You are on page 1of 1

Si Bb. Christine C. Jacob ay labing pitong taong gulang. Isinilang siya sa Brgy.

Sillawit,
Cauayan City, Isabela noong ika-walo ng Nobyembre taong 2005. Siya ay isang masipag at
matiyagang bunsong anak nina G. Daniel F. Jacob at Gng. Nelia C. Jacob.

Nakapagtapos siya sa elementarya bilang pangalawang dangal (salutatorian) sa paaralang


Sillawit Elementary School at gayundin noong siya ay Junior High School. Ipinagpatuloy niya
naman ang kaniyang sekondaryang pag-aaral sa paaralang Cauayan City Stand-Alone Senior
High School. Siya ay kasalukuyang nasa ikalabindalawang baitang ng "STEM STRAND" at
naghahandang kumuha ng pagiging Inhinyera sa darating na kolehiyo.

Si Christine ay laging may parangal simula noong siya ay Elementarya hanggang


Sekondarya. Lagi rin siyang isinasali ng kanyang magulang sa patimpalak sa matematika (MTAP)
at sa kabutihang palad, dalawang beses siyang naipasok sa rehiyonal na lebel noong siya ay
nasa ika-pito at walong baitang. Higit pa rito, siya rin ay ikalawang nagwagi sa sinalihan niyang
"Searching for Top Model" noong siya ay nasa ika-walong baitang sa paaralan ng Sillawit
National High School. At sa kanyang karanasan naman, siya ay naging kahera sa maliit na
groserihan na malapit sa kanilang lugar at ngayon, ipinagsasabay niya ang kanyang pag-aaral at
pagtratrabaho bilang kasambahay sa kanyang tiyahin.

You might also like