You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
DIVISION OF SANTIAGO CITY
VILLA GONZAGA ELEMENTARY SCHOOL
Villa Gonzaga, Santiago City

March 29, 2021


Masusing Banghay Aralin sa Filipino VI
Unang Markahan
Ikasiyam na Linggo

I.LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B.Pamantayan sa Pagganap Nakasusulat ng reaksyon sa isang isyu
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa Isang napakinggang
balita, isyu o usapan (f6ps- lj-1)
II.NILALAMAN Pagbibigay ng Opinyon/Reaksyon Tungkol sa Napakinggang Balita,
Isyu o Usapan.

III.KAGAMITANG PANTURO
A.Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro Curriculum Guide p. 111-116, MELC page 166
2.Mga pahina sa kagamitang
pang-mag-aaral
3.Mga pahina sa teksbuk
4.Karagdagang kagamitan Filipino 6 Unang Markahan – Modyul 13:Pagpapahayag ng Sariling
Opinyon o Reaksiyon sa isang Napakinggang Balita, Isyu o Usapan
Filipino 6 Unang Markahan-Learners Activity Sheet pahina 111-116
(537) Grade 6 Filipino Q1 Ep13: Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o
Reaksiyon sa Isang Napakinggang Balita - YouTube
B.Iba pang kagamitang panturo Power point presentation, Activity sheets, cut-outs, video clips

IV. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
Maaring lahat ay tumayo para sa
panalangin

Rea, maaaring bang pumarito ka sa ating


harapan upang manguna sa panalangin.
Opo Bb. Rose, Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng
Espiritu santo. Amen.

Ama namin, sumasalangit Ka Ama namin, sumasalangit Ka


Sambahin ang ngalan Mo Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa, para nang sa langit. Dito sa lupa, para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-
kakanin sa araw-araw. araw.
At patawarin Mo ang aming mga sala, At patawarin Mo ang aming mga sala,
Para ng pagpapatawad namin Para ng pagpapatawad namin
Sa mga nagkakasala sa amin. Sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masama. At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat Iyo ang kaharian, at Sapagkat Iyo ang kaharian, at kapangyarihan,
kapangyarihan, At ang kadakilaan, magpakailanman. Amen.
At ang kadakilaan, magpakailanman.
Amen.

b. Pagbati
Magandang umaga mga mag-aaral ng
ikaanim na baitang
Magandang umaga rin po, Bb. Rose!

Bago kayo maupo sa inyong mga upuan,


maaring paki pulot ang mga maliliit na
piraso ng papel na nakakalat sa ating
sahig at ayusin na rin ang inyong mga
upuan.

c. Pagtsetsek ng liban at hindi liban

Maaari ko bang tanungin ang sekretarya


ng klase kung may mga lumiban ba sa
ating klase? Wala pong lumiban ma’am, kumpleto po ang ating
klase Bb Rose.
Mahusay! Wala ni isa sa inyo ang lumiban
sa ating klase. Mukahang lahat ay
interisadong matuto sa ating panibagong
aralin

d. Pagpapatupad ng panuntunan sa loob ng


silid-aralan

Bago tayo magsimula sa ating aralin


mayroon akong ilang panuntunan na
kailangan ninyong gawin sa ating klase.

Ang mga panuntunan ay:

-Manatiling tahimik at makinig ng mabuti


sa sinasabi ng guro.
-Itaas ang kanang kamay kung may nais
sabihin
- Makiisa sa mga gawaing ibinigay ng
guro

Malinaw ba ang ating panuntunan?


Opo Bb. Rose.
e. Balik-aral sa nakaraang aralin

Bago tayo tumungo sa ating bagong


aralin na tatalakayin. Magbabalik aral
muna tayo.Ang nakaraan nating aralin ay
patungkol sa Nakapagbibigay ng angkop
na pamagat sa binasang/napakinggang
tatala.

Narito ang panuto para sa ating gawain.


Panuto: Pakinggan ang mga sumusunod
na talata. Piliin sa loob ng kahon ang
angkop na pamagat.

Narito ang mga pagpipilian


a. Palosebo
b. Si Jose Rizal
c. Ang Sunduan
d. Pangalawang tahanan
e. Pagmamahal ng magulang

1. Matalino si Jose Rizal. Natuto siyang


bumasa sa gulang na tatlong taon.
Nagtapos siya ng edukasyong
elementarya at sekundarya na
nangunguna sa klase. Marami siyang
kursong natapos. Nag-aaral siya ng
medisina, pagpipinta, paglililok at
pagsusulat. Naging matagumpay siya
sa mga kursong ito.

