You are on page 1of 41

Dokumentasyon

Dokumentasyon: In text
at End text Citation
PANALANGIN
Bunga ng pagkatuto
●Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng
isang makabuluhang pananaliksik. F11PUIIg-88
●Nagagamit ang angkop na mga salita at
pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay
ang mga ideya sa isang sulatin.
F11WG IIh-89
Pagbabalik-aral
Bakit sinasabing
mahalagang may mga
katangiang dapat taglayin
ang isang mananaliksik?
Ang isang mananaliksik ay may
gampanin na maghanap, maglikom
at magsuri ng mga impormasyon.

Sa proseso ng pangangalap ng
impormasyon, kailangang matukoy
rin ng mananaliksik ang uri ng
datos na kanyang kailangang
mahanap o kaya ay nahanap.
Dalawang Uri ng Datos:
Praymarya at Sekondarya.

PRAYMARYA- ay yaong mga first-hand account


ng mga nakasaksi ng isang pangyayari. Maaari
itong mga liham, opisyal na tala, panayam,
resulta ng sarbey o di kaya ay unanalyzed
statistical data.
Sekundarya

-ay mga
pagtalakay, ebalwasyon at
pagsusuri ng mga pangunahing
datos
PINAGKAIBA NG PRIMARYA AT
SEKUNDARYA
PRIMARYA- Ito ay mga impormasyong galing
mismo sa taong nakasaksi ng
pangyayari. Ito rin ang mga
hanguang pinagmulan ng "raw
data" o nagsisilbing basehan
upang makagawa ng isang
makabuluhan at makatotohanan
na akda
SEKUNDARYA

-Ito ay pahayag ng interpretasyon,opinyon


at kritisismo mula sa mga indibidwal,
grupo o institusyon na hindi direktang
nakaranas, nakaobserba o nakasaliksik sa
isang paksa o penomenon. Kasama rito
ang mga account interpretasyon sa mga
pangyayari mula sa mga taong hindi
dumanas nito o pagtalakay sa gawa ng iba.
Ang in- text citation
ay pagbanggit ng
pinaghanguan sa loob
o talakayan mismo ng
pananaliksik o teksto.
Kailangang nakapaloob sa teksto
ang apelyido ng awtor at ang
taon ng pagkakalimbag ng akda.
Halimbawa:
......(Bernales, 2008).
Ayon kay Bernales(2008)......
Dalawang pamamaraan ang maaaring
gawin para sa in-text citation.

1. Signal na Kataga
2.Talang Parentetikal
Signal na Kataga
-Nilalagyan ng mga katagang Ayon
kay, Ayon kina, Mula sa atbp. bago
ang pahayag na sinipi.
Halimbawa:

Ayon kay San Juan (2005), “ ……….” (p.79).


Talang Parentetikal

-Sa paraang ito, Inilalagay ang pahayag na sinipi


bago ang paglalagay ng awtor at taon na
pinaghiwalay ng kuwit at ipinapaloob ang mga
ito sa isang panaklong.
Halimbawa:
.....................(Bernales, 2008).

Pinagsasaligang Tuntunin ng In-


text citation, estilong APA

a. Tuwirang sipi o paraphrasing o pagbubuod gamit


ang signal na kataga o talang parentetikal
Isang awtor:

Ayon kay San Juan (2005), “ ……….” (p.79).


“.................... ,” (San Juan, 2005, p.79).


Dalawang Awtor:

Ayon kina San Juan at Pasia (1979) .................(p. 79).


……………… (San Juan & Pasia, 1979, p. 79).


Tatlo o higit pang bilang ng Awtor:


Ayon kina Salavador et al. (1987), ……………..


……………………….. (San Juan et al., 1987).


b. Walang awtor
Kung walang ngalan ng awtor at
walang binanggit na taon,
banggitin ang teksto sa
pamamagitan ng pamagat sa
signal na kataga o di kaya ay
banggitin ang unang dalawang
salita na nakapaloob sa
panaklong kung parentetikal.
Halimbawa: Signal na kataga

Mula sa "Understanding Computers"(n.d.)...........................

Halimbawa: Talang Parentetikal

Isang pag-aaral ang naisagawa kaugnay ng. . ...........


(“Understanding Computers,” n.d.).
c. Dalawang awtor na magkatulad ang
apelyido:
Ayon kina E. San Juan at F. San juan(2004) …………..

