You are on page 1of 5

WHAT IF?

Hi tawagin niyo nalang ako sa pangalang


Cris, hindi ako sa DHVSU nag aaaral pero
yung taong minahal ko noon is dito sya nag
aaral. Not sure kung patapos na siya ngayon
or tapos na talaga, wala na kasi akong balita
sakanya.
Sana mabasa niya 'to, alam kong reader
siya rito.

So heto na...
Wayback 2017 nakilala ko si Sophie (di
tunay na pangalan) nakakasama kasi namin
siya sa tuwing tumatambay kami sa bahay
nung isa ko ring kabarkada, since bakasyon
non hindi gaanong busy, kaya madalas
kaming magtambay non at magpatugtog ng
guitara umaabot pa kaming madaling araw
dahil halos magkakapitbahay lang kami.
Sa magbabarkada si Sophie lang ang
pinaka tahimik, mahinhin at para sa akin ang
cute niya sobra maganda rin ang boses niya.
Di kami gaanong magka close noon pero sa
tuwing tumutugtog ako, umaawit naman siya
at palagi ko siyang tinititigan dahil ang cute
niya, kaya nga siguro crush siya nung
bestfriend kong si Mark at balak niya pa ata
itong ligawan.
Mabait si Sophie, mas close sila ni Mark
kesa sa'kin. Kaya iniisip ko na kung sakali
man na ligawan siya ni Mark baka malaki
yung chance na sagutin niya ito.

Isang gabi, hindi muna ako sumamang


tumambay non. Dahil sobrang strict ni
mama, yes lalaki ako pero sa tuwing
dumadating siya ayaw niya kaming
lumalabas lalo na pag gabi, kaya madalas
kong sinasabi kay mama na para naman
akong babae kung bawalan. Pero dahil
ayoko siyang ma stress kaya sinusunod ko
nalang siya. Nakakalabas naman din ako sa
tuwing busy siya sa trabaho.

Nung gabing yon malungkot ako dahil hindi


ko nakita si Sophie, kaya tinext ko si Mark at
kinamusta. Ang sabi niya, agad din daw
umuwi si Sophie, kaya umuwi na rin si Mark
nung time na yon.
Sinabihan ko si Mark na matulog nalang sa
amin, at pumunta naman ito.

Alam kong magkatext si Mark at Sophie


nung gabing yon hanggang sa nag expired
na ang load ni Mark at nakitext siya sa akin,
so ayun na nagkaron na ako ng chance na
makatext si Sophie dahil nandon na yung
number niya sa cp ko.

Kinabukasan, may nakita akong reply ni


Sophie na "OK".
Kaya nag greet ako sakanya na
"Magandang Umaga" pero nakauwi na non
si Mark.
So, tinanong ni Sophie kung kaninong
number ang ginamit ni Mark nung gabi, kaya
nagpakilala ako sakanya.
Sinabi ko na ako yung laging tumutugtog ng
gitara at ayon nga naalala niya ko at doon
palang din niya nalaman name ko. Ang
weird diba, nagkakasama kami sa
pagtambay pero hindi namin kakilala ang
isa't-isa.

Since magkakabarkada naman kami,


madalas narin kaming magka text ni Sophie.
Madalas kaming magkwentuhan, hanggang
sa natanong ko sakanya kung nanliligaw ba
si Mark sakanya. Sinabi niya na hindi naman
daw. Kaya masaya ako nung time na yon.
Umabot pa kami ng madaling araw non dahil
pang MMK yung kwento niya, kaya doon ko
sya mas lalong nakilala.
Hindi na kami nakakatambay parehas non
dahil busy na, pero madalas parin kaming
magka text ni Sophie.
Hanggang sa bumalik na ako nun sa Manila
dahil doon ako nag aaral. Kaya pag alis ko
nun sobrang lungkot ko dahil di ko na sya
makikita lagi, matagal nanaman bago ko
siya makita. Si Mark naman hindi na niya
tinext si Sophie dahil nalaman nila na
magkamag anak pala silang dalawa, so
pinaubaya na ni Mark sakin ang kamag anak
niyang si Sophie hahaha.
Naging sobrang mag close kami ni Sophie,
pag uwi ko may balak na nga ako na ligawan
siya e.

to be continue...

-Engr. HZ
MNLBoy

You might also like