You are on page 1of 31

ARALIN 2: PANITIKAN HINGGIL SA KAHIRAPAN

PANITIKAN
– Ang panitikan ay nagsasabi o
nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,
mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At
ito rin ang
pinakapayak na paglalarawan lalo na sa
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

Kahirapan
– Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o
katayuan ng isang tao na walang isang halaga
ng mga pag-aaring materyal o salapi.

Ating bigyang-sulyap ang lahat ng limang


malalaki.

Kawalang-Kaalaman:
Ang kawalan ng kaalaman ay
nangangahulugan ng kakapusan sa impormasyon o
kahibalo. Iba ito sa pagiging bobo na ang ibig
sabihin ay kakapusan ng talino. Iba rin ito sa pagiging
tanga o hangal na kakapusan naman sa karanasan.
Madalas kasi na ang tatalong ito ay napapagpalit-
palit at madalas inaakala ng mga tao na iisa
lamang ang kahulugan nila.
"Ang kaalaman ay kapangyarihan," ayon sa
kasabihan. Ang malungkot lamang, alam ito ng ibang
mga tao ngunit mas ninanais nila na sarilin ang kanilang
kaalaman (bilang isang kasangkapan sa pagkuha ng
lamang sa ibang tao), at kanila pa itong itinatago mula
sa ibang tao. Huwag mong asahan na kapag ikaw
ay nagturo sa isang tao ng kasanayan o
nagbigay ka kaya ng impormasyon sa kanya
ay kusang kakalat ang impormasyon o kasanayan
na iyon sa buong pamayanan.
Mahalaga na malaman at maintindihan kung
anong impormasyon ang hindi napaloob. Maraming
nagpla-plano at matatalinong mga tao ang naniniwala
na kung nais mong tulungan ang isang pamayanan na
lumakas, ito ay nakasalalay sa edukasyon. Ngunit
ang edukasyon ay maraming mga mukha at bagay.
Ang ibang mg impormasyon ay maaaring hindi
mahalaga sa kung ano ang sitwasyon sa isang
pamayanan. Hindi makakatulong sa isang
magsasaka na malaman na sina Florante at Laura
ay may masalimuot na pag-iibigan. Mainam pa ang
pag-alam sa kung anong uri ng buto ng halaman ang
maaaring mabuhay sa kanilang lupang sinasaka at
ano ang hindi na dapat pang itanim pa.
Ang pagsasanay sa mga serye ng dokumento sa
pagbibigay-kapangyarihan sa pamayanan ay
naglalaman rin ng pagtatawid ng kaalaman. Hindi ito
katulad ng isang pag-aaral na makikita sa silid-aralan
na kung saan ay may sinusunod na mga alituntunin
ayon sa antas ng kaalaman ng mag-aaral. Dito ay
itinutuon ang pag-aaral sa mga kaalaman sa kung
papaano magkakaroon ng kakayanan na lalo pang
lumakas ang isang pamayanan.

Sakit:
Kapag ang isang pamayanan ay may
mataas na antas ng pagkakasakit, mas madalas
ang pagliban sa trabaho, mas mababa ang
producksiyon, at mas maliit na kita ang nagagawa.
Maliban sa mga bagay na hatid ng mga sakit, tulad
ng paghihirap, kawalan ng saya, at kamatayan, ito
rin ay isang malaking sangkap sa paghihirap na
nadarama ng isang pamayanan. Ang pagging malusog
ay hindi lamang nakatutulong sa isang tao upang
mamuhay ng maayos. Ito rin ay nakakaragdag sa
pag-alis ng kahirapan sa isang pamayanan.
Kahit saang lugar man, ang pag-iingat ay mas
mainam na pansangga sa mga sakit kaysa sa mga
gamot. Ito ay isa sa mga pangunahing isinusulong ng PHC
(primary health care o pangunahing pangangalaga sa
kalusugan). Ang ekonomiya ay mas masagana kung
ang mga tao ay malulusog; mas higit kaysa kung ang
tao ay nagkakasakit at kailangang gamutin. Ang
kalusugan ay tumutulong upang maalis ang kahirapan,
na mas lalong naipapakita sa pagkakaroon ng ligtas at
malinis na maiinom na tubig, pagkakaroon ng maayos
na sanitasyon o pagkakahiwalay ng mga dumi sa
pinagkukunan ng tubig, kaalaman sa kalinisan at pag-
iwas sa mga sakit. Ang mga ito ay nakahihigit
kaysa sa pagkakaroon ng mga klinika, mga doktor at
mga gamot na alam naman nating may kamahalan.
Mas makakatipid ang pamayanan sa pagkakaroon
ng kaalaman sa pag-iwas sa mga sakit.
Tandaan na mas nakatuon angpansin natin sa
mga sangkap, hindi sa mga pinagmumulan. Hindi na
mahalaga kung ang TB o tuberkolosis man ay dala ng
mga dayuhang-puti na unang nakipagkalalakal sa
ating mga ninuno o ang sakit na ito ay likas na sa ating
lugar. Hindi na mahalaga kung ang HIV na siyang
nagdadala ng sakit na AIDS ay sanhi ng CIA (Central
Intelligence Agency ng Amerika) dahil sa kagustuhan nilang
gumawa ng sandatang bayolohikal, o kung ito man ay
galing sa mga berdeng mga unggoy sa mga sopas. Ang
lahat ng nabanggit ay maaaring mga pinanggalingan
ng mga sakit. Ang pag-alam sa pinaggalingan ng sakit
ay hindi mag-aalis ng mga sakit. Ang pag-alam sa
mga sangkap na nagdudulot ng sakit ay
makapagbibigay ng tamang direksiyon tungo sa mas
mainam na kalinisan at tamang asal sa kalusugan.
Ang mga ito ay tuluyang makapag-aalis ng sakit.
Maraming mga tao ang naniniwala na ang
pagkakaroon ng pag-aalagang pangkalusugan mula sa
mga mnamumuno ay isang karapatan ng tao.
Nakapaloob rito ang pagtanggal ng sakit at paghihirap
at mas mataas na kalidad ng pamumuhay ng mga tao.
Ang lahat ng mga ito ay isang balidong katwiran na
siyang nagpapalawig ng kalusugan ng mga tao. Ang
pinagtatalunan rito ay ang katwiran na ang malusog
na mamamayan ay nakakatulong sa pag-alis ng
kahirapan, at hindi dapat sukatin lamang ang
kahirapan sa antas ng pagkakaroon ng sakit at
kamatayan. Tandaan rin ang mga sakit ay
nakararagdag sa iabng mga porma at aspeto ng
kahirapan.

Kawalang-Pagpapahalaga:
Ang kawalang-pagpapahalaga ay
nangyayari sa tao kapag nawalan na sila ng
pakialam, o kung pakiramdam nila ay wala silang
kapangyarihan upang mabago ang mga bagay
sa paligid nila, na itama ang isang kamalian o
pagkakamali, o kaya ay gawing mas mainam ang
ayos ng kanilang pamumuhay.
Minsan, ang mga tao ay nakararamdam na hindi nila
makakamit ang isang bagay. Madalas rin na
nakararamdam sila ng selos o inggit sa mga kamag-
anak o tao sa pamayanan na nagsisikap na
makamit ang mga bagay na hindi nila masubukang
kamtin. Pagkatapos ay pinipilit nilang ibagsak ang taong
nagsisikap upang maging katulad nilang naghihirap rin. Ang
pagiging walang pakialam ay nagbubunga ng
kawalan ng pagpapahalaga.
Minsan, ang kawalan ng pagpapahalaga ay
tama ayon sa relihiyong pinaniniwalaan, "Tanggapin
kung ano ang nandiyan, dahil itinakda na ng Diyos ang
iyong kapalaran." Ngunit ang ganyang paniniwala
ay maaaring maabuso o gamitin sa mali. Tama
lamang na maniwala na ang Diyos ang nagtakda ng
iyong kapalaran, kung ating tatanggapin na ang Diyos
ay maaaring magpasya na kailangang iahon natin
ang ating sarili sa kahirapan sa pamamagitan ng
pagsisikap."Manalangin sa Diyos, ngunit patuloy pa ring
sumagwan patungo sa katihan," isang kasabihan ng
mga Ruso, na nagpapakita na tayo ay nasa mga
kamay ng Diyos, ngunit mayroon rin tayong
pananagutan sa ating mga sarili.
Tayo ay nilikha na mayroong mga
kakayanan at abilidad: upang mamili, upang
makipagtulungan, upang maging maayos para sa
ikauunlad ng antas ng ating mga buhay; hindi natin
dapat gamitin ang Diyos o si Allah upang huwag ng kumilos
pa. Iyan ay masama tulad ng isang sumpa mula sa
Diyos. Marapat na ating purihin ang Diyos at gamitin ang
angking kakayanan na nagmula sa Kanya.
Sa laban kontra sa kahirapan, ang isang
tagapagpakilos ay gumagamit ng panghihikayat at
pagpupuri, upang ang mga tao ay (1) magkaroon ng
kagustuhan at (2) at matuto kung papaano ang gagawin
─ sa tamang pagpapatakbo ng kanilang sariling mga
buhay.