Ano sa tingin ninyo ang angkop na


pamagat sa talata?
b. Si Jose Rizal

Mahusay! ang tamang sagot ay b. Si


Jose Rizal

2. Isang natatanging pagdiriwang ang


sunduan. Nagmula ito sa kaugaliang
hindi umaalis sa bahay ang dalaga
nang nag-iisa.Sinusundo at
sinasamahan siya ng kanyang
pinupuntahan. Binubuhay ang
kaugaliaan ito tuwing sasapit ang pista
sa bayan ng Paraňaque.

Ano sa tingin ninyo ang angkop na


pamagat sa talata?

Mahusay! ang tamang sagot ay c.


Sunduan c. Ang Sunduan

3. Kumuha ng dalawang kawayang


magkasinghaba at magkasing laki.
Ibaon sa lupa nang mapatayo.
Tiyaking ang mga ito ay magkapareho
ang taas. Lagyan ng langis ang
dalawang kawayan upang maging
madulas. Dala-dalawa ang kalahok sa
larong ito. Mag-uunahan sa pag-akyat
ang dalawang kalahok na ito.
Sinumang maunang makaakyat sa
itaas o kaya’y sa tuktok, ang siyang
panalo.

Ano sa tingin ninyo ang angkop na


pamagat sa talata?
a.Palosebo
Mahusay! ang tamang sagot ay
a.Palosebo

4. Mahal na mahal tayo ng ating


magulang. Nagsasakripisyo sila upang
tayo’y makapagtapos ng pag-aaral
wala silang hinihinging kapalit sa
kanilang pag-sasakripisyo para sa
atin. Ang ikabubuti ng mga anak ang
unang-una nilang iniisip na kahit kung
minsan ay ikasasama na nila. Iyan
ang pagmamahal ng mga magulang,
walang katumbas at walang kapalit.

Ano sa tingin ninyo ang angkop na


pamagat sa talata?
e.Pagmamahal ng Magulag

Mahusay! ang tamang sagot ay


e.Pagmamahal ng Magulang

5. Ang paaaralan ay maituturing na


pangalawang tahanan. Napapaunlad
nito ang ating karunungan at
kakayahan .Natututo tayo magsulat,
magbasa at magbilang. Dito rin natin
natutunan ang pagiging makatao,
maka-Diyos, makabansa, at
makakalikasan na hanngang paglaki
natin ay hindi na maiwawagli sa ating
mga isipan.

Ano sa tingin ninyo ang angkop na


pamagat sa talata?
d. Pangalawang Tahanan

Mahusay! ang tamang sagot ay


d.Pangalawang tahanan

Mukhang naintindihan ninyong mabuti


ang nakaraan nating aralin.Mahusay!

B. Panlinang na gawain
a. Pagganyak
May ibibigay ako sa bawat pangkat. Ano
ang nakita ninyo?
Mga nagupit na larawan po Bb. Rose.
Tama iyan ay mga nagupit na larawan.
Kung mapapansin niyo kailangan pa itong
isaayos upang malaman kung anong
larawan ito. Bibigyan ko ang bawat grupo
ng limang minuto para buuin ito.

Handa na ba ang lahat?


Opo Bb. Rose
Kung ganoon ay maari na kayong
magsimula.

Ano ang nabuo ng unang grupo?


Masayang mukha po Bb. Rose
Mahusay! Iyan ay larawan ng masayang
mukha

Ano naman ang nabuo ng ikalawang


grupo? Malungkot na mukha po Bb. Rose

Mahusay! Iyan ay larawan ng malungkot


na mukha.

Ano naman ang nabuo ng ikatlong grupo?


Galit na mukha po Bb. Rose
Mahusay! Iyan ay larawan ng galit na
mukha.

Ano naman ang nabuo ng ikatlong grupo?


Gulat na mukha po Bb. Rose
Mahusay! Iyan ay larawan ng gulat na
mukha.

C. Pagtalakay sa aralin

Base sa mga larawang inyong nabuo.


Ano sa tingin ninyo ang mga ito?
Mga emosyon/ reaksiyon po Bb. Rose
Mauhusay ito ay mga reaksiyon ng ating
mukha.

