You are on page 1of 8

PAUNANG PAGSUBOK SA

FILIPINO 6
Pangalan:_______________________________ LRN:______________
Baitang/Pangkat:_________________________ Petsa:_____________
Guro:___________________________________ Iskor: _____________

I. PAKIKINIG
Panuto:Pakinggan ang pabulang babasahin ng guro. Bilugan ang titik ng gtamang sagot.

1. Sino sino ang dalawang pangunahing tauhan sa pabulang napakinggan?


a. Pagong at Matsing c. Langam at Tipaklong
b. Leon at Daga d. Kuhol at Kuneho

2. Ano ang ginagawa ng mga ibon at mga insekto sa bukid?


a. Sila ay nagtratrabaho
b. Sila ay nagtatanim
c. Sila ay nag-aaral
d. Sila ay naglalaro

3. Bakit hindi nakipaglaro si Langgam sa iba pang mga insekto?


a. Sinasamantal ni Langgam ang magandang panahon upang makapag-impok ng pagkain.
b. Hindi siya pinayagan ng kanyang mga magulang na makipaglaro.
c. Nag-aaral siya ng kanyang leksyon
d. Kaaway ni Langgam ang iba pang mga insekto.

4. Ano ang nais ipahiwatig na mensahe ng pabulang napakinggan?


a. Maging maagap upang sa oras ng pangangailangan ay may mapagkukuhanan.
b. Maging masaya habang bata pa at huwag mamroblema sa problema ng iba.
c. Unahin ang pag-aaral bago ang paglalaro.
d. Makipagkaibigan tayo kahit sa sinuman.

5. Kung kaibigan mo si Langgam, ano ang katangiang nais mong gayahin sa kanya na ipinakita sa
pabulang napakinggan?
a. masipag c. masunurin
b. magalang d. maaral

6. Sa pabulang si Leon at ang Daga, paano nailigtas ng daga ang Leon mula sa mga
mangangaso?
a. Nagpanggap na diwata ang daga at nagbabala siya sa mga mangangaso.
b. Nginatngat niya ang lambat nang umalis ang mga mangangaso.
c. Sinunod ng daga ang lambat.
d. Humingi siya ng tulong sa iba pang mga hayop sa kagubatan.

II. TALASALITAAN

7. Lagi nating pakatandaan ang kasabihang: “Pag may isinuksok, may madudukot .”
a. aasahan b. may magagamit c. may mananakaw d. isinabit

8. Dapit-hapon na ay wala pa ang mag-asawa. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. bago maghapon c. malapit nang gumabi
b. gabi na d. madilim na
9. Kapit-bisig sa paggawa ang mga taganayon kaya madali nilang natatapos ang gawain. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Tulong-tulong c. magkadikit ang mga bisig
b. Watak-watak d. magkakahawak

10. Tumugtog ang orasyon sa kalapit na simbahan at napansin ko ang malungkot na takipsilim. Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Dakong ikaanim ng gabi c. Katanghalian
b Malapit ng sumikat ang araw. d. Maagang-maaga

11. Ito ang pinagkukunan ng kahulugan, baybay, ispeling at pagpapantig ng mga salita; bahagi ng
pananalitang kinabibilangan ng salita, pinanggagalingan ng salita at nakaayos ng paalpabeto.
a. diksiyonaryo b. atlas c. almanac d. ensayklopedya

III. WIKA

12. Alin sa pangungusap ang may pangngalang pantangi? Balikan ang mga pangungusap.
a. Ang mga puno sa Hacienda Victoria ay maraming mamunga.
b. Kaing-kaing na prutas ang ibinababa rito araw-araw.
c. Hindi mapapantayan ang kasipagan ng mga magsasakang nagtatrabaho rito.
d. Dalawang angkan ang dumating sa hacienda upang bumisita sa taniman.

