking halimbawa ng ating paglalaan ng sarili sa Diyos at
pagpasok sa katahimikan at pakikipag-isa sa Diyos sa harap ng kanyang Banal na
Katawan at Dugo. Ito isang pamamaraan ng pakikipag-ugnayan kay Hesus sa
pamamagitan ng mga pag-awit at mga panalangin at ang pakikinig sa salita ng
Diyos. Inaanyayahan tayong lahat na patahimikin ang ating kalooban at kalimutan
ang mga nakabibinging ingay sa daigdig at manatili sa piling ni Hesus habang
nananalangin.

(Patutunugin ang “gong” ng tatlong beses bilang hudyat na umpisa na ang


panalangin at susundan ng pag-awit at ang daloy ng mga panalangin).

PAMBUNGAD NA AWIT:

O SALUTARIS
O salutaris Hostia
Quae caeli pandis ostium
Bella premunt hostilia
Da robur fer auxilium
Uni trinoque Domino
Sit sempiterna Gloria
Qui vitam sine termino
Nobis donet in patria. AMEN

1
Namumuno:

Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Lahat: Amen.

Namumuno:

Purihin natin ang Diyos na ating Ama, siya na lumikha ng langit at lupa. Siya ang
ating Diyos na pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala at awa. Sa Kanyang
kagandahang loob ay isinugo niya ang ating Panginoong Hesu-kristo, ang tinapay
ng buhay, upang maging ating kaligtasan.

Lahat: Purihin at ipagdangal ang Diyos, ngayon at magpasawalang hanggan.

Namumuno:

Purihin natin ang Panginoong Hesu-kristo, ang bugtong na Anak ng Ama, isinilang
ng Mahal na Birhen sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Siya na nakipanayam sa
atin at naging kaisa natin sa lahat ng bagay liban lamang sa kasalanan upang gawin
tayong tunay na mga anak ng Ama.

Lahat: Purihin at ipagdangal ang Diyos, ngayon at magpasawalang hanggan.

Namumuno:

Purihin natin ang Espiritu Santo, ang Panginoon na nagbibigay buhay. Ipinagkaloob
siya ni Hesus sa kanyang mga alagad tanda ng kapangyarihang ipinagkakaloob sa
mga saksi ng Panginoon sa daigdig.

Lahat: Purihin at ipagdangal ang Diyos, ngayon at magpasawalang hanggan.

Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati.

AWIT: ANIMA CHRISTI


Soul of Christ Sanctify me
Body of Christ save me
Water from the side of Christ wash me
Passion of Christ give me strength

Hear me Jesus hide me in Thy wounds


That I will never leave Thy side
From all the evils that surrounds defend me
And when the call of death arrives
Bid me come to Thee
That I may praise Thee with Thy saints, forever.

2
Salmo 91
Ang Diyos ang Mag-iingat sa Atin

Namumuno:
Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan,
at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan,
ay makakapagsabi kay Yahweh:
Muog ka't kanlungan,
ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”

Lahat:
Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas,
at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas.
Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak,
at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak;
iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat.

Namumno:
Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay,
maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway.
Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim,
sa pagpuksa'y wala kang takot, sa araw man dumating.

Lahat:
Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao,
sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo;
di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano.
Ika'y magmamasid at sa panonood, mapapatunayan,
iyong makikita, taong masasama'y pinaparusahan.

Namumuno: 3
Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang,
at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan.
Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan
kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.

Lahat:
Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin,
saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.
Sa kanilang mga kamay, ika'y aalalayan,
nang sa mga bato, paa mo'y hindi masasaktan.

Namumuno:
Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik,
di ka maaano sa mga serpiyente't leong mababangis.
Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin,
at iingatan ko ang sinumang taong ako'y kikilanlin.
3
Lahat:
Kapag sila'y tumawag, laging handa ako na sila'y pakinggan,
aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan;
aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.
Sila'y bibigyan ko't gagantimpalaan ng mahabang buhay,
at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!”

Namumuno:
Luwalahati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo

Lahat:
Kapara noong una, ngayon at magpakailanman. Amen.

