You are on page 1of 4

Petsa: Nobyembre 26,2018

Para sa/kay:
Mula sa/ kay:
Paksa: ULAT NG PROGRESO NG PAG-AARAL MULA ELEMENTARYA

INTRODUKSYON
Bilang tugon sa inyong hinihingi noong Nobyembre 19, 2018 ang sumusunod ay ang ulat ng
progreso ng pag-aaral mula elementarya para sa pangwakas na pagsusulit.
Sa mga nagdaang taon hindi naging ganun kadali ang pag-aaral lalo na at mas mataas na lebel na
ng pag-unawa ang kinakailangan upang makasabay sa klase. Nariyan ang pagbuo ng thesis na
kinakailangan ng tiyaga at madaming oras upang matagumpay na naisagawa, mga proyekto na dapat
maisumite sa tamang oras, mga pagsusulit na kinakailangan ng dobleng pag-aaral upang mahatak pataas
ang mga garado, at ang presyur ng mahigpit na kompetisyon upang mapanatili ang pwesto sa with
honors ng paaralan. Dahil dito, naisipan kong pag-aralan ang mga progreso ko bilang mag-aaral mula
elementarya hanggang sa kasalukuyan.
Inaasahan ko na pagkatapos kong magbalik tanaw sa mga nakaraang progreso ko ay magamit ko
ito upang mas lalo pang paghusayan ang aking pag-aaral. Hindi mabubuo ang proyektong ito kung wala
ang tulong at pangunguna ni Gng. Aurelia Marcial gayundin ang tulong ng aking nanay na si Emily Diaz at
kapatid na si Erich Mae Diaz na siyang matiyagang naghanap ng mga records na kinakailangan para dito.
Tatalakayin sa ulat na ito ang ilan sa mga pagbabago sa grado ko mula elementarya hanggang sa
kasalukuyan at mga kompetisyong nasalihan ngunit hindi ko na isasama ang mga non-academic
competition na aking nasalihan kagaya na lamang ng isports at hindi ko na isasali ang mga awards mula
grade 7 hanggang 9 sa kadahilanang katulad din lamang ito ng ilan sa mga kompetisyong nasalihan ko
noong grade 10.
DISKUSYON
Mga Naisagawang Gawain
Ang sumusunod ay ilan sa mga napagtagumpayang gawain noong elementarya:
1. Pagbabago ng nakasanayang ugali. Lagi akong napapagalitan noong bata pa ako dahil makulit,
madaldal, at walang pokus sa pag-aaral kung kaya napagisip-isip ko na maging seryoso na sa
pag-aaral at iwasan ang pagiging magulo sa klase. Mahirap lalo na at pabibo talaga akong bata
ngunit habang tumatagal nakasanayan ko na rin hanggang sa lumaki ako.

2. Naging honor student. Magmula ng maging pokus ako sa pag-aaral unti-unti nawala na sa card
ko yung mga line ng 7, tumaas yung mga grado ko na naging dahilan upang maging honor
student ako.

3. Pakikilahok sa ilan sa mga kompetisyon sa paaralan. Nagkaroon ako ng pagkakataon na


makilahok sa mga akademikong kompetisyon gaya na lamang ng Cluster Competition sa Science,
Division Journalism at maging sa larangan ng Home Economics kung saan nakapaguwi ako ng
mga parangal.

Ang sumusunod ay ilan sa mga napagtagumpayang gawain noong Junior High School:
4. Pagiging top student. Grade 7 ako ng magset ako ng goal na kailangan kong maging top 1, sa
una nabigo ako. Mahigpit ang kompetisyon sa loob ng klase naming kung kaya hindi naging
madali ngunit pagdating ng grade 8 nagulat ang ako ng makamit ko iyon. Nasa pinakababa ako
ng ranking tapos biglang taas kung kaya masasabi kong napakalaking achievement noon sa akin.
Nagpatuloy ang pagiging top student ko hanggang sa makapagtapos ako ng Junior High. Mahirap
panghawakan ang title na iyon kung kaya naging nagpokus ako at umiwas sa kahit anong
distruction ng sa ganun hindi ito mawala sakin.

