Sino si Rizal? Si José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay isa sa
pinakakilalang dakilang bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang ni Gng. Teodora Alonso Realonda at ng asawa na si G. Francisco Mercado sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Sa panahon ng pamamayagpag ng mga mananakop na Kastila, siya ay kabilang sa mga Pilipinong umalsa laban sa mga manlulupig. Hindi katulad ng iba, si Rizal ay may sariling pamamaraan ng pakikipaglaban. Hindi siya gumamit ng kahit anong dahas, kung hindi sa paggamit ng kaniyang talino at husay sa pamamaraang pagsulat. Sa pamamagitan ng kaniyang mga kilalang nobela, ang Noli Me Tangere at El filibusterismo ay naibulgar ang mga masasamang gawain ng mga mananakop na Kastila. Siya ay nagtagumpay ngunit siya ay pinatay. Siya ay binaril at namatay noong Desyembre 30, 1896 na may huling katagang "Consummatum est" na nangangahulugang "tapos na". At sa huli, sa kaniyang pagkadakila at pagmamahal sa bayan ay pinatunayan niya ang mga katagang "ang mamatay ng dahil sayo" ng Lupang Hinirang.
Pilipinas ang perlas ng silanganan. Sa pagkamagiting ng mga Pilipino at mga bayani,
tayo ay nakalaya sa kamay ng mga mang-aapi. Ang kagandahan ng Watawat ng Pilipinas ay simbolo ng ating pagiging malaya. Ang walong sinag ng araw ay sumasagisag sa walong probinsyang unang nag-alsa sa Kastila ang Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, at Batangas. Ang tatlong bituin na kumakatawan sa tatlong isla ng bansa ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang kulay asul na nangangahulugan ng kapayapaan, katotohanan, at katarungan. At panghuli, ang kulay pula na nagpapahiwatig ng kagitingan, at pagkamakabayan. Hindi man ganoon kadali ang proseso— umagos man ang libo-libong galon ng dugo at hindi mabilang na buhay na nawala ay matagumpay pa rin tayong nakawala sa kamay ng mga manlulupig at pangit na pamununo. Hindi masusuklian ang hirap na dinanas ng mga Pilipino upang magwagi at matagumpay na maiwagayway ang Watawat ng Pilipinas. Kung kaya, sabay-sabay tayong umawit ng Lupang Hinirang at manumpa sa Watawat ng Pilipinas ng buong puso at pagmamalaki.
Sa kay rami-rami ng mga pinagdaanan, tunay ngang may bagong pag-asang
sisilang. Sa paglipas ng araw at bagyo, may panibagong sikat ng araw na tutungo. Sa paglabas ng araw sa kaumagahan, ang pamamalagi ay mabibigyan ng kahulugan. Sa paglubog ng araw, may bukas na matatanaw. Magkikita muli ang araw at buwan, magkakaisa sa lawak ng kalangitan; aahon sa rurok ng kahirapan, at tatalikuran ang madugong nakaraan. Hindi kailanman magiging huli ang lahat, sapagkat tayo ay nagsisimula pa lamang magsiwalat. Panibagong araw ay sisikat para sa pagpapatuloy ng ating nasimulang alamat.