You are on page 1of 1

Patuloy ang Buhay

Tayo ay nakakulong sa tila ba gulong na pamumuhay


Minsan nasa taas, minsan nasa baba at sumasabay;
Sino nga ba ang dapat asahan?
Walang iba kundi ang sarili lamang.

Madalas nagtatanong bakit may bagay na di ma-wari,


Walang magagawa kundi aralin ang mangyayari;
May mga kagustuhan tayong di natin maaabot,
Hindi lahat ay para sa atin, sarili wag nang malungkot.

Kung dumating man ang panahon na tayo’y malumbay


Laging isipin na may isang gumagabay;
Lahat ng nangyayari ay siya lang ang may alam,
Patuloy lang ang buhay, iwasan ang agam-agam

Bago matapos ang tula, nais kitang paalalahanan,


Na kung magkamali, iyon ay magiging kalakasan;
Kilalanin ang sarili, wag intindihin ang sasabihin ng iba,
Patuloy lang ang buhay, gumawa ka lang ng tama.

You might also like