Ano nga ba ang reaksiyon? Sino ang may


ideya kung ano ito?
Ang reaksiyon po ay ang pagbibigay ng saloobin ng
isang tao sa isang paksa.
Mahusay! tama ang iyong sagot.

Ang reaksiyon ay pagbibigay ng saloobin


o ito ay isang damdamin o emosyon na
nagpapakita ng pagsang-ayon o
pagsalungat hinggil sa paksa o isyu.

Naintindihan ba kung ano ang reaksiyon?


Opo Bb. Rose
May mga ipapanuod akong mga balita
mula sa ating bansa gamit ang mga cut
outs ng mga reaksiyon na aking ibibigay
sa bawat grupo, itataas ninyo ito upang
malaman natin ang reaksiyon ng bawat
isa rito.

Handa na ba ang lahat?


Opo, handang handa na po.
Mapapansin nating magkakaiba ang inyong
reaksiyon sa bawat balita at isyu sa ating
bansa.

Maaari tayong magkaroon ng iba’t ibang


reaksiyon sa isang isyu depende sa pananaw
o opinyon ng isang tao

Ano nga ba ang opinyon? Ang opinyon ay


tumutukoy sa kurokuro, paniniwala, sariling
saloobin o mga palagay hinggil sa isang
paksa bagay o pangyayari.

Ngayon naman aalamin natin ang opinion ng


bawat isa sa mga napanuod ninyong balita
V. Pagtataya
Ngayon sagutin naman ninyo ang pangwakas na pagsusulit.
Panuto: Basahin ang mga isyu at ipahayag ang sariling opinyon o reaksiyon. Piliin at isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Pagpupuyat at pagkahilig ng mga kabataan sa paglalaro ng mga Online Games.


A. Dapat tangkilikin ang ganitong klase ng laro.
B. Pabayaan ang mga kabataan ng tangkilikin ang Online Games.
C. Suportahan ang ganitong klase ng laro.
D. Dapat iwasan ang pagkalulong ng mga kabataan sa Online Games.

_____2. Ang COVID 19 nagbigay daan sa mga Pilipino na magkakaroon ng gulayan sa tahanan para
makatipid at makakain ng sariwang gulay.
A. Makapagtinda siya ng gulay sa kanilang lugar.
B. Wala kaming bakuran hindi kami nakapagtanim.
C. Nadagdagan ang trabaho sa tahanan at nakapapagod.
D. Sa halip na lumabas at bumili sa tindahan mamimitas na lang ng sariwang gulay sa
mismong bakuran.
______3. Isyu: Pagkahilig ng mga tao sa Online Shopping sa panahon ng pandemya upang maiwasan ang
pagdami ng kaso ng COVID 19.
A. Maaawa B. Masisiyahan C. Maiiyak D. matatakot
______4. Isyu: Pagbabawal sa paglabas ng bahay ng mga batang may edad 20 pababa sa panahong may
pandemyang COVID 19.
A. Susunod B. Iiyak C. Magrereklamo D. hindi susunod
_____5. Isyu: Isa sa paraan ng pagtuturo ay isasagawa sa himpapawid o radyo.
A. Maiiyak B. Sisigaw C. Malulungkot D. mahihirapan
_____6. Isyu: Pamimigay ng ilang politiko ng gadyet para sa mga mag-aaral.
A. Maaawa B. Magagalit C. Masisiyahan D. matatakot

Panuto: Basahin ang usapan na makikita sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
______7. Ano ang reaksiyon mo sa sinabi ni Romina na ibibinta niya ang matatanggap na isang kilong
baboy at manok?
A. maaawa B. magagalit C. masisiyahan D. matatakot
______8. Ano naman ang reksiyon mo nang sawayin ni Daniela si Romina?
A. maaawa B. magagalit C. matatakot D. masisiyahan

______9. Ano ang iyong reaksiyon tungkol sa kanilang usapan?

Panuto: Basahing mabuti ang balita sa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

_____10.Sa kabuuan, ano ang iyong reaksiyon tungkol dito?


VI. Takdang Aralin

Panuto: Ibigay ang sariling opinyon sa isang usapan. Pakinggang mabuti habang binabasa ng
magulang o kamag- anak. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Prepared by: Checked by: NOTED:

ROSELYN G. MABALON NOEMY M. GABRIEL EDITHA V. BLAS


Teacher-1 Master Teacher I Head Teacher III

You might also like