You are on page 1of 18

NOT

9
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul 4
Pagsulat ng Tanka at Haiku

Department of Education ● Republic of the Philippines


Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 2, Wk.2 - Module 4: Pagsulat ng Tanka at Haiku

First Edition, 2020


Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro


Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V
Development Team of the Module
Author: Fay A. Razo
Reviewers/Evaluators/Editors: April L. Echiverri at Angelina M. Pacquiao
Illustrator and Layout Artist: (________________________)
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, OIC-CID Chief


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

ii
9
Filipino
Ikalawang Markahan- Modyul 4
Pagsulat ng Tanka at Haiku

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by select teachers, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of
the Department of Education - Division of Iligan City. We encourage teachers
and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education-Iligan City Division at
iligan.city@deped.gov.ph or Telefax: (063)221-6069.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

iii
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 1
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 3
Balikan ……………………………… 4
Tuklasin ……………………………… 5
Suriin ……………………………… 5
Pagyamanin ……………………………… 8
Isaisip ……………………………… 8
Isagawa ……………………………… 9
Buod ……………………………… 10
Tayahin ……………………………… 11
Karagdagang Gawain ……………………………… 11
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 12
Sanggunian ……………………………… 13

iv
Modyul 4
Pagsulat ng Tanka at Haiku
Pangkalahatang Ideya
Pagkatapos na mapag-aralan ang lahat ng detalye, kaisipan at
konsepto kaugnay sa tanka at haiku ay dito na magagamit mo ang lahat ng
iyon. Dahil ikaw na mismo ang magsusulat ng iyong sariling tanka at haiku.
Ikaw ay isa ng makata magsimula man sa simpleng paksa at payak na
pamamaraan.
Ihanda na ang sarili sa pagharap sa talakayan at sa mga gawaing nasa
loob ng modyul na ito. Baka sa modyul na ito ay mas makilala mo pa ang
iyong sarili na may angkin kang galing sa pagsulat ng ganitong anyo ng
akdang panitikan- ang tanka at ang haiku.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nakatuon sa pagsulat ng payak na tanka at haiku
na may tamang anyo at sukat. Nilalaman ng modyul na ito ang pagbabalik-
tanaw sa naunang mga paksang natalakay na may kaugnayan sa
kasalukuyang kasanayan na nililinang ng modyul na ito. Kasunod nito ay ang
mga gawain at ang talakayan ng paksa na siyang pokus ng modyul na ito.
Ang mga talakayan at gawain na nasa loob ng modyul na ito ay nakapokus sa
kasanayan na: Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at
sukat.

Alamin

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay:


1. Makasusulat ng payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat
(F9PU- IIa-b-47).
2. Makapagbibigay paliwanag kung paano isusulat ang tanka at haiku na may
tamang anyo at suka.
3. Mailalarawan ang mga halimbawang tanka at haiku kung ang mga ito ba ay
nasa tamang anyo at sukat.
4. Matutukoy ang tamang sukat at anyo ng mga tanka at haiku.

Pangkalahatang Panuto
Upang makamit ang mga inaasahan, kailangang gawin mo ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga katuturan ng tanka at haiku upang
makasusulat ng sariling akda na may tamang anyo at sukat.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

1
Icons na Ginagamit sa Modyul
Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Subukin Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Balikan Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Tuklasin Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


pamamagitan ng iba’t ibang gawain.

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

2
Tayahin Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong natutunan
ayon sa pokus na kasanayan sa modyul na ito.

Susi ng Ito ang bahagi ng modyul na matatagpuan ang


Pagwawasto mga sagot sa mga gawain at pagsasanay na
inihanda.