Magsitayo ang Lahat

Awit: IN HIM ALONE


In Him alone is my hope
In Him alone is my strength
In Him alone are we justified
In Him alone are we saved

What have we to offer


That does not fade or wither
Can the world ever satisfy
The emptiness in our hearts in vain we deny ®

When will you cease running


In search of hallow meaning
Let His love feed the hunger
In your soul till it overflows ®

Namumuno:
Mabuting Balita: Mula kay San Juan 15:11-17

“Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan ko at
nang sa gayon, malubos ang inyong kagalakan. Ito ang aking utos: magmahalan
kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig
ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Kayo'y
mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang aking mga utos. Hindi ko na kayo
itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang
panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo
ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Hindi ninyo ako pinili, kayo ang pinili ko.
Pinili ko kayo upang kayo'y magbunga at manatili ang inyong bunga upang ang
anumang hingin ninyo sa Ama, sa aking pangalan, ay ibibigay sa inyo. Ito nga ang
utos ko sa inyo: magmahalan kayo.”
Sandaling Katahimikan upang pagnilayan ang binasang Ebanghelyo.

4
Awit: SA PAGMAMAHAL (Taize) 15x 4
Sa pagmamahal, naroroon ang Diyos
Sa pagmamahal, naroon ang Diyos

MGA PAGLUHOG KAY HESUS SA BANAL NA SAKRAMENTO

Namumuno:
Hesus, aming Diyos, sinasamba ka namin, naririyan Ka sa Kabanal-banalang
Sakramento. Naghihintay Ka araw at gabi upang aming maging aliw habang
hinihintay naming Makita Ka ng harap-harapan sa langit.

Lahat: Sinasamba ka namin Panginoong Hesukristo.

Hesus, aming Diyos, sinasamba ka namin sa lahat ng pook na nakalagak ang Banal
na Sakramento at sa lahat ng dakong nilalapastangan ang Sakramento ng Pag-ibig
na ito.

Lahat: Sinasamba ka namin Panginoong Hesukristo.

Hesus, aming Diyos, sinasamba ka namin sa lahat ng panahon, maging noong


nakaraan, sa kasalukuyan o sa hinaharap. Sinasamba ka namin sa bawat taong
nilalang at lalalangin.

Lahat: Sinasamba ka namin Panginoong Hesukristo.

Hesus, aming Diyos, na nagtiis ng gutom at ginaw, paggawa at pagod para sa amin.

Lahat: Sinasamba ka namin Panginoong Hesukristo.

Hesus, aming Diyos na alang-alang sa aming kapakanan ay nagtiis ng


kahihiyan, ng tukso, ng kataksilan at pagtalikod ng mga kaibigan, ng paglait ng
Iyong mga kaaway.

Lahat: Sinasamba ka namin Panginoong Hesukristo.

Hesus, aming Diyos na para sa aming kaligtasan at ng sangkatauhan ay walang


awang ipinako sa krus at nabayubay ng napakahabang oras sa mapait na
paghihingalo.

Lahat: Sinasamba ka namin Panginoong Hesukristo.

Hesus, aming Diyos na dahil sa pag-ibig sa amin ay Iyong itinatag ang Kabanal-
banalang Sakramentong ito, at iniaalay ang sarili araw-araw para sa mga kasalanan
ng sangkatauhan.

Lahat: Sinasamba ka namin Panginoong Hesukristo.

Hesus, aming Diyos na sa Banal na pakikinabang ay nagiging pagkain ng aming


kaluluwa at katawan.
5
Lahat: Sinasamba ka namin Panginoong Hesukristo.

Hesus, aming Diyos, na larawan ng dakilang awa ng Ama para sa lahat ng mga
inaapi at dukha.

Lahat: Sinasamba ka namin Panginoong Hesukristo.

Hesus, aming Diyos, na nagbubuklod sa aming lahat na nakikiisa sa pagdiriwang na


ito ng iyong kabanal-banalang katawan at dugo.

Lahat: Sinasamba ka namin Panginoong Hesukristo.

Hesus, aming Diyos, na nagpapalaya sa lahat ng nabibihag ng lahat ng uri ng


kasamaan sa aming kapaligiran.
5
Lahat: Sinasamba ka namin Panginoong Hesukristo.

Hesus, aming Diyos, na nagbibigay lakas ng loob sa lahat ng mga taong nakararanas
ng paghihirap, gutom, pagsasamantala at kawalang- katarungan sa aming lipunan.

Lahat: Sinasamba ka namin Panginoong Hesukristo.