Hindi Mapagkakatiwalaan:
Higit pa sa usaping moral ang naganap kapag ang
mga dapat magamit na mga bagay para sa
serbisyo o pasilidad ng isang pamayanan ay
napunta lamang sa bulsa ng mga taong nasa
kapangyarihan. Sa mga serye ng pagsasanay na
ito, hindi natin binibigyan ng husga kung ito ba ay
tama o mali. Atin lamang ipinupunto na ito ay isa sa
mga malaking dahilan ng kahirapan. Kawalan ng
tiwala sa mga taong dapat ay binibigyan ng
tiwala, mga taong nasa poder at kapangyarihan. Ang
halaga na ninakaw sa masa, na siyang najuha at
tinatamasa ng taong kumuha, ay malayo kaysa
sa pagliit ng kayamanan na siyang dapat na
nakalaan para sa masa.
Ang halaga ng salapi na sapilitang kinuha o
kaya ay winaldas ay hindi ang halaga ng
pagpapababa ng kayamanan para sa isang
pamayanan. Sinasabi ng mga Ekonomista ang tungkol
sa "multiplier effect" o epektong-pangmaramihan. ito ay ang
katotohanang higit pa sa bagay na kapalit ng salapi
o bagay na ipinunla sa isang pamayanan ang
makukuha, sapagkat ang ekonomiya mismo ang siyang
magkakaroon ng positibong epekto sa ginawang pagpupunla.
Kapag ang ipinunla na salapi o bagay ay inalis ng
tuluyan sa sirkulasyon ng pagpupuhunan, ang halaga ng
kayamanan na naialis sa pamayanan ay higit
pa sa halaga ng nakuha ng isang nagwaldas. Kapag
ang isang tauhan o opisyales ng pamahalaan ay
kumuha ng 100 pisong suhol, ang puhunan para sa
pangkalahatan ng pamayanan ay
nababawasan ng hanggang 400 piso para sa
kayamanan ng lipunan.
Nakalulungkot isipin na tayo ay nagagalit kapag
ang isang simpleng magnanakaw ay nanguha ng 10
pisong halaga ng bagay mula sa isang palengke,
samantalang ang isang opisyal ng pamahalaan ay
nakapagnanakaw ng libo-libo hanggang milyung-
milyong pisong halaga ng salapi mula sa kaban ng
bayan. Ang halagang nananakaw na ito mula sa
kaban ng bayan ay may katumbas na apat
na beses na pagkasira sa lipunan sa kabuuan, ngunit
hindi natin sila napapansin o nahuhuli kaya. Iyan ay
sapagkat ating iginagalang, pinangingilagan ang mga
ganitong uri ng tao dahil sa kanilang kayamanan at
madalas nga ay pinupuri pa nating sila kapag sila
ay nakakatulong sa kanilang mga kamag-anakan o
kababayan. Sa isang simpleng magnanakaw, pulis
ang ating inaasahan upang sila ay mahuli,
samantalang sa isang magnanakaw na opisyales
ay halos 'bulag' ang ating hustisya.
Ang mga ganitong opisyales na hindi
mapagkakatiwalaan ang siyang malaking dahilan ng
kahirapan samantalang ang simpleng magnanakaw
ay isang biktima ng kahirapan na gawa ng opisyales
na hindi magnanakaw. Ang nabanggit na sitwasyon
ay higit pa sa isang nakalulungkot na kaisipan; iyon
ay isang sangkap na nagpapatagal ng kahirapan.
Kapag ating binibigyang gantimpala (sa
pamamagitan ng pagtingala sa kanilang estado sa
buhay bilang mayaman) ang mga magnanakaw
sa gobyerno na siyang malaking sangkap ng
kahirapan, at pinarurusahan lamang ang mga maliliit
na magnanakaw (na siyang tunay na biktima ng
mga pangyayari), tayo ay may pag-uugali na
siyang lalong nagpapalala ng kahirapan. Kapag ang
ninakaw na pera ng bayan ay inilabas ng
bansa at inilagak sa isang dayuhang (halimbawa
ay sa mga Swiso) bangko, hindi na ito nakakatulong sa
pambansang ekonomiya; tinutulungan lamang nito ang
bansang nagpapatakbo ng mga naturang mga
bangko.

Pagiging Palaasa:
Ang pagiging palaasa ay nagiging bunga ng
pagtanggap ng limos o awa. Kung minsan, ang
pagtanggap ng limos ay hindi masama, kung ito ay
nagaganap para sa panandaliang pagsagip ng
buhay. Ang halimbawa ay kung makalipas ang
isang sakuna o kalamidad. Ngunit kung ang pagtanggap ng
limos ay gaganapin sa mahabang panahon, ito ay
maaaring makasama ng tuluyan sa tumatanggap, at
lalo lamang nagpapalaganap ng kahirapan.
Isang ugali, o paniniwala na ang kung ang isang
tao ay napakahirap at walang kakayanan at
hindi niya kayang tulungan ang kanyang sarili ay
kailangang umasa na lamang siya sa tulong mula sa
ibang tao. Ganoon rin ang nangyayari sa isang lugar
na may kahalintulad na ugali o paniniwala. Ang
malungkot, ang ganyang ugali at ang magkakaparehong
maling paniniwala ang siyang pinakamalaking
katwiran sa sarili upang mapanatili ang antas ng tao o
grupo ng tao na umasa na lamang mula sa tulong ng iba.
Marami pang ibang mga dokumento at sulatin sa
web site na ito na tumatalakay sa pagiging
palaasa Tignan: Pagiging Palaasa, at Paglantad ng
mga Nakatagong mga Pagkukunan. Kapag ipapakita
kung papaano gagamitin ang paglalahad ng mga
istorya o kuwento upang mas mainam na maiparating
ang mga mahahalaganag mga prinsipyo o paniniwala
ng pag-unlad, tignan ang istorya ni Mohammed at ang Tali.
Ito ay ginagamit bilang isang magandang
pagpapakita ng prinsipyo na ang tulong ay hindi dapat
isang uri ng limos na maaaring magpahina ng
kakayanan, at mas lalong maghikayat ng pagiging
palaasa. Ang dapat na tulong na binibigay ay
iyung nagbibigaykapangyarihan.
Ang metodolohiya ng pagbibigay-kapangyarihan
sa isang pamayanan ay isang alternatibo o kapalit
sa pagbibigay-limos (na nagpapahina). Ito ay
nagbibigay tulong o asistiya, kapital at
pagsasanay na nakatuon sa mga may maliliit na
kitang mga pamayanan, pagkilala ng kanilang mga
pagkukunan-yaman at sariling-pagpapatakbo ng
kanilang sariling kaunlaran--pagiging may-
kapangyarihan sa madaling salita. Madalas, kapag
ang isang proyekto ay nakatuon sa pagpapakilala at
pagpapa-unlad ng pagtayo sa sariling mga paa ng
isang pamayanan sa pamamagitan ng
pagpapataas ng kaalaman at kamalayan ng mga
tao, inaakala na ang proyekto ay dumating para
lamang sa pagpapatayo o paglalagay ng isang
pasilidad o serbisyo sa isang pamayanan.
Bilang isa sa mga limang-malalaking sangkap ng
kahirapan, ang pagiging palaasa ay isa sa mga
pinakamalapit na inaalala ng isang tagapagpakilos
sa isang pamayanan.