13. Alin ang basal o di-konkretong pangalan sa mga sumusunod?


a. puno b. mangga c. kasipagan d. prutas

14. Ano ang kasarian ng salitang magsasaka?


a. panlalaki b. pambabae c. di-tiyak d. walang-kasarian

15. Nagdulot ng kasiyahan sa aming lugar ang hindi inaasahang pagdating ng artistang si Coco
Martin. Anong uri ng pangngalan ang salitang may salungguhit?
a. di-kongkreto b. pambalana c. kongkreto d. pantangi

16. Anong uri ng panghalip ang salitang ako ?


a. panao b. paukol c. pamatlig d. pananong

17. Anong uri ng panghalip ang balana?


a. Panao c. panaklaw
b. Pamatlig d. pananong

18. Kahit saanmang sulok ng mundo ka makakarating, isipin mong ako pa rin ang lagi mong
kakampi sa kahit anong pagkakataon. Sa sinalungguhitang salita, alamin kung anong uri ito na
panghalip.
a. Panghalip Paari b. Panghalip Panao c. Panghalip Panaklaw d. Panghalip Patulad

19. Punan ng ankop na panghalip ang pangungusap. “____________ nalang dito sa loob” ang sabi
ng isang pasaherong jeep sa kanyang kasama.
a. Kata b. Kayo c. Kami d. Sila
20. Upang mapadali ang pagtali ng laso ay ganito lamang ka simple ang iyong susunding paraan.
Aling salita sa pangungusap ang ginamitan ng panghalip na patulad.
a. laso b. pagtali c. mapadali d. ganito

IV. PANITIKAN
PANUTO: Basahin at unawain ang pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

“Mula ngayon, hindi na pwede ang “pwede na” pagdating sa mga kalye, tulay at gusali, dahil
magiging responsalidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga
proyekto nila.”

21. Anong katangian ng taong nagsalita ang pinamalas sa paglalahad?


a. maingat b. mabait c. masipag d. matapat

22. Alin sa mga sumusunod na elemento ng isang pinanood ang tumutukoy sa lugar at panahon na
pinagganapan ng palabas?
a. tauhan b. kasukdulan c. tagpuan d. wakas

23. Ito ay tawag sa taong sumulat ng isang akda.


a Awtor b. Tagpuan c. Pamagat d. Tauhan

24. Magkakaroon kayo ng lakbay-aral sa isang parke. Ano ang una mong gagawin?
a. Hindi ako pipitas ng bulaklak ni tatapak sa damuhan.
b. Maghuhugas ako sa mini fishpond doon.
c. Iuukit ko ang pangalan ko sa isang puno o bato roon.
d. Bubunot ako ng isang kakaibang halaman upang itanim sa aming bakuran.

25. Nakita mo ang inyong kapitbahay na sinusunog ang sari-saring plastic sa tapat ng kanilang
bahay. Ano ang gagawin mo?
a. Ibibigay ko ang mga plastic naming basura para isabay sa sinusunog niya.
b. Hahayaan ko na lang dahil sa kanya naman ang basura.
c. Sasawayin ko siya at pagpapaliwanagan na masamang sinusunog ang plastik.
d. Wala sa mga nasa itaas ang aking gagawin.

26. Anong mangyayari kung kung ang ang mga mga Pilipinong kasambahay ay papatawan ng mas
malaking buwis ng gobyerno?
a. Biglang kakaunti ang susubok upang maging kasambahay.
b. Makapagtatrabaho na sila sa ibang bansa ng angkop/bagay sa natapos nila.
c. Magtutulungan na ang bawat kasapi ng pamilya sa gawaing-bahay.
d. Magiging mapagmataas na rin ang mga kasambahay.

27. May mga nakatakdang “cleaners” sa bawat araw sa inyong klase ngunit ayaw nilang maglinis.
Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ko sila sa aming guro para mapagalitan sila.
b. Magkukusa akong maglinis upang maging huwaran nila.
c. Hayaan na lang na marumi ang silid, tutal, may dyanitor naman.
d. Imuungkahi ko na wala na lang “cleaners” dahil hindi naman kami sumusunod.
28. Nasa loob ka ng isang pamasaherong dyip ngunit hindi mo alam kung saan at paano mo
itatapon ang hawak mong walang laman na tetra pak ng juice.
a. Ihahagis ko sa bintana. Ganoon naman ang ginagawa ng iba.
b. Ilalagay ko muna sa bag ko. Wala naman na iyong laman.
c. Iiwan ko sa sahig ng dyip.
d. Isisingit ko sa upuan pagkatapos kong yupiin.

29. Humingi ka ng pahintulot sa iyong nanay upang makipaglaro sa labas subalit hindi ka pinayagan
dahil umaambon. Ano ang dapat mong gawin?
a. Aayain ko ang aking kapatid na makipaghabulan sa akin sa hardin.
b. Titigil na lang ako sa bahay at gagawa ng aking takdang aralin.
c. Magpupumilit ako hanggang sa mapapayag ko ang aking nanay.
d. Tatakas na lamang ako.