………………(E. San Juan & F. San Juan, 2004).


d. Di-tuwirang pinaghanguan:

Ayon kay San Juan sa Pasia (2003) ……………

…………………… (San Juan, 1987 sa Pasia,


2003, p.78).
e. Hanguang elektroniko:
Sa pagbanggit ng mga hanguang elektroniko, hindi
ito naiiba sa mga akda kung saan awtor- petsa rin
ang oryentasyong sinusunod. Sa pagkakataong
walang awtor at petsa, gamitin ang pamagat ng
akda o ang unang dalawang salita na nakapaloob
sa panaklong at ilakip ang mga titik na n.d. upang
ilahad na no date.
Hal. Signal na Kataga

-Ayon kay Cimafranca (2008), “………..” (para. 6).

Hal. Talang Parentetikal

....…………….(San Juan, 1987 sa Pasia, 2003, p.78).


Bibliyograpiya

-Tinatawag ding End-


Text Citation o Talaan
ng Pinaghanguan
Bibliyograpiya

-ay talaan ng mga pinaghanguan


ng teksto. Ang karaniwang
paraan ng estilong APA ay
nagsisimula rin sa awtor-petsa.
Paalpabeto ang pagsasaayos ng mga entri ng
Bibliyograpiya.
Tiyaking buo ang pamagat, mapa-libro, artikulo o journal.

Panatilihin ang bantas sa lahat ng pagkakataon.

Unang titik ng unang salita ng pamagat at subtitle lamang


ang nakasulat sa malaking titik, maliban na lamang kung
may Pangngalang Pantanging nakapaloob sa pamagat o
subtitle.

Isulat nang pahilig ang pamagat ng mahahabang akda


tulad ng aklat, at journal.
Laging tandaan ang mga sumusunod:
-Lahat ng kasunod na linya
matapos ng unang linya ay
nararapat na naka-indent ng
kalahating pulgada mula sa
kaliwang margin o tinatawag
na hanging indention.
Dominguez, T., & Quijano, L. (2001). Pananaliksik para sa kolehiyo: Isang
pahapyaw na sulyap. Victoria Publishing.

Gomez, Y. (2007). Ang panulaang Filipino. P. F. De Dios (Ed.). Bahaghari


Publishing Company.

Solis, M., & Fernandez, X. (Eds.). (2003). Ang pananaliksik sa panahon ng


teknolohiya. Bahaghari Publishing Company.
a. Isang awtor:
Dominguez, T. (2001). Pananaliksik para sa kolehiyo: Isang
pahapyaw na sulyap. Victoria Publishing

b. Dalawang awtor:
Dominguez, T., & Quijano, L. (2001). Pananaliksik para
kolehiyo: Isang pahapyaw na sulyap. Victoria
Publishing.
c. Tatlo hanggang 20 awtor:

Ilista sa pamamagitan ng apelyido at


inisyal, na hinihiwalay ng kuwit sa
bawat ngalan at bago ang huling
awtor, gagamit ng ampersand.

Kung higit sa 20 ang awtor, isulat ang


unang 19 na ngalan at susundan ng
ellipses, pagkatapos ay isulat ang
panghuling awtor.
d. Edited na teksto, walang awtor:
Solis, M., & Fernandez, X. (Eds.). (2003). Ang pananaliksik sa panahon ng teknolohiya.
Bahaghari Publishing Company.

e. Edited na akda, may awtor:


Gomez, Y. (2007). Ang panulaang Filipino. P. F. De Dios (Ed.). Bahaghari Publishing
Company.

f. Electronic Books:
Salvador, R. (n.d.). The world from a distance.
http://digital.library/theworldfromadistance
Magsanay Tayo....
Ayusin gamit ang APA sa pagbuo ng Bibliyograpiya

Awtor: Potenciana R. Babasoro


Aklat: Sining ng Komunikasyon
Taon: 2019
Publikasyon: Rex Bookstore

(Maaaring isulat ang inyong sagot sa chatbox upang ating maiwasto).


Magsanay Tayo....PAA7-PT1
Maghanap ng hindi bababa sa 5
Sanggunian na may kaugnayan
sa inyong paksa. Bumuo ng
pangunahing Bibliyograpiya at
ilapat ang mga paksang
natalakay. Ilista ang bawat entry
taglay ang APA .
Karagdagang Paalala para sa PAA7-PT1:

Buksan at basahin ang Pamatnubay


na gawain sa tile ng Modyul 6-
Filipino 11 Courseware. Sundin ang
Panuto gayundin ang Templeyt sa
gawaing ito.
REPLEKSIYON
PAGBUBUOD
PAGBUBUOD
Panalangin
Maraming Salamat
sa Pakikinig

You might also like