You are on page 1of 2

ESP 6

SUMMATIVE TEST QUARTER 1


Pangalan: __________________________________________ Baitang: 6 - Custodio
Guro: Marietta N. Custodio
I. Bilugan ang kung nagsasabi ng tapat kung hindi ang mga sumusunod na sitwasyon.

1. Humingi ng pera si Alonzo ngunit ito ay binili nya ng kendi sa halip na lapis.
2. Nakita ni Bea na nalaglag ang pera ng kaniyang kaibigan kaya agad niya itong
pinulot at isinauli.
3. May proyekto sa Math sina Roy at Rennie. Sila ay humingi sa kanilang nanay
ng tamang halaga para pambayad.
4. Sobra ang sukli ng tindera kay Anna at hindi niya ito ibinalik.
5. Kumuha ng pera sa pitaka ng nanay niya si Gaspar nang hindi nagpapaalam.
6. Nakapulot si Marilyn ng bag sa kalye. Nakalagay sa loob ang pangalan at
address ng may-ari. Nagkataong pag-aari ito ng kaniyang kaklase kaya
agad niya itong isinauli.
7. Nagpaalam si Evelyn na pumunta sa paaralan subalit sa bahay ng kaibigan ito
pumunta.
8. Pinuna ni Marco ang maling timbangan ng tindera sa palengke.
9 .Binigyan si Gina ng kaniyang lolo ng isang libong piso para paghahatian nilang
magkakapatid. Hinati niya ito nang wasto at ibinigay sa mga kapatid.
10. Itinago at iniuwi ni Bryan ang nvapulot niyang sombrero.
II. Isulat ang TAMA sa patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at MALI kung ito’y di
wasto.

_______ 1. Mas pinili ni Rio na magpokus sa pag-aaral bago magkaroon ng kasintahan.


Ngayon, mayroon na siyang trabaho na nakasusuporta sa kaniyang pamilya.
_______ 2. Iniwasan ni Marco ang mga kaibigan niya na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
_______ 3. Tinatapos niya ang nasimulang proyekto kahit na nahihirapan.
_______ 4. Tumutulong si Jamir sa kaniyang kuya na mag-ipon ng tubig tuwing hapon.
_______ 5. Si Henry ay nagtatrabaho ng part-time sa isang foodhouse habang siya ay nag-aaral.
_______ 6. Hindi sinusunod ni Marta ang payo ng kaniyang mga magulang na dapat maging
matiyaga sa buhay.
_______ 7. Si Jose ay nagtitiis na maglakad papunta sa paaralan para lamang makapagtapos sa pag-
aaral.
_______ 8. Isa-isang pinulot ni Nica ang mga butil ng bigas na natapon dahil alam niyang
mahalaga ito.
_______ 9. Sumingit sa pilahan ng pagkain sa kantina si Elisse dahil siya ay nagugutom na.
_______10. Nakikipag-unahan sa pila sa palikuran si Miguel dahil gusto niyang maunang bumalik sa
silid-aralan.

III. Isulat sa patlang ang Opo kung ang sitwasyon ay iyong ginagawa at Hindi po naman kung
hindi.

_______ 1. Sinasabi ko kung ano ang nasa aking isipan kahit alam kong may masasaktan na iba.
______ 2. Nakapagbibigay lamang ako ng pasiya kung alam kong ang magiging resulta nito ay
para sa ikabubuti ng nakararami.
______ 3. Nagtatampo ako kapag hindi nakikiayon ang iba sa aking pasiya.
______ 4. Kahit na sinasalungat ng iba ang aking pasiya, inuunawa ko ang mga ito.
______ 5. Ayaw kong masisi ako ng iba kaya hindi ako nagpapasiya.
______ 6. Naninindigan ako kung ano ang totoo at makabubuti sa lahat bago ako magpasiya.
______ 7. Pabigla-bigla ako sa pagpapasiya dahil gusto kong may sagot agad ako sa suliranin.
______ 8. Nagtitimpi ako kung mahinahon akong kinakausap ng iba.
______ 9. Iniisip ko muna ang mga maaaring kalalabasan ng aking pasiya bago ako gumawa
nito.
______10. Sumasakit ang ulo ko kapag nag-iisip kaya umiiling na lang ako kapag tinatanong.

You might also like