V. PAGBASA

30. Napakalakas ng ulan at hangin na nagdaan kagabi kaya ____. Piliin ang di kabilang sa mga
naging bunga nito.
a. nasira ang mga tindahan sa paligid
b. nawasak ang mga pananim sa bukid
c. lumubog ang mga tirahan
d. nawala ang mga tao sa pamayanan

31. Bakit kaya nag-aalala ang isang ama sa paglisan niya sa kanyang pamilya dahil sa kanyang
trabaho sa ibayong dagat?
a. tatahimik na ang kanilang tahanan
b. wala ng katuwang ang kanyang asawa sa pagdisiplina sa anak
c. di na sila magsasaya
d. Magliliwaliw ang pamilya

32. Gusto mong lumabas kasama ng iyong mga kaibigan, ano ang sasabihin mo sa iyong mga
magulang?
a. Maari po ba akong lumabas kasama ng aking mga kaibigan?
b. Payagan ninyo akong lumabas kasama ng aking mga kaibigan.
c. Hayaan ninyo akong lumabas kasama ng aking mga kaibigan.
d. Lalabas ako kasama ko ang aking mga kaibigan.

33. Si Edwardo ay may takdang aralin sa asignaturang AP at kailangan niyang alamin ang mga
pangalan ng bagyong dumarating sa ating bansa. Kailangan niyang gamitin ang isang
teknolohiyang maaaring mapagkunan ng kaalaman sa tulong ng network ng mga kompyuter sa
buong mundo.
a. internet b. cellphone c. twitter d. facebook

PANUTO: Basahin nang maayos ang mga hakbang. Iayos ang mga hakbang sa pagsasaing ng
bigas ayon sa wastong pagkakasunod-sunod nito.
1. Hugasan ng dalawang beses ang bigas.
2. Lagyan ng dalawang tasang tubig ang bigas. Kung ano ang sukat ng
bigas, gayundin ang sukat ng tubig.
3. Lutuin ang bigas ng 20 minuto o hanggang sa ito ay maluto.
4. Maglagay ng dalawang tasang bigas sa saingan.
5. Isalang ang sinaing sa katamtamang apoy.
34. a. 4-1-2-5-3 b. 4-3-5-1-2 c. 3-1-5-2-4 d. 3-2-1-5-4

35. Alin sa sumusunod ang pahayag ang isang opinyon?


a. Ang pagtatanim ng mga puno ay makatutulong upang mapigilan ang matinding pagbaha.
b. Bumara ang mga basura sa mga estero matapos ang matinding ulan dulot ng bagyong
Pepeng.
c. Nasa ikalawang bahagi na ang proyektong pagpapagawa ng Dolomite Beach sa Maynila.
d. Tumama ang mahigit 7 magnitude sa probinsya ng Abra.

PANUTO: Basahin ang maikling akda. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

May isang pari sa isang malayang parokya na may alagang kabayo. Dahil
marami siyang gamit na dala kapag siya’y umaalis, naisipan niyang turuan ang
kanyang kabayong sumunod na lamang sa kanyang mga utos upang hindi na siya
gumamit pa ng rendang lubid. Maayos ang naging resulta ng kanyang pagtuturo sa
kabayo at hindi na nalalaglag ang mga kagamitan niya dahil nagagamit niya ang
dalawa niyang kamay upang hawakan mabuti ang mga ito. Kapag sinabi niyang ”Hay,
salamat!” ay kumakaripas ng takbo ang kabayo at kapag sinabi niyang “Manalangin
tayo” ay kaagad itong humihinto.
Isang araw ay may bumisitang pari sa parokya. Labis ang tuwa nito ng malaman
mula sa kaibigang pari ang itinuro sa kabayo. “Subukan ko nga kung totoo ang sinabi
mo,” ang wika nito sa kaibigan.
“Hay, salamat!” utos niya sa kabayo na nagsimula naman nang pagtakbo.
Nasiyahan ang pari at paulit-ulit niya itong inutos sa kabayo na pabilis naman nang
pabilis ang takbo. Labis na nasiyahan ang pari sa kanyang pagsakay hanggang
makarating sila sa malapit na bangin. Sa takot ng pari ay nakalimutan niya ang utos
upang huminto sa pagtakbo ang kabayo. Nasa gilid na ng bangin nang maalala niyang
sabihing “Manalangin tayo.” At bigla namang huminto ang kabayo. “Hay, salamat!”,
kasunod na wika ng pari...

