You are on page 1of 4

WEEK 1 - MGA KONSEPTONG PANWIKA

Henry Gleason - ayon sa kanya ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na inayos sa
paraang arbitraryo upang magamit sa isang komunidad.
Halladay - Ang wika ay may instrumental na gamit sapagkat tumutulong ito na naisagawa ang mga bagay na
gustong gawin ng mga tao.
Alcomtiser Tumangan - Ang wika ay isang paraang pananagisag sa mga tunong sa tulong ng bahagi ng katawan.
Constantine - Ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin.

KATANGIAN NG WIKA

Wika - ay isang kasangkapan upang ang mga tao ay magkakaugnay.


Pinipili at Isinasayos - ayon nito ang makapagpahayag nang mabisa sa pamamagitan ng wastong pagpili at
pagsasaayos ng wika.
Masistemang Balangkas - Ito ay sumusunod sa lingwistikang larangan kung saan ang pag-aral ng wika ay
nagsisimula sa Fonoloji morpoloji hanggang sa sintaks.
Sinasalitang Tunog - Itoy naglalarawan na ang mga tunog ay naging makabuluhan kapag nakapagpaiba ng
kahulugan ng salita.
Arbitraryo - Ang wika ay nabuo dahil sa napagkasunduang termino ng mga taong gumagamit nito.
Kasabay ng Kultura/Kapantay ng Kultura - Ito ay tumutukoy sa pagkakasabay sa pag-unlad ng wika at kultura.
Natatangi - ito’y may set ng gramatikal na estruktura.
Daynamik o Nagbabago - Itunuturing na ‘patay’ ang isang wika kung walang na itong tinatanggap na pagbabago.
Komunikasyon – ang wika ay komunikasyon ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng damdamin at saloobin ng mga
tao.
Malikhain - sa bawat panahong lumilipas ang mga tao ay nakakalikha ng iba’t ibang salita mula sa isang salita.
Patuloy na ginagamit - Ang wika ay ginagamit upang ito ay hindi maglalaho sa darating pang henerasyon.

KAHALAGAHAN NG WIKA

Kahalagahang Pansarili - Ito ay kahalagahan ng wika kung saan nagagamit ang wika sa pagpapahayag ng sariling
opinion, damdamin at saloobin.
Kahalagahang Panlipunan - Ito ay nagpapakita ng pakakakilanlan ng lipunan.
Kahalagahang Global/Internasyonal - ang wika ay mahalaga sapagkat makikilala tayo sa internasyunal na
komunidad kasabay sa paggamit ng Ingles bilang wikang unibersal.
Konstitusyung ng 1987(Art.XIV, Sek.7) - ‘Ukol sa mga layunin ng komunikasyun at pagtuturo,ang mga wikang opisyal
ng Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.’

MGA TEORYA NG WIKA

Teoryang Bowow - Ito ay nagsasabi na ang wika ay nagmumula sa mga tunog na nilikha ng mga mga hayop na
ginagad ng mga tao.
Dingdong - Ang wika ay mula sa sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran.
Yoheho - Natuto ang mga tao na magsalita dahil sa kanyang puwersang pisikal.
Pooh-pooh - Ang paggamit ng bibig na bumubuo ng mga tunog na galing sa mga emosyon o damdamin ng mga tao.
Ta-ra-ra Boom De Ay -ang wika ay galing sa mga tunog na nilikha galing sa mga ritwal.
Sing-song - Ang wika ay galing sa musikal na aspeto ng tao.
Biblikal-Genesis 11:1-8 na nagsasabi na ang buong lupa ay iisang wika at iisang mga salita.