Subukin
A.Panuto: Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay maikling awitin na puno ng damdamin.
a. Soneto b. Tanka c. Haiku d. Nobela
2. Ang haiku ay tinatawag ding ________.
a. Mas pinagandang tanka b. Mas pinahabang tanka
c. Mas pinaikling tanka d. Wala sa nabanggit
3. Ang dalawang madalas na mga paksa ng haiku ay ang ________.
a. kalikasan at pag-ibig b. kamatayan at pag-ibig
c. kaibigan at pag-iibigan d. kaligayahan at pag-ibig
4. Anong damdamin ang namamayani sa tanka ni Ki No Tomonori?
a. pagmamahal b. galit c. pagtitimpi d. wala sa nabanggit
5. Ang layunin ng mamakata sa pagsulat ng kanyang mga tula ay ________.
a. maliwanagan ang mambabasa b. matutong sumulat
c. maaliw ang mambabasa d. lahat ng nabanggit

B.Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.
1. Paano isusulat ang tanka na may tamang anyo at sukat? (5 puntos)
2. Paano isusulat ang haiku na may tamang anyo at sukat? (5 puntos)

3
Aralin

Paano ang Pagsulat ng Payak


1 na Tanka at Haiku?

Balikan

Ang Tanka at Haiku


Balikan muna natin ang mga paksa at kasanayan na naging sentro ng mga
sinundang modyul. Binigyang diin ang mga mahahalagang konsepto, kaalaman at
detalye tungkol sa tanka at haiku.
Land of the Rising Sun ang bansang Hapon na nasa Silangang Asya na
tinaguriang isa sa pinakamaunlad na bansa pagdating sa ekonomiya at teknolohiya.
Ipinapakilala ng mga Hapones ang mga salitang samurai, animè, manga at marami
pang iba. Tunay ngang malikhain ang mga Hapones hindi lamang sa teknolohiya
kundi pati na rin sa panitikan tulad na lamang ng kanilang tanka at haiku.
Ang tono o intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring
makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay
kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating
pakikipag-usap sa kapuwa. Nagpalilinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid
sa kausap tulad ng pag-awit.
Ang talinghaga ay nagpapagalaw ng guniguni ng mga mambabasa, likas na
taglay ng tula, pagpili ng salita at tayutay na nagbibigay ng kariktan sa isusulat na
tanka at haiku. Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na
binabanggit. Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan
ng tula, halimbawa nito ay nag-agaw buhay at nagbabanat ng buto.
Ang lahat ng inyong natutunan sa nagdaang mga aralin ay dito na sa modyul
na ito magagamit o magkaroon ng aplikasyon dahil ikaw na mismo ang gagawa ng
iyong sariling tanka at haiku. Kaya maging handa ka na sa bagong kaalaman at
hamong dala ng modyul na ito.

4
Tuklasin

Handa ka na ba? Alam kong masisiyahan ka sa mga matutuklasan mo habang


pinag-aaralan ang araling ito. Ang bawat akdang ating nabasa lalo na ang mga tula
ay may kanya-kanyang anyo at sukat kung paano ito bubuuin. Kaya, matutulungan
kang madagdagang kaalaman mo sa araling ito.

Gawain 1
Panuto: Magbigay ng sariling paglalarawan kung paano masasabi na ang tanka at
ang haiku ay nasa tamang anyo at sukat ang pagkakasulat nito. Pagkatapos ay
sagutin ang kasunod na mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Tanka Haiku

1. Bakit mahalagang magkaroon ng sukat sa pagsusulat ng tanka at haiku?


2. Paano masasabi na ang sinusulat na tanka at haiku ay nasa tamang anyo?

Suriin

Anyo at Sukat ng Tanka at Haiku


Tanka:
Maikling awitin ang anyo. Ito ay 31 pantig na may 5 taludtod
karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay 7-7-7-5-5- at 5-7-5-7-7 o
maaring magkakapalit din na ang kabuuan ng pantig ay 31 pa rin. Ang paksa
nito ay pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa . Nagpapahayag ito ng masidhing
damdamin na naging daan upang magpahayag ng damdamin ang isa’t isang
nagmamahalang babae at lalaki.