36. Paulit-ulit na inutusan ng pari ang kabayo kaya pabilis nang pabilis ang takbo nito. Ang pari ay
_________.
a. nalungkot b. nasisiyahan c. nahiya d. naguluhan

37. Ano ang sanhi at naisipan ng pari na turuan ang kanyang kabayong sumunod na lamang sa
kanyang mga utos?
a. dahil marami siyang parokyang pinupuntahan
b. dahil marami siyang gamit na dala kapag siya’y umaalis
c. dahil mahal ang pamasahe sa kanilang lugar
d. upang mapabilis ang kanyang lugar

38. Ano ang paksa ng kuwentong nabasa?


a. Ang Pagsunod ng Kabayo sa Utos ng Pari
b. Ang Mabilis na Kabayo
c. Ang Pakialamerong Pari
d. Ang Matalinong Pari

39. Kapag sinabi ng pari na manalangin tayo, ano ang ginagawa ng kabayo?
a. Kumakaripas ng takbo c. humihinto sa pagtakbo
b. Lumulundag d. nagdadasal
40. Anim na taon na ang nakalipas at malapit nang makatapos sa mababang paaralan si Sheryl.
Ano sa palagay mo ang magiging bunga ng kanyang pagsisikap?
a. magpapatuloy siya ng pag-aaral sa mataas na paaralan
b. makapagtatrabaho na siya
c. mamamasyal siya sa Luneta
d. mangingibang bansa na siya

41. Nagluto ng mga kakanin ang nanay. Inimbitahan ang mga kapitbahay at lahat ng kalaro at
kababata ni Cris. Bakit ginawa iti ng nanay ni Cris?
a. Nais lang ng nanay makakain ang kaniyang mga kapit- bahay
b. Nais ng nanay na ipagyabang na sila ay maraming pagkain
c. Kaarawan ni Cris
d. Masaya ang nanay na makita maraming tao sa kanilang bahay.

42. Sa akdang nabasa sa bilang 36, ano ang naging bunga nang sinubukang sumakay ng kanyang
kaibigang pari sa kabayo?
a. nagbigay ito ng labis na kasiyahan sa kaibigan
b. natutuhan niyang sumakay sa kabayo at napatakbo ito ng mabilis
c. napahamak ang kanyang kaibigan
d. natupad ang kanyang kahilingan

PANUTO: Basahin ang isang ulat. Bilugan ang letra ng iyong sagot.

Idineklara si Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar sa Mindanao sa


gitna ng mga armadong bakbakan laban sa Islamistang pangkat na Maute sa
lungsod ng Marawi.
Dahil dito, pinayuhan ang mga sibilyan na magdobleng ingat at kung di
kinakailangan ay manatili muna sa kanilang mga tahanan.

43. Ano ang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte?


a. EDSA Revolution b. Womens Desk c. Batas Militar d. Bantay Bata Act

44. Bakit kaya idiniklara ng pangulo ang Batas Militar sa Mindanao


a. upang mapigilan ang terorismo sa bansa.
b. upang takutin ang mga rebeldeng Maute
c. upang makuha ang armas ng mga rebelde.
d. upang lumago ang ekonomiya ng bansa

45. Ano ang angkop na argumento sa sitwasyong nag-rally ang mga drayber ng jeepney?
a. Nasira ang kanilang mga dyip dahil sa baha.
b. Patuloy na tumataas ang presyo ng gasolina.
c. Walang pasahero
d. Dumadami ang mga bisekleta
VI. PAGSULAT
46-50. PANUTO: Sumulat ng isang talata sa paksang “ Pagsulong sa Face to Face Classes ng
Deped”.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagsulat ng 1 Puntos


Talata
Maayos ang paggamit ng
bantas, malalaking titik,
pangngalan at panghalip.
May maayos na pag-aanyo ng
talata.
Naaayon sa paksa ang isinulat
na talata.
Hindi paligoy-ligoy ang pahayag.
Nakikilala ang puntos ng ideya
ng sumulat
(Alab Filipino 6, Ang Langgam at Ang Tipaklong, ph. 6.)

You might also like