Kabuuan:
Itong limang sanhi ay hindi nagsasarili sa bawa‘t
isa. Ang karamdaman ay tumutulong sa
kamangmangan at kawalang-damdamin. Ang
panlilinlang ay tumutulong sa karamdaman at
pagpapakalinga. Kapwa sila tumutulong sa bawa‘t
isa.
In any social change process, we are encouraged to "think
globally, act locally." The Big Five factors of poverty
appear to be widespread and deeply embedded in cultural
values and practices. We may mistakenly believe that
any of us, at our small level of life, can do nothing about them.
Huwag malungkot o mawalan ng pag-asa. Kung ang
bawat isa sa atin ay magkakaroon ng sariling
paglalaan upang malaban ang kahirapan sa kahit
anong mukha nito sa ating buhay, tayo ay
makapag-aambag upang mapuksa ang mga sangkap
ng kahirapan na nabanggit para sa tunay na
tagumpay laban sa kahirapan. Ito ay sa
pamamagitan ng pagsasama-sama ng lahat ng
paggawa ng bawat tao na may parehong layunin,
isama pa ang epekto nito na makikita sa ibang mga tao
na maaaring tumulad sa ating mga ginagawa para
sa iisang layunin: pagpuksa ng kahirapan.
Ang mga materyales ng pagsasanay sa web
site na ito ay nakatuon sa pagpapaliit ng antas ng
kahirapan sa dalawang antas, (1) pagpapababa
ng kahirapan sa pamayanan sa pamamagitan ng
pagpapakilos ng mga tao o grupo ng tao sa isang
pamayanan upang sila ay magkaisa, bumuo kilusan
at kumilos para sa sama-samang pagkilos ng
pamayanan, at (2) pagpapababa ng kahirapan
sa sarili sa pamamagitan ng paggawa upang
magkaroon ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng
pagpapaunlad ng mga maliliit na negosyo.
Ikaw, bilang isang tagapagpakilos ay nasa
isang mahalagang posisyon upang magkaroon ng epekto
sa limang-malalaki na mga sangkap ng kahirapan.
Sa paggamit ninyo ng inyong mga kasanayan at
pagpapakilos para sa pagpapababa ng
kahirapan, makakasiguro kayo ng inyong mabuting
layunin, makapipigil sa mga taong may masamang
layunin upang sirain ang mabuting kaayusan, at
makapanghihikayat kayo sa tamang paraan sa
mga kalahok na tao upang subukang magamit nila
ang mga kasanayan sa paglaban sa mga
sangkap ng kahirapan.
Ang limang malalaking mga sangkap ng kahirapan
(bilang isang problemangpangkalahatan) ay
naglalaman ni : kawalang-kaalaman, sakit,
kawalangpagpapahalaga, hindi
mapagkakatiwalaan at pagiging palaasa.
Ang mga ito, sa isang banda, ay nagpapalala
sa pangalawang mga sangkap ng kahirapan tulad ng
kawalan ng palengke o lugar na mapagnenegosyuhan,
kawalan ng mabuting mga inprastraktura (mga daan,
tulay, gusali), mahinang pamumuno, masamang
pamamahala, kawalan ng trabahong may tamang
pasahod, kawalan ng mga kasanayan, kawalan
ng perang gagamiting kapital at marami pang iba.
Ang solusyon sa pangkalahatang suliranin sa
kahirapan ay ang pangkalahatang solusyon sa pag-
alis ng mga sangkap ng kahirapan.

KOMPREHENSIBONG LARAWAN NG KAHIRAPAN


NA DAPAT UGATIN ni Ka Pedring Fadrigon

 ANG KAGUTUMAN BUNGA NG PAGBALEWALA SA


PAGPAPAUNLAD NG AGRIKULTURA
– Ang ating pamahalaan ay nahirati na
lamang sa pag-angkat ng produkto sa labas o sa
ibang bansa. 3.1 milyon ng ating populasyon ang
nagugutom mula noong 3rd quarter ng 2018 dahil sa kitang
mababa pa para sa pangangailangan sa
pagkain. Dapat ang reporma sa lupa para sa mga
magsasaka para walang magugutom.

 KAKULANGAN SA MAIINOM NA MALINIS NA TUBIG


– Batay sa datos, 55 Pilipino ang namamatay
araw-araw dahil sa hindi malinis na tubig at 20
milyon ang walang basic sanitation facilities. Nang
dahil sa pribatisasyon, ang ating mga tubig na
dumadaloy sa mga bukirin mula sa kabundukan
at dati ay libre, ay nilagay na sa bote at
pinababayaran na sa sangkatauhan. Dati
ay libre ang mga halaman sa tubig na ating
inaani, ngunit ngayon, dagdag bayarin na o
gastos ng manggagawa sa bukid ang bayad
sa irigasyon.

 WALANG ABOTKAYANG PABAHAY ANG


GOBYERNO NA MATITIRAHAN
– Ang pitong milyong (7M) backlog sa pabahay
at milyon ding maralita ang nanganganib na
mapalayas sa mga relokasyon dahil sa hindi
makabayad sa pabahay. Patuloy
hanggang sa kasalukuyan ang pagdagsa ng mga
maralitang naghahanap ng katiyakan sa
paninirahan. Ang batayan ay ang 7M backlog
ng pamahalaan sa pabahay dahil sa
korapsyon at governance.

 KAWALAN NG TRABAHO O HANAPBUHAY


– Batay sa LFS (Labor Force Survey), ang
Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng
walang trabaho sa Southeast Asia. Kung mayroon
mang trabaho ay hindi sapat ang kinikita dahil sa
baba ng sahod. Sa Metro Manila, ang arawang
sahod lamang ng manggagawa ay P537 (2019), na
malayo sa kahilingan ng mga manggagawa na
P750 minimum wage. Mayorya ng mga trabahador
ay kontraktwal at walang mga benepisyo.

 KAKULANGAN SA BATAYANG SERBISYO SA


PANGANGAILANGAN SA KALUSUGAN – Malaki ang
bilang ng mamamayang walang akses sa
basic health care, lalo na ang mga nasa
malalayong lugar ng ating bansa. Batay sa
mga datos, 11 hospital beds lamang sa bawat
10,000 Pilipino noong 2014, at 1 doktor lamang sa bawat
33,000 pasyente o may mga karamdaman.

 LUMALAKI ANG BILANG NG MGA OUT-OF-SCHOOL


YOUTH
– Dahil sa kahirapan at kakulangan din sa mga
pasilidad sa mga paaralan, 10% ng mga Pilipino na
edad 6-24 ay out-of-school youth. Makikita natin ito sa
mga lansangan, mga naglalako ng kung anu-ano.
Ang ilan ay natututong gumawa ng masama. Ang
ilan ay makikita mo sa lansangan at
napasama na sa mga batang hamog,
kalaban ng mga naghahanapbuhay na
drayber at pasaheros.

 KAKULANGAN SA MGA PROGRAMANG MAY


KAUGNAYAN SA SOCIAL PROTECTION
– Tulad ng mga livelihood. 4 out of 5 senior citizens ay
walang benepisyo sa retirement o pension, dapat ay
magkaroon sila ng social protection. Ang social protection
ay mga patakaran at mga programang
makababawas sa kahirapan.

 WALANG MALUSOG NA KAPALIGIRAN.


– Mula noong 2015 hanggang sa kasalukuyan
ay mayroong 274 natural disasters na umapekto sa
milyun-milyong Pilipino. Hindi lamang ito natural na
kalamidad kundi kasama na rin ang man-made
calamities, dahil sa di maayos na urban planning
at waste displacement.

 DISPLACEMENT AT ARMED CONFLICT AT IBA PANG


ANYO NG KARAHASAN.
– Naoobliga ang mga mamamayang lumikas
mula sa kanilang mga lugar para umiwas sa
kaguluhan. At karamihan ay sa lungsod ang
kanilang pinupuntahan. Ayon sa datos, 87,000 ang
lumikas noong 2017 at 523 munisipalidad ang
pinanggalingan dahil sa gera. Mayroon ding mga
dinemolis ang mga tirahan sa mga danger zones, tulad
ng ilalim ng tulay, basurahan, riles ng tren, at mga
sirang sasakyan.

 ELITE RULE AT DI TUNAY NA DEMOKRASYANG


PAMUMUNO
– Ang isang epektibong pamamahala sa isang
demokrasyang bansa ay dapat bigyang
pahalaga ang partisipasyon ng kanyang
mamamayan. At iyan ay nasa ating
Saligang Batas (our right to effective and reasonable
participation) sa lahat ng antas (economic, social at
political). Titiyakin ng pamahalaan na ang boses ng
maralita at mga nasa laylayan ay
mapakinggan, hindi lang sa tuwing may eleksyon,
kundi sa panahong pinag-uusapan ang ekonomya,
pulitikal at sosyal na patakaran at mga
programa. Subalit hindi ito demokrasya kung hindi
pinakikinggan ang mamamayan. Kapag nagkumento
ang maralita, siya ay kalaban. Kapag tumutol
ka sa gusto ng pamahalaan, ikaw ay
kalaban, kulong ka. Kapag di ka paawat,
patay kang bata ka. Sa demokrasya sa
bansa, ang kapitalista ang nagdidikta dahil
magkauri sila ng mga elitista. Sa ating mga maralita,
magkaisa tayo at sama-samang magsuri sa
sistemang umiiral. Ang sanhi ng kahirapan ay ang
mga maling sistema at kalakaran.