5. Pakikilahok sa kompetisyon sa loob at labas ng paaralan. Nagkaroon ako ng oportunidad na


makilahok sa mga paligsahan mula cluster, division at regionals at ito ang ilan sa mga
napagtagumpayan ko: Champion - Division Technolypics – Children’s Wear Construction,
Champion – 27th National Statistics Month – Quiz Bee, 1st runner up – DAPC and VAWC
Orientation – Poster Making, 1st runner up – Cluster Creative Writing – English, 1 st runner up –
District Journalism- Editorial Writing – English, 2 nd runner up – Regional Technolympics -
Children’s Wear Construction, Champion – 27 th National Statistics Month – Quiz Bee,2nd round
qualifier – Science Quiz Bee.
Mga napagtagumpayan ngayong Senior High School hanggang sa kasalukuyan:
6. Pagiging honor student. Hindi naging madali ang mga taong ito, madaming pressure ang
nangyari na naging dahilan upang mawalan ng pokus sa pag-aaral at syempre bago padin para sa
akin ang environment na meron ako ngayon kaya isang tagumpay na maituturing sa akin ang
mapabilang sa ranking.
Bilang estudyante, layunin ko na magampanan ng mabuti ang mga tungkulin ko bilang mag-
aaral. Nang mag-simula ako sa pag-aaral, hindi naging ganun kaganda ang performance ko sa pag-aaral,
nandyang puro laro at pakikipagdaldalan sa klase ang ginagawa ko sa halip na making sa guro na naging
dahilan ng pagbaba ng grado ko sa Character Education. Dahil dito, napagisip-isip ko na maging seryoso
na sa pag-aaral. Ninais kong makakuha ng matataas na marka kung kaya nag-set ako ng goal na dapat
maging honor student ako pagdating ng araw ng pagtatapos sa elementarya. Dumating ang high school,
dito mas tumaas na ang standard ko pagdating sa mga grades ko kung kaya ninais ko na mahigitan ang
top 1 namin sa klase at nagbunga naman ito.
Habang tumatagal, pahirap ng pahirap na matupad lahat ng mithiin ko bilang estudyante. Nging
pressure sa akin lalo na ng maging top na ako ng klase. Mahirap na i-maintain ang pagiging top 1 lalo na
at mahigpit ang kompetisyon kung kaya madaming bagay ang kinailangan kong i-consider at priorities na
kailangang unahin. Kailangan na maging focus sa pag-aaral at iwasan ang kahit anong uri ng mga bagay
na maaaring makasagabal. Kailangan ng masinsinang pakikinig sa mga tinuturo ng guro at kung
kinakailangang mag-advance study, gawin. Syempre matutupad lamang ang mga iyan kung may
determinasyon, desiplina, tiyaga, sipag, at inspirasyon kung kaya dapat munang madevelop ang mga
kaugaliang ito upang matagumpay na makamit lahat ng mithiin bilang estudyante.
Nakapagtapos ako ng Junior High School na masasabi kong peak ng tagumpay ko sa pagkamit ng
mga pangarap ko. Magmula grade 8 hanggang grade 10 naging consistent top 1 student ako na naging
dahilan para irepresent ko ang aming paaralan sa iba’t- ibang larangan ng school competition at ilan dito
ay ang sumusunod:
 Champion - Division Technolypics – Children’s Wear Construction
 Champion – 27th National Statistics Month – Quiz Bee
 1st runner up – DAPC and VAWC Orientation – Poster Making
 1st runner up – Cluster Creative Writing – English
 1st runner up – District Journalism- Editorial Writing – English
 2nd runner up – Regional Technolympics - Children’s Wear Construction
 Champion – 27th National Statistics Month – Quiz Bee
 2nd round qualifier – Science Quiz Bee
 Champion – School Sports Festival – Volleyball
Sa labing-apat taon na ginugol ko upang mag-aral, marami padin akong gustong tuklasin kung
kaya hindi na siguro masama kung maghahangad pa ako ng lima hanggang walong taon para sa pag-
aaral.

Sa unang araw ng pagsasagawa ng proyekto, nakompleto ang sumusunod:


1. Dokumento. Agarang natugunan ang kahilingan na maipadala ang mga dokumentong
kinakailangan ngunit nagkaroon ng maliit na problema sa paghahanap ng mga record noong
elementarya pa ako sa kadahilanang napailalim na ang mga record na ito sa dati kong paaralan.
2. Draft. Nakabuo ng draft sa kung papaano mabubuo ang proyekto. Napagsama-sama ang mga
kinakailangang impormasyon at diskusyong kailangang punan.
Sa ikalawang araw, natapos ang mga sumusunod:
3. Pag-encode. Nabuo at natapos ang proyekto

You might also like