WEEK 2 – WIKANG PAMBANSA, WIKANG PANTURO, UNANG WIKA, ANTAS NG WIKA

Wikang Panturo - Ito ay wikang pambansa na itinadhana ng batas na gagamitin bilang midyum ng edukasyon upang
makapagtamo ng mataas na antas ng karunungan.
Artikulo XIV, Sek. 6 - Ito ay batas na nagtatadhana na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino habang
nililinang pa ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga
wika.
Masining - Ito ay itinuturing na pinakamataas na antas ng wika, kadalasan ito ay binubuo ng tambalang salita.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, S.1974 - Ito ay Kautusang Pangkagawaran na nilagdaan ni Kalihim Juan
Manuel na nagtatakda ng panuntunan ng pagpapaunlad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 74, S.2009 - Ito ay kautusang naging dahilan ng institusyonalisasyon ng Mother
Tongue-Based na Edukasyon.
Bilingguwalismo - Ito ay nagtatakda na Ingles ang gagamitin bilang wikang panturo sa mga asignaturang Agham at
Matematika at wikang Filipino naman sa lahat ng iba pang asignatura sa mababa at mataas na paaralan.
Multilinggwalismo – paggamit ng maraming wika sa pakikipagkomunikasyon.
Talumpati - sining at agham ng maayos na paghahanay ng mahahalagang kaisipan at mabisang paraan ng
paghahatid nito sa mga tagapakinig.
Unang Wika – Ang unang wikang natutunan ng isang indibidwal simula pagkabata.
Sinasabing ang Pilipinas ay mayroong humigit kumulang na 165 na katutubong wika.
Kolokyal – mga di pormal na salita na nabubuo sa pagkaltas ng ponema sa isang salita.
Filipino – Ikalawang wika ng mga Filipino. Ito ay wikang Pambansa.
Wikang pantulong – katutubong wika na Ipisyal na midyum ng edukasyon upang matamo ang karunungan.

ANTAS NG WIKA

Wikang Pambansa - Ito ay pinagtibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit sa pamamahala, at pakikipag-


unayan sa mamamayang sakop ng isang bansa.
Wikang Pampanitikan - Ang antas na ito ay tinatawag ding masining. Sa ibang aklat ang masining na antas ay ang
pinakamataas na antas ng wika. Ito ay ginagamit sa pagsulat ng kwento, tula, talumpati at iba pang komunikatibong
sitwasyon.
Wikang Lalawiganin – ang mga wika na ginagamit sa iba’t ibang lalawigan ng buong Pilipinas.
Wikang Kolokyal - ang mga di pormal na salita na nabubuo mula sa pormal na salita sa pamamagitan ng pagkaltas
ng ponema sa isang salita.
Wikang Balbal – ang pinakamababang antas ng wika. Ito din ay tinaguriang wika ng kalye.

MGA KATANGIAN NG TALUMPATI: MGA LAYUNIN NG TALUMPATI:

1. Napapanahon 1. Magturo
2. Naayon ng layunin 2. Manlibang
3. Nakapupukaw ng interes 3. Mangutya
4. Maikli 4. Mamuna
Ang pagsulat ng talumpati ay nangangailangan ng masusi at pantay na paglalatag ng mga ebidensya at opinion.

WEEK 3 – WIKA, BARAYTI NG WIKA, REGISTER

Register - barayti ng wika ang nagpapakita ng estilo ng pananalita batay sa gamit.


Katutubong Wika - Ito ay tinaguriang unang wika ng Pilipinas.
Filipino - Ang pangalawang wika ng Pilipinas.

BARAYTI NG WIKA

Barayti - Ang barayti ay nangangahulugang iba’t ibang set ng unit ng mga salita mula sa iba’t ibang lalawigan ng
Pilipinas. Ang sanhi ng pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika ay ang pagkakaiba ng uri ng lipunang
ginagalawan, heogyapiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad, kasarian at pangkat etniko na kinabibilangan ng
tao.
Idyolek - tumutukoy sa punto o paraan ng pagsasalita ng tao.
Etnolek - Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolingwistikong grupo.
Diayalek - barayti ng wika na sinasalita ng tao sa heograpikong komunidad.
Ekolek - Ito ay barayti ng wika na kadalasan ginagamit sa loob ng tahana. Malimit itong ginaganit sa pang -araw
araw na pakikipagtalkastasan.
Sosyolek - Ito ay pansamanalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit sa isang particular na grupo. Ang
salitang ito ay may kinalaman sa sosyo ekonomiko at kasarian ng indibiduwal na gumagamit nito.
Pidgin - Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estruktura. Ito ay binansagang nobody’s native language ng mga
dayuhan. Ito ay ginagamit mga mga indibiduwal na nag-uusap na may magkaibang wika. Sila ay umaasa lamang sa
make shift na salita o pansamatalang wika lamang.
Creole - Barayti ng wika na nadebelop dahil sa pinaghalo -halong salita mng mga taong mula sa magkakaibang lugar
hanggang sa ito ay nagging pangunahing wika sa isang particular na lugar. Halimbawa ditto ay ang pinaghalong
Tagalog at Espanyol – Chavacano.
A. Field o Larangan - ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito.
B. Mode o modo - Paraan kung paano isinasagaw ang komunikasyon.
C. Tenor - Ito ay naayon sa relasyon ng nag-uusap.
Heterogenous - Ito ay tumutukoy sa paggamit ng iba’t ibang wika sa iba’t ibang lalawigan o bansa. Likas na
maraming wikain ang Pilipinas kung kaya ang mga mamamayan nito ay gumagamit ng maraming wika.
Homogenous - Ito’y Tumutukoy sa paggamit ng iisang wika sa ng mga tao sa isang particular na bansa o lalawigan.