Namumuno: Dasalin natin ang


Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati.

AWIT: TINAPAY NG BUHAY

Ikaw Hesus ang tinapay ng buhay


Binasbasan hinati’t inialay
Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob
At pagsasalong walang hanggan

Bssbasan ang buhay naming handog


Nawa’y matulad sa pag-aalay mo
Buhay na laan ng lubos
Sa mundong sa pag-ibig ay kapos ®

Marapatin sa kapwa maging tinapay


Kagalakan sa nalulumbay
Katarungan sa naaapi
At kanlungan ng bayan mong api ®

PAG-AALAY NG SARILI KAY HESUS SA BANAL NA SAKRAMENTO

O Hesus, nakatagong Diyos sa anyo ng tinapay, tumatawag ako sa Iyo!


O Hesus, nakatagong ilaw, bumabaling ako sa Iyo!
O Hesus, nakatagong pag-ibig, ako’y nagdudumali sa paglapit sa Iyo!
Buong lakas na nasa akin, sinasamba kita;
6
Buong pag-ibig na nasa akin, nanghahawak ako sa Iyo,
Buong kaluluwang ninanais kong mapasama sa Iyo,

At di na muling katatakutan ang di pagtatagumpay o mahiwalay sa Iyo,


O Hesus, walang kamatayang Pag-ibig na humahahanap sa akin,
Ikaw, na namatay dahil sa pananabik ng Pag-ibig Mo sa akin,
Ikaw, Hari sa lahat ng iyong kagandahan, lumapit sa sa akin,
Binihisan ng puti, tigmak sa dugo, O Hesus ko, lumapit ka sa akin,

O Aking minamahal na Panginoon, huwag mo na akong iwanan muli,


O Diyos, na napakaganda, napakamahalaga,
O Diyos, pinakamarilag, di-linalang;
O Diyos walang hanggan, at nagbibigay ng ligaya;
O Diyos, walang katapusan at di nakikita;
O Diyos, di-masusukat, O Diyos na buhay,

Ikaw, karunungan ng Diyos, na walang katapusan,


Ikaw, laging nagmamahal at laging umuunawa,
Gawin mo ako , O Banal na Diyos na iyong aruga:
Gawin Mo ako, O Maluwalhating Pag-ibig, na isang mahalagang sa Iyo;
Nasa dilim ang aking kaluluwa, kapag malayo sa Iyo;

Katawan ko’y nalulungkot, kapag malayo sa Iyo;


Saan sa ihip ng langit, mayroong kaligayahng tulad sa Iyo?
Saan sa kalaliman ng ALngit, mayroong kapayapaang tulad sa Iyo?
Buong pusong ibinibigay ko sa Iyo, ang aking sarili,
Hanggang ako’y makapg-isa sa Iyo magpakailanman.

Tawagin mo ako, O nagbibigay-galak na Pag-ibig at susunod ako sa Iyo; 6


Ikaw ang aking lahat, wala akong ikinakait na anuman sa Iyo;
O lihim na Pag-ibig, na sa aki’y umiibig ngayon;
O sugatang pag-ibig, na minsa’y namatay para sa akin;

Matiising Pag-ibig, na di nahahapo dahilan sa akin;


Bukod-tangi sa lahat, di ka humihiwalay sa akin,
Tulungan mo ako O Hesus na aking kapatid;
Hilumin Mo ang aking pusong sugatan nang ako’y makapaglingkod sa Iyo.

Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati.

AWIT: HOLY GOD WE PRAISE THY NAME


Holy God we praise Thy name
Lord of all we bow before Thee
Saints on earth your rule acclaim
All in heaven above adore Thee
Infinite Thy vast domain
Everlasting is Thy reign

7
Hark the glad celestial hymn
Angel choirs above are raising
Cherumbim and seraphim
In unceasing chorus praising
Fill the heavens with sweet accord
Holy, Holy Holy Lord

Holy Father, Holy Son


Holy Spirit three we name Thee
Though in essence only one
Undivided God we claim Thee
Amd adoring bend the knee
While we own the mystery

ANG LITANYA NG EUKARISTIYA

Namumuno: Panginoon, kaawaan mo kami.