ARALIN 3: PANITIKAN HINGGIL SA KARAPATANG


PANTAO

DIGNIDAD
- Kabilang ang lahat ng katangian ng isang tao
- Kabuuan ng ating pagkatao
- Mahalaga upang maging ganap ang pagkatao
- Tinataglay ng bawat tao – kaya tayong
lahat ay pantay-pantay

KARAPATANG PANTAO
- Payak na pamantayang kinakailangan ng mga
tao upang makapamuhay ng may dignidad
- Ginagarantiya ang ganap at kabuoang pag-
unlad ng mga tao
- Lahat ng kinakailangan ng tao upang protektahan
ang kaniyang dignidad bilang indibidwal
- Saligan ng kalayaan, hustisya at
kapayapaan sa mundo
- Pangunahing obligasyon ng Estado o Gobyerno at
mga kasapi nito na pangalagaan at tugunan ang
karapatang pantao
- Kaakibat ang responsibilidad na paunlarin at
pangalagaan ang sariling dignidad at ang sa
ibang tao
- Nagbibigay gabay sa mga tao upang
panghawakan ang kanilang mga buhay at
umaksyon para sa pagbabago sa lipunan
– tumutukoy sa "payak na mga karapatan at mga
kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng
mga tao." Kabilang sa mga halimbawa ng mga
karapatan at mga kalayaan, na karaniwang iniisip
bilang mga karapatang pantao, ang mga
karapatang sibil at pampulitika, tulad ng karapatang
mamuhay at kalayaan, kalayaan sa
pagsasalita, at ang pagkakapantay-pantay sa
harap ng batas; at mga panlipunan, pangkalinangan
at pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga
karapatang makilahok sa kalinangan, karapatan sa
pagkain, karapatang makapaghanapbuhay, at
karapatan sa edukasyon.

Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao


Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat
matugunan upang siya ay mabuhay. Karapatan
ng tao na matugunan ang kanyang mga
pangangailangan upang siya ay mabuhay nang
may dignidad bilang tao.
Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan
na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang.
Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya
tulad ng pagkain. Damit, bahay, edukasyon at iba
pang pangangailangan ay nangangahulugan na
nakakamit niya ang kanyang karapatan. Hindi
maaaring mabuhay ang tao kung hindi niya
nakakamit ang kanyang mga karapatan. Mayroon
tayong karapatan dahil tayo ay tao. Ang
pagkakaroon ng karapatang pantao ay bahagi na
ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang ito ay
kilalanin ng pamahalaan sa estado sapagkat likas na
itong bahagi ng tao.
Mahalagang malaman natin ang ating karapatan
upang matamasa natin ang mga pangunahing
pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw
sa ating mga pangangailangan o kumitil sa ating
buhay ngang walang dahilan ay lumabag as
ating karapatn bilang tao. Maari tayong dumulog sa
hukuman kung sakaling nahahadlangan ang ating
karapatan. Ang pagkilala sa karapatang pantao
ay pagkilala din sa karapatan ng iba.
Ang pagkilala sa karapatan ng iba ay
nasasaad ng ating obligasyon na igalang ang
karapatan ng lahat ng tao. Kung lahat ng
mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng
bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan
sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa lipunang Pilipino.

Historikal ng Pag-unlad ng Konsepto ng Karapatang


Pantao
“Cyrus Cylinder” (539 B.C.E.)
- Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang
mga tauhan ang lungsod ng Babylon.
- Pinalaya niya ang mga alipin at
ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling
relihiyon.
- Idineklara rin ang pagkakapantay pantay ng
lahat ng lahi.
- Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na
tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.”
- Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human
rights.”

- Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang


pantao ang iba pang sinaunang kabihasnan tulad ng
India, Greece, at Rome.
- Ang mga itinatag na relihiyon at
pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism,
Hinduism, Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba
pa ay nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa
moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito
sa kaniyang kapwa.
1215- Magna Carta
- Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England,
sa Magna Carta, isang dokumentong naglalahad ng
ilang karapatan ng mga taga- England.
- Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong,
at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman
nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa
dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng
hari ng bansa.
Petition of Right (1628)
- Sa England, ipinasa ang Petition of Right na
naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi
pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng
Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang
sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas
militar sa panahon ng kapayapaan.
Bill of Rights (1791)
- Noong 1787, inaprubahan ng United States Congress ang
Saligang-batas ng kanilang bansa. Sa dokumentong
ito, nakapaloob ang Bill of Rights na ipinatupad noong
Disyembre 15, 1791.
- Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang
pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang
iba pang taong nanirahan sa bansa.
Declaration of the Rights of Man and of the Citizen (1789)
- Noong 1789, nagtagumpay ang French Revolution na
wakasan ang ganap na kapangyarihan ni
Haring Louis XVI.
- Sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of
Man and of the Citizen na naglalaman ng mga
karapatan ng mamamayan.
The First Geneva Convention (1864)
- Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing-
anim na Europeong bansa at ilang estado ng United
States sa Geneva, Switzerland.
- Kinilala ito bilang The First Geneva Convention na may
layuning isaalangalang ang pag- alaga sa
mga nasugatan at may sakit na sundalo nang
walang anumang diskriminasyon.
Universal Declaration of Human Rights (1948)
- Noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights
Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa
ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng United States.
- Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa
sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga
karapatang pantao ng bawat indibiduwalna
may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay
ng tao.
o Karapatang
sibil o
Karapatang
politikal o
Karapatang
ekonomiko o
Karapatang
sosyal o
Karapatang
kultural
- Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945,
binigyang-diin ng mga bansang kasapi nito na
magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak
na maibabahagi ang kaalaman at
maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa
lahat ng bansa. Ito ay naging bahagi sa
adyenda ng UN General Assembly noong 1946.
- Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng
Human Rights Commission ng United Nations si ELEANOR
ROOSEVELT. Binalangkas ng naturang komisyon ang
talaan ng mga pangunahing karapatang pantao at
tinawag ang talaang ito bilang UNIVERSAL
DECLARATION OF HUMAN RIGHTS o “International Magna
Carta for all Mankind”, noong Disyembre 10, 1948.

- Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagsama-sama


at binalangkas ang lahat ng karapatang pantao
ng indibiduwal sa isang dokumento. Ito ang naging
pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa
sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang-batas.

• Malaki ang pagkakaugnay ng mga karapatang


nakapaloob sa UDHR sa bawat aspekto ng buhay ng
tao.
• Naging sandigan ng maraming bansa ang
nilalaman ng UDHR upang panatilihin ang kapayapaan
at itaguyod ang dignidad at karapatan ng bawat
tao.
• Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming
bansang nagbigay ng maigting na pagpapahalaga
sa dignidad at mga karapatan ng tao sa iba‘t ibang
panig ng daigdig
• Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng
Konstitusyon ng ating bansa ay listahan ng mga
pinagsamasamang karapatan ng bawat tao mula
sa dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng
mga indibiduwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13,
18 (1), at 19.

• Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014), may tatlong uri


ng mga karapatan ng bawat mamamayan sa
isang demokratikong bansa. Mayroon namang apat na
klasipikasyon ang constitutional rights.
Natural Rights - Mga karapatang taglay ng bawat
tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado Hal:
Karapatang mabuhay, maging malaya,
at magkaroon ng ariarian
Apat na Klasipikasyon ang Constitutional Rights.
Constitutional Rights - Mga karapatang ipinagkaloob at
pinangangalagaan ng Estado.
• Karapatang Politikal – Kapangyarihan ng
mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa
pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan
• Karapatang Sibil – mga karapatan na titiyak
sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya
ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi
lumalabag sa batas.
• Karapatang Sosyo-ekonomik – mga karapatan na
sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pangekonomikong
kalagayan ng mga indibiduwal.
• Karapatan ng akusado – mga karapatan na
magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan
sa anomang krimen
Statutory - Mga karapatang kaloob ng binuong batas
at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong
batas.
HAL: Karapatang makatanggap ng minimum wage

KATANGIAN NG KARAPATANG PANTAO


1. Likas sa Tao (Inherent)
2. Pandaigdigan (Universal)
3. Di-mahahati (Indivisible)
4. Di-maiaalis (Inalienable)

Ang Uri ng Karapatang Pantao


Ang karapatang pantao ay nahahati sa
karapatan bilang indibidwal at pangkatan.

