You are on page 1of 2

“Kapag Maagap, Angat ka!


Tekstong Persuweysib

Nais natin makamtam ang kalidad na edukasyon lalo na sa mga


kabataan. Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay
at mga impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan
ay ang pangunahing layunin ng edukasyon. Maganda ang naidudulot
ng pag-aaral sa atin, bagkus inihuhulma tayo nito upang magkaroon
tayo ng magandang kaisipan at pakikisalamuha sa iba na siyang
nagdudulot ng pagkaunlad ng ating bansa. Kaya’t mahalagang
pagtibayin na’tin ang kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng
pormal na programa na ating tatalakayin. Hinihikayat ko ang bawat
isa na matuto at makinig sa diskusyon ukol sa edukasyon.

Naglalayon ang Pre-K Education Program at Learner’s kit ng


maayos at progresibong paraan upang mabigyan ang bawat kabataan
espesipiko sa lungsod ng Makati ng kalidad na edukasyon lalo na
sa panahon ng pandemya. Angkop dito ang mga pangunahing
pangangailangan sa pag-aaral. School supplies at iba pang mga
personal hygiene kit para sa kalusugan. Ito’y makakatulong sa
maayos na paghahanda ng mga estudyante sa pandemyang ito.

Maging daan sana itong nasabing impormasyon sa buong bansa


upang hindi lamang sa lungsod ng Makati ang magkaroon ng ganitong
klase ng programang pang edukasyon upang mahikayat ang bawat
lungsod sa bans ana gawin rin itong program ana ito. Hindi lamang
kalidad na edukasyon ang maidudulot nito, bagkus ang
pagpapalaganap ng pagkakaroon ng magandang kinabukasan ng mga
kabataan. Lalo na’t ang mga kabataan ay ang pag asa ng ating
bansa.
Ating pagtibayin ang pakikibahagi sa anumang programa ng
eskuwelahan. Nakatitiyak tayo na ang pagpapalaganap ng kalidad na
edukasyon sa mga bata ay magsisimula kung tayo ay nakikibahagi sa
mga programang pang edukasyon.

Lubos ang aking kagalakan sa mga programa tulad nitong Pre-


k Curriculum. Sapagkat, taglay nito ang ikabubuti ng bawat
pilipinong mag-aaral hindi lamang ang kanilang kinabukasan, pati
na rin ang kinabukasan ng ating bansa. Kung kaya’t lahat tayo ay
makibahagi, mag-aral ng mabuti, at pahalagahan ang mga programang
inilulunsod ng bawat sector ng edukasyon para sa atin.

Ang pagkakaroon ng kalidad na edukasyon ay ang pagkakaroon


rin ng matagumpay na buhay. Ating simulan ito at paghandaan.
Gawing prayoridad ang edukasyon lalo na sa mga kabataan dahil
kapag maagap ka, angat ka.

You might also like