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN:

Interaksyonal – Ito oy tumuukoy sa pakikipagkapwa at pagkakaroon ng mabuting relasyon sa kapwa.


Instrumental - Tumutugon sa mga pangangailangan ng tao sa iba.
Regulatoryo - Pagkontrol sa ugali at asal ng ibang tao.
Personal - Ito ay ang paggamit ng wika sa pagpapahayag ng opinion o kuru – kuro.
Heuristiko - Ginagamit sa pagkuha at paghahanap ng impormasyon sa paksang pinag-aaralan.
Impormatibo - Ito ay ang kabaliktaran ng heuristiko. Ito ay ang pagbibigay ng impormasyon pasulat man o pasalita
kagaya ng pagsulat ng balita, pagsulat ng tesis, panayam at pagtuturo.
Pagpapahayag ng Damdamin - (Emotive) Pagpapahayag ng damdamin, saloobino emosyon. Halimbawa liham
pangkaibigan.
Pagtalinghaga (Poetic) - Masining na paraan ng pagpahayag gaya ng panulaan, prosa at iba pa.
Panghihikayat (conative) - Ginagamit upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos
at pakiusap.
Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic) - Upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
Paggamit bilang sanggunian (referential) - Ang paggamit ng aklat at iba pang sulatin bilang sanggunian na sa mga
ginawang akda.
Paggamit ng kuro-kuro (metalingual) - Lumilinaw sa suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay komento sa mga batas
o kodigo.

KOMUNIKATIBONG SITWASYON GAMIT ANG WIKA:

Balita – ang tawag sa laman ng pahayagan na nagsasaad tungkol sa pangyayaring naganap, nagaganap, o
magaganap sa loob at labas ng bansa.
Lathalain - Ito’y isang akdang tumatalakay sa paksa ukol sa sikat na mga tao, bagay, lugar at mga pangyayari. Ito ay
naiiba sa balita sapagkat ditto pweding haluan ng manunulat ng sariling pananaw tungkol sa isyung tinatalakay.
Tula – Ito ay masining napagsasaayos ng mga salita sa pamamagitan ng taludtud, saknong at sukat.
Musika - sangay ng humanidades ang pinagsama-samang tunog at iba’t ibang tono upang makalikha ng isang katha
na nagpapahayag ng iba’t ibang kaisipan at damdamin.
Dula - Ito ay isang palabas na itinatanghal sa entablado.

WEEK 4 – WASTONG GAMIT NG SALITA O PAHAYAG NA PANG-SOCIAL NETWORKING SITE

 Tinagurian na “Texting Capital of the World” ang Pilipinas dahil sa 4 na bilyong text na pinapadala araw-
araw.
 Leksikon ang tawag sa iba’t ibang kahulugan ng mga pangungusap.
 Flip Top ang taguri sa pagtatalong oral na pa-rap.

Ang pagpapadala at pangtanggap ng SMS (short messaging system) na lalong kilala bilang text message o text ay
isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa.
MGA HALIMBAWA:

AAP Always A Pleasure G2G Got To Go


AML All My Love GBU God Bless You
B4N Bye For Now IDC I Don’t Care
BFF Best Friends Forever ILY I Love You
BTW By The Way LOL Laughing Out Loud
CUL8R See You Later OIC Oh, I See
HBD Happy Birthday OMG Oh My Gosh o Oh My God
EOD End Of Discussion WTG Way To Go
J/K Just Kidding XOXO Hugs and Kisses

You might also like