1. Indibidwal o personal na karapatan. Ito ay ang


mga karapatan na pag-aari ng mga indibidwal na
tao para sa pagunlad ng sariling pagkatao at
kapakanan. Ang mga karapatang ito at ang sibil o
pulitikal ng karapatan, ang panlipunan,
pangkabuhayan, ay kultural na karapatan.
a. Karapatang Sibil. Ito ang mga karapatan ng tao
upang mabuhay na malaya at mapayapa. Ilan
sa mga halimbawa ng karapatang sibil ay ang
karapatang mabuhay, pumili ng lugar kung saan siya
ay maninirahan, maghanapbuhay at mamili ng
hanapbuhay.
b. Karapatang Pulitikal. Ito ang mga karapatan ng
tao na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng
pamayanan tulad ng pagboto ng mga opisyal, pagsali
sa referendum at plebisito.
c. Karapatang Panlipunan. Ito ay ang mga
karapatan upang mabuhay ang tao sa isang lipunan
at upang isulong ang kanyang kapakanan.
d. Karapatang Pangkabuhayan. Ito ang mga
karapatan ukol sa pagsususulong
ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.
e. Karapatang Kultural. Ito ang mga karapatan ng
taong lumahok sa buhay
kultural ng pamayanan at magtamasa ng siyentipikong
pag-unlad ng pamayanan.

2. Panggrupo o kolektibong karapatan. Ito ang mga


karapatan ng tao ng bumuo ng pamayanan upang
isulong ang panlipunan. Pangkabuhayan, at pangkultural
ng pagunlad sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang
likas na kayamanan at pagsusulong ng malusog na
kapaligiran.

Mga Batayang Legal ng Karapatang Pantao


Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay
nakabatay sa mga ginagawang batas sa
Pilipinas at sa mga pandaigdigang kasunduan.
Bagamat ang tao mula sa kanyang pagsilang ay
may karapatang dapat na natatamasa na, mas
nakasisiguro tayo kung ito ay nakasulat sa ating
batas upang magsilbing sandigan natin kung sakaling hindi
natin natatamasa ang ating mga karapatan.
Ang mga pangunahing instrumentong legal ay ang
Saligang-Batas ng Pilipinas at ang Pandaigdigang
Deklarasyon ng Karapatang Pantao.

Mga Artikulo sa Saligang-Batas ng Pilipinas na


Kumikilala sa Karapatang Pantao
Ang karapatang pantao ng mga Pilipino ay
maliwanag na naksulat sa Saligang- Batas ng 1987.
sa dokumentong ito, ang mga karapatang pantao ay
nasa Bil of Rights (Art. III); Pagboto (Art V); Deklarasyon ng
mga Prinsipyo at Patakaran ng mga Estado (Art II);
Katarungang Panlipunan at Karapatang Pantao (Art
XIII); Pambansang Ekonomiya at Patrimonya (Art Xii);
Edukasyon, Agham at Teknolohiya, Sining, Kultura at Isports
(Art. XIV).

Ang mga karapatang pantao na nasusulat sa


Deklarasyon ng mga Prinsipyo at patakaran ng Estado
(Art. II) ay ang mga sumusunod:
• Papapahalaga sa dignidad ng isang tap at
paggarantiya ng buong respeto sa karapatang
pantao;
• Pagkilala sa karapatan ng pamilya at
pagpapalakas ng pamilya;
• Pagsulong at pagbigay proteksyon sa pisikal,
moral, ispiritwal, intelektwal ay panlipunang
kapakanan ng mga kabataan;
• Pantay-pantay ng karapatan sa harap ng
batas ng mga kababaihan at kalalakihan;
• Proteksyon sa karapatang pangkalusugan at
balanse at malinis na kapaligiran ng tao;
• Pagsulong ng kalayaan at pag-unlad ng tao;
at
• Pagkilala at pagsulong ng mga karapatan ng
mga pamayanan Kultural.
• Lahat ng mga Pilipino ay sakop ng batas na
ito kayat dapat natin sundin ang mga ito.
Ang mga karapatang sibil at pulitikal ng mga Pilipino ay
nasa Bill of Rights (Art. II) tulad ng:
• Karapatang mabuhay, maging malaya
at magkaroon ng mga ari-arian
• Karapatan sa makatarungang proseso at
pantay na proteksyon ng batas
• Karapatan ng tao sa tamang pamamahala
ng katarungan

• Ang katarungang panlipunan at karapatang


pantao sa Art. XIII ay nagsusulong ng karapatang
panlipunan at pangkabuhayan ng bawat Pilipino.
Obligasyon ng pamahalaang Pilipinas na
magbigay ng mga panlipunang serbisyo tulad ng
edukasyon, kalusugan, at paglilitis ng kaso upang ang
mga taong walang pambayad ay matulungan
nang libre ng pamahalaan. Ito ay batay sa
prinsipyo ng panlipunang katarungan na ang mga taong
mahihirap ay dapat magbigyang proteksyon ng ating
batas at pamahalaan.

Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang


Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR)
Ang UDHR ay nabuo at nilagdaan noong 1948. Ang
Pilipinas ay nakalagda sa deklarasyong ito kayat
ang instrumentong ito‘y dapat ipatupad sa ating bansa.
Binibigyang diin ng Pandaigdigang Deklarasyon ng
Karapatang Pantao na lahat ng tao ay isinilang na
malaya at may pantay-pantay na dignidad.
Itinakda nito ang pangunahing prinsipyo ng
pagkakapantay-pantay at pagbabawal sa
diskriminasyon upang matamasa ang karapatang
pantao at ang mga pangunahing kalayaan ng tao.

Ang mga sibil na probisyon ng UDHR ay ang mga


sumusunod:
• Karapatang mabuhay, maging malaya at
maging ligtas ng isang tao
• Kalayaan sa pagiging alipin at puwersahang
pagtatrabaho o paninilbihan
• Kalayaan laban sa pananakit at malupit, di-
makatao at nakakababang-uri ng pagtrato at
kaparusahan
• Pagkilala sa tao sa harap ng batas
• Pantay na proteksyon sa harap ng batas
• Epektibong paraan panghukuman laban sa
paglabag sa karapatang pantao
• Kalayaan sa walang dahilang pag-aaresto,
detensyon, at pagpapalayas sa sariling bansa
• Pantay na paglilitis at pagdinig pampubliko ng isang
malaya at walang kinikilingang tribunal
• Pagpapalagay na walang kasalanan ang
isang tao hanggat hindi napapatunayang
maysala
• Hindi dapat bigyang kaparusahan sa isang
aksyon na hindi pa krimen noong ito ay ginawa
• Kalayaan sa pakikiaalam sa pagiging isang
pribadong indibidwal, pamilya, bahay at mga
sulat
• Kalayaan sa pagpili ng lugar na titirahan at
maging sa pag-alis sa isang lugar
• Mag-asawa at magkaroon ng pamilya
• Magkaroon ng ari-arian

Ang Mga Pulitikal na Karapatan ay:


• Karapatan sa Asylum. Ang Asylum ay ang
paghingi ng karapatang maging mamamayan ng
isang bansa kung sakaling ang isang tao ay
napaalis sa kanyang bansa dahil sa pagtutol sa
pamahalaan
• Karapatang magkaroon ng nasyonalidad
• Kalayaan sa pag-iisip, konsensiya at relihiyon
• Kalayaan sa sariling opinyon at pagsasalita
• Kalayaan sa tahimik na asembliya at
asosasyon
• Pagsali sa pamahalaan ng sariling bansa
• Pagkakaroong ng pantay na serbisyo publiko sa
sariling bansa

Ang mga Karapatan sa Pangkabuhayan,


Panlipunan at Pangkultura ay ang mga sumusunod:
• Karapatan sa panlipunang seguridad
• Karapatang magkaroon ng hanapbuhaty at
kalayaan sa pagpili ng empleo
• Pantay na bayad sa pantay na paggawa
• Karampatang kabayaran sa trabaho ng
nagbibigay respeto sa pamumuhay na may
dignidad
• Bumuo at sumali sa mga unyong pangkalakal
• Karapatan sa pahinga at paglilibang
• Maayos na pamumuhay upang maging malusog
(kasama dito ang karapatan sa pagkain,
pananamit, pabahay at gamot)
• Magkaroon ng seguridad sa panahon na walang
hanapbuhay, pagkakasakit, pagkakaroon ng
kapansanan, pagkamatay ng asawa,
pagtanda ai iba pang pagkakataon na wala
sa kontrol ng tao
• Bigyan ng proteksyon ang mga ina at anak
• Karapatan sa edukasyon. Ang magulang ay
may karapatang mamili ng edukasyon ng kanilang
anak
• Karapatan sa partisipasyon sa buhay kultural ng
isang pamayanan
• Magkaroon ng proteksyon sa moral at material na
interes na nagreresulta sa pagiging may akda ng
siyentipiko, literari at artistikong produksyon

