You are on page 1of 1

Tumayo at Tumindig, Laban Kontra Open-pit Mining

Magkapit-bisig

Marahil kayo ay pamilyar na sa open-pit mining na napapanahong isyu sa lalawigan


ng South Cotabato. Ano nga ba ang open-pit mining? Ito ba ay makapagbibigay yaman
sa mga mamamayan at sa ating bayan? O ito ay mas makapagdudulot lamang ng
kahirapan? Isang magandang umaga sa inyong lahat. Ako si Janna Leah L. Gales,
hindi isang propesyunal pero titindig para sa kinabukasan ng kalikasan.

Ano nga ba ang open-pit mining? Base sa datos ng AngloAmerican, ang open-pit
mining ay isang pamamaraan sa pagmimina sa ibabaw na kumukuha ng mga mineral
mula sa isang bukas na hukay sa lupa. Matagal nang pinag-uusapan ang open-pit
mining sa bayan. Marami ang tutol, ngunit marami din naman ang payag. Ang
pagmimina ay maaaring makaapekto sa mga local na komunidad sa positibo at
negatibong pamamaraan. Simulan natin sa negatibong dulot nito. Ang open-pit mining
ay ang pinakamataas na potensyal na banta dahil nakakaapekto ito sa kimika ng hangin
at tubig na pangunahing kailangan para mabuhay ang mga may buhay na organismo.
Ang pagkawala ng buhay ng halaman sa lugar na inookupahan ng surface mine ay
dulot ng pagmimina. At maging ang dalang epekto nito sa buhay ng tao at hayop. Kung
wala ang hangin na galing sa mga halaman, pano na kaya tayong may buhay na
lumalanghap ng kasaganahan? Ngunit sa kabila ng lahat, hindi mapagkakailang may
positibo itong dulot; gaya na lamang ng pagtaas ng employment rate na nagbibigay
opurtonidad sa mga tao at mga proyektong pampaunlad para sa bayan. At higit sa lahat
ay ang yaman na dala nito sa bulsa ng gobyerno, este sa lalawigan. Masisigurado ba
nating tayo ang uunlad at ang makakabenepisyo? O para lamang ang yaman sa
kaitaastaasan?

At ang panghuli na nais kong bigyan ng atensyon ay ang epekto nito sa hinaharap.
Lingid ba sa kaalaman ng mga mamamayan na ang yaman ay panandalian lamang?
Kung tayo ay naghihirap sa kasalukuyan; paano na kaya ang taong mabubuhay sa
hinaharap? May buhay pa kaya sa hinaharap? Kaya bago pa man maging huli ang
lahat, simulan na natin ang pagmamalasakit sa kalikasan. Huwag nating hayaang
masira ang yaman ng kalikasan para sa panandaliang yaman lamang. Tayo ay tumayo,
tumindig, at magkapit-bisig para sa kinabukasan ng kalikasan.

You might also like