You are on page 1of 1

Reaksyon Paper

PUP Vision, Mission, and 10 Pillars Reform Agenda


Ni Dr. Manuel M. Muhi

Ang Pangbansang Politeknikong Unibersidad ay naglalayong maging una sa mga


Unibersidad. Sa ganung katayuan makakatulong ito upang magkaron pa ng mas maraming
oportunidad sa mga programang pang-akademiko, Inklusibo at pantay na kalidad ng edukasyon.
Ang PUP ay may bisyon at misyon na kanilang hinahangad na mabigyan ng pagkakapantay-
pantay at de-kalidad na edukasyon hindi lamang para sa mag-aaral kundi pati na rin sa guro at
iba pang kawani. Upang ito ay mangyari bumuo ng sampung haliging agenda sa reporma. 1.
Dinamiko, Mapagbago at Responsableng Pamumuno ,2. Tumutugon at Makabagong  Kurikula at
Pagtuturo, 3. Nakatutulong at Produktibong Kapaligirang Pampagkatuto, 4. Holistiko at
Nakahihikayat na  Pagpapaunlad Pang-mag-aaral, 5. Pinahusay na Dalubguro at Kawani, 6.
Masikhay na Produksyon at Pakikinabang ng Pananaliksik, 7. Pandaigdigang Pamantayang
Akademiko at Kahusayan, 8. Kolaborasyon, Produktibo, Estratehikong Ugnayan at Pagtutuwang,
9. Aktibo at Napapanatiling Ugnayan sa Pinaglilingkuran, 10. Patuluyang Programa at
Proyektong Pagpapaunlad Panlipunan.

Hindi na nakakapagtaka kung bakit ang Pangbansang Politeknikong Unibersidad ay isa sa


maituturing na mahusay na Unibersidad ng Pilipinas. Kung makamit natin ito ay magdadala ng
higit pa para sa unibersidad at para sa atin. Pagpapabuti at palalakasin ang programang pang-
akademiko at ang mga programang pang-organisasyon.

Napakaganda ng pananaw at misyon sa ganitong konsepto ng pag-iisip, masisiguro ko sa


aking sarili na ang unibersidad ay nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon, Ang de-kalidad na
edukasyon na ito ay magpapahusay sa ating mga kasanayan at magpapalawak pa ng ating
kaalaman.

Naniniwala ako na sa pagdating ng panahon ay mas lalo makilala ang mga magandang
aspeto nito na makaka tulong hindi lamang sa ating Unibersidad kundi sa lahat ng ahesya o iba
pang sangay ng gobyerno.

You might also like