Ang Pandaigdigang Kasunduan sa Karapatang Sibil


at Pulitikal
Ang kasunduang ito ay ipinatutupad sa mga bansang
sumang-ayon dito. Ang Pilipinas ay isa sa mga
bansang pumirma dito. Pangunahing binibigyang
proteksyon ng kasunduang ito ang karapatang mabuhay
ng bawat isa. Sakop nito ang mga sumusunod na
karapatang sibil:

Karapatang Mabuhay
• Walang sinuman ang dapat kitlan ng buhay nang
hindi makatwiran;
• Walang sinuman ang maging biktima ng pananakit, di
makataong pagtrato o pagparusa; maging alipin o
biktima ng di makatwirang aresto at pagkakulong;
• Sinumang inaresto ay dapat mabigyan ng
impormasyon hinggil sa dahilan ng pagaresto;
• Sinumang inaresto o ikinulong dahil sa isinampang krimen
laban sa kanya ay dapat iharap sa hukom o
sinumang taong may kapangyarihang maglitis ng
kaso; at
• Sinumang naging biktima ng ilegal na aresto o
pagkakakulong ay dapat magkaroon ng
karampatang sahod sa mga araw ng kanyang
pagkakakulong;

Karapatan Maging Malaya


• Karapatan ng bawat isa na malayang
maglakbay, pumili ng tirahan at umalis ng bansang
tinitirhan; ngunit karapatan ng estado na paalisin ang
mga dayuhang lumalabag sa batas ng estado;
• Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa
harap ng batas kayat karapatan ng bawat
tao na maidulog ang kanyang kaso ayon sa
makatarungang proseso;
• Hindi dapat bigyan ng parusa ang mga taong
may pagkilos na hindi pa labag sa batas noong
kanyang ginawa ang pagkilos.
• Dapat makatao ang pagtrato sa sinumang nakulong
at walang sinuman ang dapat makulong dahil sa di
pagtupad sa kontrata;
• Hindi dapat bigyang kaparusahan ang isang tao
sa isang aksyon na hindi pa krimen noong ito ay
ginawa; at
• Hindi dapat pakialaman ang kalayaan ng isang
pribadong indibidwal, pamilya, tahanan at mga
sulat;

Mga Karapatang Pulitikal


Ang mga sumusunod ay mga karapatan ng tao
bilang isang mamamayan ng bansa:
• Kalayaan sa pag-iisip, konsyensya at relihiyon,
maging ang kalayaan sa pananalita at
karapatan sa impormasyon;
• Kalayaan sa anumang uri ng propaganda para
sa digmaan. Ang pagsusulong ng galit sa bansa, lahi
o relihiyon na nag-uudyok ng diskriminasyon, kasungitan
o agresyon ay ipinagbabawal sa batas;
• Karapatang sumali sa matahimik na asembliya;
• Karapatan sa pagbubuo ng mga samahan;
• Ang mga babae at lalaki ay may
karapatang mag-asawa at magtatag ng
pamilya. Kinikilala din nito ang pagkakapantay-
pantay ng mga mag-asawa habang sila ay
kasal at maging sa panahon na napawalang
bisa ang kanilang kasal;
• Karapatan ng mga bata ang magkaroon ng
pamilya, lipunan at nasyonalidad, • Karapatan ng
bawat mamamayan na sumali sa anumang
gawaing pampubliko, bumoto at iboto, at
makinabang sa mga serbisyong publiko;
• Lahat ng tao ay may proteksyon sa ilalim ng
batas; at
• Dapat magkaroon ng mga batas upang bigyang
proteksyon ang mga pangkat etniko, relihiyon o
linggwistikong grupo.
Ang mga karapatang sibil ay ukol sa mga
karapatan ng tao bilang tao samantalang ang mga
karapatang pulitikal ay tungkol sa mga karapatan ng
tao bilang mamamayan ng isang estado.
Halos lahat ng nasa probisyong ito ay
matatagpuan sa Bill of Rghts ng SaligangBatas ng 1987
ng Pilipinas.

Pandaigdigang Kasunduan sa mga Karapatang


Pangkabuhayan, Panlipunan at Pangkultural
Ang kasunduang ito ay nabuo upang bigyang
proteksyon ang mga indibidwal o pangkat sa iba‘t
ibang panig ng mundo. Ang mga karapatang ito ay ang
mga sumusunod:
• Karapatan ng lahat ng tao na bigyang direksyon
ang kanyang katayuang pulitikal, kabuhayan,
panlipunan at pangkultural na pag-unlad;
• Karapatan ng tao na ibahagi at paunlarin ang
kanilang likas na kayamanan;
• Karapatan ng bawat isa na maghanapbuhay,
magkaroon ng makatao at makatarungang kondisyon
sa trabaho, magkapantay na suweldo at
trabaho, ligtas at maayos na lugar ng trabaho
at magkaroon ng pahinga at libangan;
• Karapatang bumuo at sumali sa mga unyong
pangkalakal, karapatang mag- aklas at
karapatan sa panlipunang seguro
• Proteksyon para sa mga nanay at kabataan
• Karapatan sa sapat na antas na pamumuhay:
sapat na pagkain, damit at bahay.
• Lahat ay may karapatan sa mataas na
pamantayan sa pisikal at pangkaisipang
kalusugan at Edukasyon.
Ang mga bansa na pumirma sa kasunduan ay
dapat maglaan ng libreng edukasyon sa primarya at
pagsikapang libre ang edukasyon sa sekondarya.
Pantay din ang pagkakataon sa lahat na makapg-
aral sa tersyarya. Ang mga magulang at legal na
tagapag-aalaga ay malayang nakakapili ng
mga paaralan upang mabigyang proteksyon ang
kanilang edukasyong pangrelihiyon at moral.
Lahat ay may karapatang makibahagi sa
buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng
mga nadiskubreng siyensya. Dapat may mga
hakbang na nagawa upang mapanatili, mapaunlad
at mapalawak ang kultura at agham. Ang
kalayaan sa pananaliksik at paglikha ay dapat
irespeto at lahat ay may karapatang magtamasa
ng mga benepisyo sa sariling pananaliksik at paglikha.
Ang mga karapatang ito ang pinakamahirap
matugunan sapagkat maraming mga bansa ang
mahirap at kapos ang kanilang badyet upang
mabigyan ng serbisyo ang mga mamamayan.

Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata


(Convention on the Rights of the
Child)
Ang Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata
ay isang pandaigdigang kasunduan ng mga bansa
upang mabigyang proteksyon ang mga batang may
18 gulang pababa sa anumang bansa sa daigdig.
Ang mga karapatan ay nakagrupo sa apat na
aspeto: karapatang mabuhay, karapatang
magtamasa ng kaunlaran, karapatang mabigyang
proteksyon at karapatan sa partisipasyon sa lipunan.
Ang mga karapatang mabuhay ng may dignidad
(Survival Rights) ay ang mga sumusunod:
• Karapatang Mabuhay
• Karapatan sa kalusugan
• Karapatan sa pamilya
• Karapatan sa maayos na pamumuhay
Ang mga bata ay wala pang kakayahan na
maghanapbuhay upang mapangalagaan ang
kanilang sarili. Mahalaga ang kalinga ng mga
magulang at pamilya upang sila ay mabuhay
nang may dignidad. Pangunahing prinsipyo na dapat
igalang sa mga bata ay ang pangangailangan
nila ng kalinga upang mabuhay.

Ang mga karapatang pangkaunlaran (Development


Rights) ay:
• Karapatan sa edukasyon
• Karapatan sa pagpapaunlad ng personalidad
• Karapatan sa relihiyon
• Karapatang makapaglaro at makapaglibang
• Karapatan sa impormasyon at kaalaman
Mahalagang mapaunlad ang kakayahan ng mga
bata habang sila ay bata pa upang sa mga
susunod na panahon ay makabubuo tayo ng
bansang maunlad din.

Ang mga karapatan ukol sa pagbibigay


proteksyon (Protection Rights) ay:
• Karapatan sa isang payapa at ligtas na
pamayanan
• Karapatan sa proteksyon sa oras ng armadong
paglalaban
• Karapatan sa proteksyon laban sa diskriminasyon
• Karapatan laban sa pang-aabuso at
pagsasamantala
Ang pangangalaga sa kapakanan ng mga bata
ay mas mahalaga sa panahon ng digmaan,
kalamidad at panganib. Unang dapat isaalang-alang
ng mga magulang at pamahalaan ang kapakanan ng
mga bata sapagkat wala pa silang kakayanan
na iligtas ang kanilang sarili.

