You are on page 1of 1

Midterm SW 1

1. Gaano kahalaga ang komunikasyon? (3points)

Mahalaga ang komunikasyon sapagkat araw-araw natin itong ginagamit. Napakalaki ng


naitutulong nito sa mga tao sa mga kadahilanang ito ay essential na pangangailangan ng lipunan
upang patuloy itong umandar. Nagagamit ito sa pakikipag komunika, berbal man o hindi berbal.
Di lang sa deretsong pakikipagusap, kasama rin rito ang mga kilos, ang kontento ng mga
literatura at libro, pati pagsusulat. Ang kominikasyon ay mahala sapagkat malaking
pangangailangan to ng mga tao.

2. Sino-sino ang maaaring maging sangkot sa komunikasyon? Paano? Bakit? (10


points)
Ang mga sangkot sa komunikasyon ay ang Encoder (magpapadala) at Decoder
(tatanggap). Ang proseso ng komunikasyon ay magsisimula sa encoder sapagkat siya ang
unang magbubuo ng mensahe na ipapadala. Ang tatanggap naman ang iintindi sa
mensahe at bubuo ng feedback.

3. Ano-anong mga paraan sa pakikipagkomunikasyon? (2points)


Berbal – Ito ang paraan ng komunikasyon na maaring ginagamit ang pagbikas o kaya pagsulat.
Halimbawa rito ang publikong pagsasalita sa harap ng awdiyens o kaya pagsulat ng mga salita sa
isang blackboard
Di-berbal – Ito ang paraan ng komunikasyon na di gumagamit ng wikang pananalita, ngunit kilos
at galaw ng katawan ang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Halimbawa ang expresyon ng muka o
pag galaw ng mga mata, kamay at paa. Ang komunikasyong di berbal ay may ibat ibang anyo
tulad ng oras o chronemics, espasyo o prexemics, katawan o kinesics, at marami pa.

You might also like