You are on page 1of 3

ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAG-AARAL

NG MGA KABATAAN SA P-2 OGAO,


NABUNTURAN, DAVAO DE ORO

______________________________________________________________________

ISANG MUNGKAHING PANANALIKSIK NA INIHARAP


SA FACULTY NG SENIOR HIGH SCHOOL
NG MANAT NATIONAL SCHOOL

______________________________________________________________________

BILANG BAHAGI NG PAGTUPAD SA PANGANGAILANGAN


NG ASIGNATURANG FILIPINO

ANGELICA R. BONGABONG
GRADE-12 WATSON

NOBYEMBRE 2022
INTRODUCTION
Background of the Study
Sa pang araw-araw na pamumuhay, maraming naidudulot ang makabagong
teknolohiya sa panahong ito. Ang Social Media ang naging produkto ng makabagong
panahon. Napapabilis nito ang komunikasyon saan mang panig ng mundo. Ayon kina
Espina at Borja (1996), ang komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang
maangkin ng bawat nilikha ang kanyang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw
ang kanyang iniisip at nadarama. Dito umusbong ang relasyon ng tao sa isang lipunan.
Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at
nagsilbing libangan ng karamihan. Ngunit sa kabila nito ay naging bulag ang mga
kabataan para sa maaaring maging epekto.
Sa nagbabagong panahon, patuloy ang pag-unlad ng iba’t-ibang aspeto sa buhay
ng tao, kasama na ang social media na nagsilbing libangan ng mga kabataan sa
matagal na panahon. Nag-iba ang perspektibo ng mga kabataan sa produkto ng
modernisasyon at teknolohiya. Naging iba rin ang pamamaraan ng pakikisalamuha na
malayo sa kinagisnan ng ating mga magulang. Mas humaba ang oras na inilalaan ng
mga kabataan sa kasalukuyang panahon sa paggamit ng social media tulad na lamang
ng Facebook, Twitter, Instagram, at marami pang iba. Hindi lingid sa ating kaalaman na
kung minsan mapapansin na nawawalan ng pokus o atensyon ang mga kabataan
kapag nasa klase dahil sa hawak nila ang kanilang mga gadyets. Pati ang paglalaro ng
mga online games na malayo sa naging buhay ng nakaraang mga henerasyon at mas
pinipili na igugol ang kanilang oras sa paggamit ng internet kaysa paglilibang. Nag-iba
na rin ang kinagawian na pagpunta sa silid-aklatan upang sumipi ng mga detalye para
sa takdang aralin, ngayon isang pindot lang ay maaari mo ng maakses ang iba't-ibang
sites na mapapagkukunan ng mga impormasyon.
Nakakalungkot isipin na dahil sa social media ay nag-iba ang kaugalian ng mga
kabataan. Nangingibabaw ang masama at negatibong epekto na dulot ng social media.
Kaya nilalayon ng pag-aaral na itong kumalap ng impormasyong kinakailangan para
tuklasin ang epekto na dulot ng Social Media sa mga kabataan. Ito ay para maging
gabay at daan kung paano maiwasan at masolusyunan ang sobrang pagkahumaling ng
mga kabataan dito.

Significance of the Study


Malaki ang epekto ng Social Media sa mga kabataan ngayon. Maaaring mabuti o
masama ang dulot nito depende sa taong gumagamit. Ang pag-aaral na ito ay
inaasahang maging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:
Sa mga Kabataan. Sa tulong ng pag-aaral na ito, magsisilbing patnubay para
makakuha ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad ang kanilang pananaw
tungkol sa Social Media. Makatutulong din ito upang maimulat ang isipan sa tamang
paggamit ng Social Media bilang instrumento sa pagpapaunlad ng kanilang sarili.
Sa mga Magulang. Ang pananaliksik na ito ay maaring gumabay sa kanila upang
ipaliwanag ang maaring maidulot ng social media sa kanilang mga anak.
Sa mga Guro. Upang bigyang-ideya ang mga guro tungkol sa Social Media na
kadalasang pinagtutuunang pansin ng mga kabataan sa ngayon. Sa pamamagitan ng
mga ideyang napulot, maaaring gamitin at isagawa ang mga maging mungkahing
paraan at solusyon para malimitahan ng mga kabataan ang kanilang lubos na
pagkahumaling sa Social Media.
Tagapangasiwa ng Paaralan. Ang kinalabasan o resulta ng pag-aaral na ito ay
makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, mga gawain at iba pang
mga hakbang para makatulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang
persepsyon o pananaw tungkol dito.
Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay
upang kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag-aaral ay may
mapagkukunan sila ng mga kaugnay na literatura at karagdagang kaalaman.

Purpose of the Study


Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mabigyan ng kaalaman ang mga kabataan
tungkol sa social media na karaniwang popular sa lipunan. Bukod pa rito ay layunin din
nito na maipabatid sa mga mag-aaral ang mga positibo at negatibong epekto ng social
media, lalong-lalo na sa kanilang pag-aaral. Higit sa lahat ay ninanais ng pananaliksik
na ito na mabigyang solusyon ang mga mambabasa upang maiwasan ang pagka-
humaling ng mga kabataan sa social media. Layunin din ng pananaliksik na ito ay
ipabatid na ang lahat ay mayroong limitasyon sa paggamit ng social media. Dahil ang
sobra ay may kaakibat na hindi maganda.

You might also like