At ang karapatan sa pakikilahok (Participation Right)


ay:
• Karapatang makapagpahayag g sariling opinion o
pananaw
Ang mga bata ay tao rin kayat nararapat
lamang na bigyan sila ng pagkakataong
magpahayag ng kanilang saloobin.

Ang Kababaihan sa Lipunang Pilipino


Maraming katangian ang mga kalalakihan na halos
pareho din sa mga babae tulad ng pagiging agresibo,
matalino, mapagbigay, masipag, malambing, at iba
pa. May mga gawain naman ang mga lalaki na
kaya rin ng babae tulad ng gawain ng abogado,
doktor, mekaniko, kaminero, inhenyero, at iba pa.
Sa mahabang panahon, tiningnan ang mga tungkulin ng
babae at lalaki batay sa bayolohikal na
katangian ng ating lipunan. Ang mga babae ay
nanganganak kayat pangunahin sa naging tungkulin
niya ay mag-alaga ng bata at gampanan ang
mga gawaing bahay. Dahil sa ang lalaki ay hindi
nanganganak, naging tungkulin niya ang
maghanapbuhay sa labas ng tahanan. Maskulado
ang lalaki kayat ang mga mabibigat na gawain
ay iniatang sa kanya. Samantala, tiningnan ang
babae na may maliit at malambot na
pangangatawan kayat pananahi, panunulsi, pagluluto
at iba pang pambahay na gawain ang iniatang
sa kanya. Dahil nagkaroon ng pagkakaiba-iba ng
tungkulin ng babae at lalaki: ang babae sa loob ng
bahay lamang at ang lalaki sa labas ng
bahay, ang naging resulta ay ang kakulangan ng
pagkakataon ng babae sa pagganap ng
mahahalagang gawain sa lipunan.
Karamihan ng pinuno ng mga bayan ay mga lalaki.
Ang mga namamahala ng malalaking negosyo ay
ibinibigay ng pamilya o ng mga miyembro sa lalaki.
Nawalan ang babae ng mahalagang papel sa
pag-unlad ng bansa. Dahil dito, marami sa mga
kababaihan ang nakaranas ng di-pantay na
pagtingin na nagreresulta sa iba‘t ibang problema tulad
ng pambubog ng asawa, karahasan sa
kababaihan, pagbebenta sa mga babae, at
iba pa.
Ang ganitong sitwasyon ang nag-udyok upang
bigyang proteksyon ang karapatan ng mga
kababaihan.

Kasunduan sa Pag-aalis ng Diskriminasyon Laban sa


Kababaihan (Convention on Elimination of Discrimination
Against Women)
Ang kasunduan sa pag-aalis ng diskriminasyon laban
sa kababaihan ay sinimulang ipatupad noong 1981. Ito
ay kinapapalooban ng mga sumusunod na karapatan
ng mga kababaihan:
• Karapatan sa pantay na pagtingin sa babae
at lalaki
• Partisipasyon sa pulitikal at pampublikong larangan
• Partisipasyon sa pandaigdigang talastasan
• Karapatan sa nasyonalidad
• Pantay na karapatan sa edukasyon
• Karapatang maghanapbuhay
• Karapatan sa pangangalaga ng kalusugan at
pagpaplano ng pamilya
• Karapatang magtamo ng pangkabuhayan at
panlipunang benepisyo
• Pantay na pagtingin sa mga kababaihan sa
rural
• Pantay na pagtingin sa harap ng batas
• Karapatang mag-asawa at magkapamilya

Konsepto ng Paglabag sa Karapatan


Anumang karapatan na hindi natatamasa o
naisusulong ng tao ay isang uri ng paglabag sa
karapatang pantao. Pangunahin sa karapatan ng tao
ay ang karapatang mabuhay nang may dignidad.
Halimbawa, ang pagkitil ng buhay ay isang pagpigil
sa karapatan ng taong mabuhay. Maging ang pagsikil
sa kalayaan ng tao ay isang pag- aalis sa
karapatan ng taong mabuhay nang malaya.
Sa pangkalahatan, ang paglabag sa
karapatang pantao ay makikita kapag nilabag ng
tao at ng estado Saligang-Batas ng Pilipinas at ang mga
Pandaigdigang Instrumento sa Karapatang Pantao.
Iba‘t iba ang anyo ng paglabag sa
karapatang pantao tulad ng pisikal, sikolohikal o
emosyonal at istruktural.
• Pisikal na Paglabag sa Karapatang Pantao.
Pisikal na paglabag ang turing kapag ang nasaktan
ay ang pisikal na pangangatawan ng tao. Ang
pambubugbog, pagkitil ng buhay, pagputol sa anumang
parte ng katawan ay ilan sa halimbawa ng pisikal
na paglabag. Maging ang sekswal na pananakit tulad
ng panghahalay at pagsasamantala ay isang
pisikal na paglabag sa karapatang pantao.
• Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag sa
Karapatang Pantao. Ang pisikal na pananakit ay
nagdudulot ng trauma sa isang tao. Ito ang nagiging dahilan
kaya nawawalan ng kapayapaan ng loob ang
isang tao at bumababa din ang pagtingin niya sa
kanyang sarili. Maging ang pagsasalita nang
masama sa tao ay isang uri ng sikolohikal na
paglabag sa kanyang karapatan sapagkat ito
ay nagreresulta sa balisang estado ng isang tao.
• Istruktural. Ang kaayusan ng lipunan batay sa
kung sino ang may kapangyarihan, kayamanan at
kalagayan sa lipunan ay simula ng hindi
pagtatamasa ng karapatan istruktural. Ang istruktural na
paglabag ay makikita kung ang tao ay walang
kabuhayan, mababa ang kanyang
kalagayan sa lipunan at wala siyang
kapangyarihan magdesisyon para sa sarili, sa
pamilya, sa pamayanan, sa bansa at sa daigdig.
Ang mga paglabag sa karapatang pantao ay
nangyayari sa tahanan, pamayanan,
paaralan, trabaho, bansa, at daigdig.
Sa tahanan, madalas na paglabag ay ang
pang-aabuso sa mga bata at kababaihan. Ang
hindi pagbibigay ng pagkain ng magulang sa bata,
hindi pagpapaaral sa mababang paaralan, hindi
pagbibigay ng pangalan at damit ay ilan lamang
sa mga paglabag sa karapatang pantao ng mga
tao.
Sa pamayanan, ang paglabag sa karapatang
pantao ay makikita kapag ang mga lokal na opisyal
ng pamahalaan ay hindi tumupad sa tungkuling
panatilihing malinis, maayos at mapayapa ang
kapaligiran. Tungkulin din ng lokal na pamahalaan na
paratingin ang mga pangunahing serbisyo publiko tulad ng
serbisyo sa kalusugan, kuryente, tubig, komunikasyon,
edukasyon, at iba pa.
Sa paaralan, edukasyon ang pangunahing
serbisyong dapat ihatid sa mga mamamayan. Ang
pananakit pisikal, sekswal at sikolohikal sa mga mag-
aaral ay ay paglabag din sa karapatan ng
mga mag-aaral.
Sa bansa, pisikal, sikolohikal at istruktural ang
karaniwang paglabag sa karapatang pantao.
Pisikal at sikolohikal ang paglabag kapag ang mga
kinatawan ng pamahalaan tulad ng pulis, militar, pinuno
at kagawad ng barangay, o iba pang sangay ng
pamahalaan, ay nanakit sa mga tao. Istruktural ang
paglabag kapag ang pamahalaan ay walang
programa upang umangat ang kabuhayan, panlipunan,
at kultural na kalagayan ng mga mamamayan.
Sa mundo, lahat din ng uri o ng paglabag o
bayolasyon ay madarama kapag ang mga
kinatawan ng mga bansa ay nakasakit sa mga
tao o kaya ay gumawa ng mga kasunduang
nakasasama sa tao. Ilan dito ay ang
pakikipagdigmaan, paggawa ng mga armas
pandigmaan, at pakikipagkalakal na
mayayamang bansa lamang ang may
pakinabang.

PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO SA PANAHON


NG KOLONISASYON
- Ang mga mamamayan ay biktima ng sistemang
pang – aabuso at pananamantala.
- Tulad ng sapilitang paggawa, diskriminasyon,
pagkabilanggo, pagpatay, at iba pa.