Haiku:
Mas pinaikling tanka. Ang anyo nito ay karaniwang binubuo ng 17 ang
bilang ng pantig na may tatlong taludtod. Maaring ang hati ng pantig sa mga
taludtod ay 5-7-5 o maaring magkakapalit-palit din na ang kabuuan ng pantig
ay 17 pa rin. Ang paksa nito ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig.
Nagpapahayag pa rin ng masidhing damdamin.
Ang dalawang anyo ng tulang ito ay pinahahalagahan ng panitikang
Hapon na kung saan lumabas sa ikawalong siglo ang tanka at ang haiku
5
naman ay noong ika-15 siglo na may layong pagsasama-samahin ang mga
ideya sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ang mga salita na ginagamit ay maaring sagisag ng isang kaisipan.
Halimbawa:
-kawazu- “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol
-shigure- “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”

• Mga Halimbawa ng Tanka at Haiku

Tanka ni Ki no Tomonori
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Hapon:
Hi – sa – ka – ta no
Hi – ka – ri no – do – ke – ki
Ha – ru no hi ri
Shi – zu ko – ko – ro na – ku
Ha – na no chi – ru – ra – mu

Ingles:
This perfectly still
Spring day bathed in soft light
From the spread-out sky
Why do the cherry blossoms
So restlessly scatter down?

Filipino:

Payapa at tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang cherry blossoms
Naging mabuway?

Haiku ni Basho
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Hapon:
Ha – tsu shi – gu – re
Sa – ru mo ko – mi – no wo
Ho – shi – ge na – ri

6
Ingles

An old silent pond…


A frog jumps into the pond,
Splash! Silence again .

Filipino:
Matandang sapa
Ang palaka’y tumalon
Lumalagaslas

Sipi mula sa Slideshare ni Ghie Maritana


Samaniego mula din kay M O Jocson

Iba pang halimbawa:

Tanka:
Natakot at nangamba
Panahong kinaharap
Maraming sawi
Sana ay hindi nalang
Ako nandito

Haiku:
Mahal kong bayan
Pandemya’y naranasan
Kayang lampasan

7
Pagyamanin

Gawain 2
Panuto: Isulat sa loob ng talahanayan ang sukat at anyo ng tanka at haikung
ibinigay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Mga Halimbawa Tula Sukat Anyo
ng mga Hapon
1.Tanka
Natakot at nangamba -------
-------
Panahong kinaharap
Maraming sawi -------
Sana ay hindi nalang -------
-------
Ako nandito
2.Haiku
Mahal kong bayan -------
Pandemya’y naranasan -------
Kayang lampasan -------

Isaisip

Gawain 3
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Anong damdamin ang nangingimabaw sa ilang halimbawa ng tanka at
haiku na tinalakay? Ganito din ba ang iyong naramdaman? Bakit?
2. Ano ang karaniwang paksa ng nabanggit na mga tanka at haiku? Ano ang
nais ipahiwatig nito?
3. Paano nakakatutulong ang tanka at haiku sa pagpapakilala ng kultura ng
bansang pinagmulan nito?
4. Kung ikaw ay susulat ng ganitong uri ng tula ano ang paksang nais mong
talakayin? Ipaliwanag.

8
Isagawa

Gawain 4
Panuto: Sumulat ng sariling tanka at haiku batay sa sumusunod na mga imahe.
Iugnay sa iyong sariling karanasan at bigyan ito ng angkop na pamagat. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Tanka 1.

Pamagat: _________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Tanka 2.

Pamagat: _________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

9
Haiku 1.

Pamagat: _________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Haiku 2.

Pamagat: _________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Buod

Ayon sa kaalamang sinabi ni M.O. Jocson na binanggit ni Ghie Maritana


Samaniego na ang tanka at haiku ay mga tulang pinangangalagaan ng Panitikang
Hapon na lumabas noong ika-7 siglo at ika-15 siglo. Ang tradisyunal na tanka ay
binubuo ng 31 pantig 5 taludtod na pumapaksa ng pagbabago, pag-ibig at pag-iisa
at nagpapahayag ng masidhing damdamin. Samantalang ang haiku ay binubuo ng
17 pantig 3 taludtod na tinatawag ding mas pinaikling tanka. Ito naman at
pumapaksa tungkol sa kalikasan at pag-ibig na kung saan nagpapahayag din ng
masidhing damdamin. Mahalagang masunod ang panuntunan sa pagsulat ng mga
ito upang mapanatili ang orihinalidad nito ayon sa bansang pinanggagalingan. Ito ay
isa rin sa paraan ng pagtuklas ng kultura at kasaysayan ng bansang pinagmulan ng
mga mga tanka at haiku na naisulat sa iba’t ibang bansa. Maaari rin na ang
ganitong uri ng sining ang maging daan sa pagpapahayag ng sariling damdamin at
saloobin.