Lahat: Panginoon, kaawaan mo kami.
Panginoo: Kristo, kaawaan mo kami.
Lahat: Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon: Panginoon, kaawaan mo kami.
Lahat: Panginoon, kaawaan mo kami

Namumuno:
Hesus, ang pinakadakila Lahat: * Kaawaan mo kami.
Hesus, ang banal
Hesus, ang Salita ng Diyos
Hesus, ang Bugtong na Anak ng Ama
Hesus, Anak ni Maria
Hesus, ang napako sa krus
Hesus, ang muling nabuhay
Hesus, nabubuhay sa kaluwalhatian
Hesus, magbabalik muli
Hesus, aming Panginoon
Hesus, aming pag-asa
Hesus, aming kapayapaan
Hesus, aming  kaligtasan
Hesus, aming muling pagkabuhay
Hesus, hahatol sa lahat
Hesus, Panginoon ng Simbahan
Hesus, Panginoon ng sangnilikha
Hesus, mapagmahal sa lahat
Hesus, buhay ng daigdig
Hesus, kalayaan ng mga napipiit 7
Hesus, ligaya ng mga nalulumbay
Hesus, nagkakaloob ng Espiritu ng buhay
Hesus, sanhi ng lahat ng biyaya
Hesus, sanhi ng bagong Buhay
Hesus, ang walang hanggang pari
8
Hesus, pari at hain
Hesus, tunay na Pastol
Hesus, tunay na liwanag
Hesus, tinapay mula sa langit
Hesus, tinapay ng buhay
Hesus, tinapay ng pasasalamat
Hesus, tinapay na nagbibigay ng buhay
Hesus, banal na manna
Hesus, bagong tipan
Hesus, pagkain sa buhay na walang hanggan
Hesus, pagkain sa aming paglalakbay
Hesus, banal na pagsasalo
Hesus, tunay na sakripisyo
Hesus, ganap na sakripisyo
Hesus, walang hanggang sakripisyo
Hesus, maka-Diyos na-Hain
Hesus, Tagapamagitan ng bagong tipan
Hesus, misteryo sa altar
Hesus, misteryo ng pananampalataya
Hesus, lunas sa buhay na walang hanggan
Hesus, pangako ng buhay na walang hanggan
Hesus, Kordero ng Diyos, ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
(Lahat: Maawa ka sa amin)
Hesus, umako sa aming mga kasalanan ikaw na nag-aalis ng
mga kasalanan ng sanlibutan
(Lahat: Maawa ka sa amin)
Hesus, Tagapagtigtas ng sanlibutaru ikaw na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan
(Lahat: . Maawa ka sa amin)

Namumuno: Panginoon, inaalay naming an gaming mga panalangin para sa


kapayapaan sa Mindanao, sa buong bansa, at sa buong mundo, Inaalay din naming
ito sa mga nagging biktima ng kaguluhan sa Marawi, sa mga nasawing sundalo at
mga tagapag-tanggol ng kapayapaan, mga kababayan Muslim man o Kristyano.
Para maayos na pangangasiwa ng ating bayan at sa ating sariling kahilingan.

Namumuno:
Bilang isang bayan at mga alagad ni Hesus, lakas-loob at malakas nating awitin ang
panalangin na itinuro niya sa atin.

AAWITIN ANG AMA NAMIN

PANGWAKAS NA PANALANGIN

Namumuno:
Ama naming makapangyarihan at mapag-mahal, kami po ay lubos na
nagpapaslamat sa pagsusugo ng Iyong Anak na si Hesus. Sa naging pagninilay
namin sa pamamagitan ng mga panalangin at awitin, niloob mong samahan kami ni
Hesus sa aming katahimikan at pakikipag-isa sa iyo sa harap ng Kabanal-banalang
9
Sakramento sa altar. Habang inaalala namin ang paghihirap, kamatayan at muling
pagkabuhay ni Hesus, matuto nawa kaming sumunod sa kanyang mga yapak ng
may pagpapasalamat sa aming mga puso, upang masigla naming harapin at tugunin
ang misyon na aming tinanggap mula sa biyaya ng aming pagiging Kristiyano.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo, kaisa ng Espiritu Santo,
na nabubuhay at naghaharing kasama Mo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen

Pangwakas na Awitin: O SACRAMENT MOST HOLY

O Sacrament Most Holy


O Sacrament Divine
All praise and all thanksgiving
Be every moment thine
Be every moment thine.

10

You might also like