Pakikibaka ng Comfort
Women Comfort Women
- Nagmula sa Pilipinas, China, Korea at iba pa.
- Dumanas ng Pisikal, Sikolohikal, at Sekswal na pang-
aabuso
- Mga babaing binihag ng mga Hapon para
magbigay ng serbisyong sekswal.
- Hanggang ngayon ay nahingi pa rin sila ng
katarungan.

Hangarin ng Comfort Women


Una. Isang pormal na paghingi ng kapatawaran ng
pamahalaang Hapones Ikalawa. Pagbibigay ng
bayad – pinsala sa kanila.
Ikatlo. Paglalagay sa mga textbook ng Hapon tungkol
sa mga dinanas ng Comfort
Women at ang karahasang ginawa ng mga Hapones
Ang mga Jew at ang Holocaust
ADOLF HITLER
•Diktador ng Germany
•Pinamunuan ang Partidong Nazi sa Germany
•Naniniwala siya na natatangi ang lahing
Aryan kaya naman isinagawa niya ang
tinatawag na Holocaust

Holocaust
- Ang mga Jew ay ibinilanggo sa mga Concentration
Camps at sila‘y ipinapatay sa loob ng Gas
Chamber. Parang isang Shower room ang Gas
Chamber na para ka lang naliligo ngunit
pinapatay ka na sa pamamagitan ng Gas.
Anne Frank
•Isa sa mga kilalang nabuhay noong panahon ng
Holocaust
•Naisulat niya ang mga dinanas nila noong
panahong iyon sa kanyang Diary.
•Nang siya ay mamatay, nakuha ng kanyang
ama ang kanyang Diary at ito‘y ipinalimbag dahil
sa pangarap ni Anne na maging isang manunulat.

Paglabag sa Karapatang Pantao ng mga


Katutubong Mamamayan - Ang mga
Indigenous people na nagiging biktima rin ng pang-
aabuso.
- Nagkakaroon ng Ethnocide.
- Ang kanilang Ancestral Domain ay nasisira dahil
sa ngalan ng kaunlaran. Ginagawa itong tourist site
- HALIMBAWA: MGA KATUTUBONG AETA

Iba pang Paglabag sa Karapatang Pantao


• Yellow – Dog Contract o Hindi pinahihintulutang sumama
sa kahit anong unyon ang isang manggagawa at
kung kasali man ay kailangan niyang tumiwalag
• Child Soldier o Nilalabag ang karapatan ng batang
makapag – aral, makapaglibang, at mamuhay
ng maayos.
• Double Standard o Uri ng pagtatangi kung saan
magkaibang pamantayan ang ginagamit sa
magkaibang grupo upang paboran ang isa.

Mga Paglabag sa Karapatang Pantao sa


panahon ng Diktadura Pamahalaang Diktaturyal
- Dumaranas ang mga mamamayan ng pisikal at
sikolohikal na pagpapahirap.
- Ang mga desaparecidos; ito ang tawag sa mga
bangkay na hindi pa mahanap pa.
- Dahil sa galit ng mamamayan ay nagawa
nilang makibaka tulad ng demonstrasyon sa
kalsada, boykot, armadong pakikidigma at iba
pa.
- Tinapatan ito ng panggigipit at pandarahas,
pananakot, pagpatay, dislokasyon, militarisasyon
at iba pa.

Mga Kilalang Tao noong Panahon ng Pamahalaang


Diktaturyal
 Pol Pot
 Ne Win
 Ngo Dinh Diem
 Ferdinand Marcos
 Anastacio Somoza
 Augusto Pinochet
 Jean Claude Duvalier

Mga Hakbang Upang Mabigyang Proteksyon Laban


sa Mga Paglabag sa Karapatang Pantao
Maraming paraan upang mabigyan tayo ng
proteksyon at hindi malabag ang ating karapatan
bilang tao. Ito ang mga hakbang:
1. Pagdulog sa mga lokal na hukuman. Kapag
nalabag ang iyong karapatan, maaring magsimulang
dumulog sa katarungang pambarangay lalo na kapag
ang uri ng paglabag ay sakop nito. Kapag hindi sakop,
ang kaso ay ipapasa sa tamang hukuman. May
mga libreng abogado ang Kagawaran ng Katarungan,
ang Komisyon sa Karapatang Pantao, at iba pang
institusyon na maaaring makatulong sa pagsasampa at
paglilitis ng kaso. Ang mga karapatang sibil at pulitikal
ang karaniwang dinidinig ng mga korte sa Pilipinas.
Ang mga kawani ng pamahalaan ay maaring
magsampa ng reklamo sa kanilang mga opisina o sa
Komisyon ng Serbisyo Sibil at kung ang pagkakasala
ay may malakas na ebidensya, maari itong idulog
sa Sandigang Bayan.
Ang Kagawaran ng Paggawa at Empleo ay
tumutulong naman sa mga manggagawa hinggil sa
paglabag ng kanilang karapatang may kinalaman
sa paggawa.
Ang Komisyon ng Karapatang Pantao at Public
Attorney‘s Office ng Kagawaran ng Katarungan ay
nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga Pilipinong
mahihirap.
2. Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan
(International Court of Justice). Kapag ang mga kaso ay
patungkol na sa mga alitan ng tao na galing sa iba‘t
ibang nasyonalidad o alitan ng mga bansa, ito ay
idinudulog sa Pandaigdigang Hukumang Pangkatarungan.
Nililitis nila ang mga kaso na nagiging sagabal sa
pagsusulong ng karapatang pantao.
3. Edukasyon para sa karapatang pantao. Ito ang
isa sa pinakamahusay na paraan upang hindi
malabag ang karapatang pantao. Ang pag-alam
sa iba‘t ibang karapatan ng tao, maging ang mga
paglabag, ay malaking tulong upang maging
mapayapa ang ating lipunan. Ang pag-aaral ng ating
karapatan ay siyang magmumulat ng ating kaisipan
upang ito ay isabuhay.
4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao.
Mahalagang hindi huminto ang pag- aaral ng
karapatang pantao sa pagsasaulo lamang ng mga
probisyon ng mga batas. Ang pagsasabuhay ng
mga natutuhan sa pang-araw-araw na pamumuhay
ay isang hamon sa pagsusulong natin ng karapatang
pantao. Ito ang tunay na pagkilos upang mapigilan ang
paglabag sa ating karapatan at sa karapatan ng
iba.

STATE OBLIGATIONS
RESPECT – ang di pagawa ng mga aksyon o polisiyang
maaring maka-abuso sa karapatang pantao
PROTECT – pagdepensa sa mga karapatang pantao ng
mga indibiduwal at pagpigil sa pangaabuso na
maaring gawin ng ibang partido
FULFILL – pagawa ng mga aksyon upang masigurong
tuloy-tuloy na matatamasa ang mga karapatang
pantao

OBLIGATIONS OF NON-STATE ACTORS


RESPECT – siguraduhing di gagawa ng anumang bagay
na maaaring maka-abuso sa integridad ng mga tao
FULFILL – responsibilidad na makatulong sa pagpapalawig
ng karapatang pantao

HUMAN RIGHTS ABUSES


• BY COMMISSION o Pagawa ng mga aktong
umaabuso sa karapatang pantao o
Pagsasatupad ng batas na aabuso sa
karapatang pantao
o Pagalis ng mga batas ng pumoprotekta sa
karapatang pantao
• BY OMMISSION o Di paglagay ng mga
batas o programa na proprotekta sa mga
karapatang pantao
o Di pag-aksyon para sa pagpapalawig ng
karapatang pantao
MISCONCEPTIONS ON HUMAN RIGHTS
- ESC rights are ‗positive rights (dapat ibigay)‘ while CP
entitlements are ‗negative rights (di dapat gawin). Mas
madali ang mga bagay na ‗hindi lang dapat
gawin‘ kaysa sa mga bagay na ‗dapat
ibigay‘.
- Ang mga kabuuhan ESC rights ay mga ‗state
aspirations (panagarap abutin)‘ lamang habang
ang mga CP rights are ‗human rights proper (tunay na
mga karapatang pantao)‘
- Kailangan lamang ng political will para ipatupad
ang CP Rights habang kailangan
ng malaking resources and ESC Rights
- (Justiciability Issue) Mas madaling ihabla ang
estado sa mga internasyunal na korte at mekanismo
kung ang isyu ay CP Rights. Paano mo naman
gagwin yan kung ang isyu ay ESC Rights? Eh sa
wala ngang kapasidad!

Lahat ng mga
karapatan ay
INDIVISIBLE (di
nahahati),
INTERDEPENDENT (nakaasa sa isa‘t isa) at
INTERRELATED (magkakaugnay)

You might also like