10
Tayahin

A.Panuto: Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.


1. Ito ay maikling awitin na puno ng damdamin.
a. Soneto b. Tanka c. Haiku d. Nobela
2. Ang haiku ay tinatawag ding ________.
a. Mas pinagandang tanka b. Mas pinahabang tanka
c. Mas pinaikling tanka d. Wala sa nabanggit
3. Ang dalawang madalas na mga paksa ng haiku ay ang ________.
a. kalikasan at pag-ibig b. kamatayan at pag-ibig
c. kaibigan at pag-iibigan d. kaligayahan at pag-ibig
4. Anong damdamin ang namamayani sa tanka ni Ki No Tomonori?
a. pagmamahal b. galit c. pagtitimpi d. wala sa nabanggit
5. Ang layunin ng mamakata sa pagsulat ng kanyang mga tula ay ________.
a. maliwanagan ang mambabasa b. matutong sumulat
c. maaliw ang mambabasa d. lahat ng nabanggit

B.Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.
1. Paano isusulat ang tanka na may tamang anyo at sukat? (5 puntos)
2. Paano isusulat ang haiku na may tamang anyo at sukat? (5 puntos)

Karagdagang Gawain
Gawain 5
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang kahalagahang maidudulot sa pagsusulat ng tanka at haiku sa iyo?
2. Ano ang maipapayo mo sa mga kabataang tulad mo na nahihirapan sa
pagsusulat ng ganitong uri ng mga akdang pampanitikan?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang pagsusulat ng tanka at haiku?

11
Susi sa Pagwawasto

Subukin
A.
1. b
2. c
3. a
4. a
5. d
B. Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot
Tuklasin
Gawain 1. Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot
Pagyamanin
Gawain 2. Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot
Isaisip
Gawain 3. Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot
Isagawa
Gawain 4. Ibabatay sa rubrik ang pagbibigay ng iskor
Kraytirya Ganap na Bahagyang Hindi
Naisagawa Naisagawa Naisagawa
(5) (4) (3)
1.Organisasyon sa pagkakasulat
ng tanka at haiku
2.Kaangkupan ng mga salitang
ginamit
3.Naging malinaw ang batayan ng
pagkasulat
4.Magkakaugnay ang pamagat at
ang nilalaman ng tula
5.Tamang bilang ng sukat batay
sa uri ng tula
Tayahin
A.
1. b
2. c
3. a
4. a
5. d
B. Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot
Karagdagang Gawain
Gawain 5. Nasa guro ang pagpapasya kung ano ang tamang sagot

12
Sanggunian

Peralta, Romulo N., et.al. Panitikang Asyano Kagamitan ng Mag – aaral sa Filipino
9. Department of Education- nstructional Materials Council Secretariat, Pasig City:
Vibal Group Inc., 2013.

Internet:
https://www.google.com/search?q=covid&tbm=isch&tbs=sur%3Afc&hl=en&ved
6/14/2020

https://www.google.com/search?q=tourist+spots+iligan+city&tbm=isch&ved
6/14/2020

https://www.needpix.com/photo/download/623768/mothers-day-mother-heart-board-
gratitude-love-thank-you-connectedness-emotion 6/14/2020

https://www.slideshare.net/andreatiangco9/malikhaing-pagsulat-tula 6/28/2020

https://www.slideshare.net/KairaGo/elemento-ng-tula-87431826/28/2020

https://www.wallpaperflare.com/reality-work-4k-dream-popular-quotes-inspirational-
achieve-wallpaper-qgpgv 6/14/2020

Slideshare.net/mobile/ghiemaritana/tanka-at-haiku-523881122 6/28/2020

Slideshare.net/mobile/ghiemaritana/tanka-at-haiku-523881122 6/28/2020

13
For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

14

You might also like